Encouragement
Hindi natin maiiwasan na mapuno ng takot at pangamba sa tuwing may pinagdaraanan tayong hindi natin inaasahan. Mabuti na lamang at mayroon tayong Diyos na maaari nating takbuhan. Ang Kaniyang pag-ibig at pag-iingat ay lagi nating maaasahan.
When we are consumed with our problems and difficulties, we fail to realize God's plans and ways to help us. But the truth is, God has never left our side. Alam Niya ang iyong pinagdaraanan at alam din Niya kung paano ka tutulungan. He is always present in times of need.
Pakiramdam mo ba na parang wala nang saysay ang iyong buhay dahil sa iyong maruming nakaraan? Huwag kang mabahala. Kaya kang tulungan ng Diyos na magsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan; ang nais Niya lamang ay lumapit ka sa Kaniya. Tanggapin mo ang panibagong pag-asa at pagmamahal na ibinibigay Niya.
Ilang araw na lang at Pasko na! Kumusta ka? Kumusta ang puso mo? Ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, lagi mong tandaan na kasama mo ang Diyos. Makakabangon kang muli sa tulong Niya. Hindi ka nag-iisa.
Sa mga panahong pinanghihinaan ka ng loob dahil sa dami ng pagsubok sa buhay, alalahanin mo na kaya kang tulungan ng Diyos. Nais Niyang magtagumpay ka sa buhay kaya't 'wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka Niya iiwan.
We doubt God's love for us especially when we are facing difficulties or disappointments in life. But, we must remember that God loved us and even sacrificed His Son just to save us. That's how much God loves you. Kaya't 'wag kang mawalan ng pag-asa dahil mahal ka ng Diyos. Hindi ka Niya iiwan.
Sa mga panahong nawawalan ka ng pag-asa dahil sa mga dinaranas mong pagsubok sa buhay, nais naming ipaalala sa 'yo na may Diyos kang puwedeng lapitan. Handa Siyang tulungan ka sa lahat ng oras. Tapat Siya sa Kaniyang salita at kaya ka Niyang bigyan ng bagong pag-asa.
Nararamdaman mo na ba ang stress dahil sa sunod-sunod na gastusin? Nag-aalala ka ba kung saan ka kukuha ng mga panggastos sa araw-araw? Philippians 4:19 says, "God can supply all your needs." Kaya hindi mo kailangang mangamba dahil hindi ka pagkukulangin ng Diyos.
Hindi man maganda ang takbo ng buhay mo ngayon, alalahanin mo na may mga pangako ang Diyos na puwede mong panghawakan. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil nariyan Siya upang palakasin ka. Lagi mong tandaan, kasama mo ang Diyos sa lahat ng laban mo sa buhay.
There is nothing more powerful than the love of God for us. His great love can heal, transform, free us from the bondage of sin, and lead us to an abundant life.
Nais ng Diyos na maranasan mo ang masaganang buhay. Ano man ang pinagdaraanan mo, lagi mong isipin na kayang baguhin ng Panginoon ang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Mahal ka Niya at hindi ka Niya iiwan kailanman!