Hindi pa huli ang lahat upang magsimula muli. Tutulungan ka ng Diyos na makabangon mula sa madilim mong nakaraan. Laging may bagong simula sa piling ng Panginoon kaya huwag kang mahiyang lumapit sa Kaniya.
Hindi mo ba maiwasang makaramdam ng pangamba ngayong paparating na ang Pasko? Alam ng Diyos ang nilalaman ng iyong puso. Ipaparanas Niya sa ‘yo ang kapayapaan at pagmamahal na papawi sa iyong kalungkutan ngayong kapaskuhan. He is the reason for this season and God wants you to have a merry Christmas.

Ano nga ba ang sikreto upang maranasan ang masayang Pasko? Kung nais mong malaman ang sagot, kilalanin at tanggapin mo si Hesus sa iyong buhay. Siya ang dahilan kung bakit tayo may Pasko; ang Siyang tunay na biyaya sa panahong ito.

Posible pa kayang maranasan ang masayang buhay sa kabila ng madilim na nakaraan? Our God is a great redeemer! Kaya Niyang palitan ng maayos at magandang simula ano man ang iyong pinagdaraanan. May pag-asa sa Diyos, kapatid. Tutulungan ka Niyang magsimula muli.

Puno ba ng hinanakit ang iyong puso dahil sa iyong nakaraan? Nais mo bang makalaya mula sa tanikala ng galit? Hayaan mong si Hesus ang maghari sa iyong buhay. Kaya Niyang alisin ang ano mang nagbibigay bigat sa iyong puso at palitan ito ng pagmamahal. Lumapit ka lamang sa Kaniya.

Pakiramdam mo ba ay wala nang nagmamahal sa ‘yo? Nais mo na bang tapusin ang iyong buhay para lamang takasan ang mga problema? Kapatid, mayroong Diyos na higit na nagmamahal sa ‘yo. Talikuran ka man ng tao sa paligid mo pero si Hesus ay laging nariyan upang yakapin ka. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka iiwan ng Diyos.
Nangangailangan ka ba ng tutulong sa ‘yong lakaran ang matuwid na landas? Nais mo bang maranasan ang maayos na buhay? Nariyan si Hesus upang tulungan ka. Siya ang iyong gabay patungo sa maayos at matuwid na buhay na nais Niya para sa iyo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at gawing Diyos ng iyong buhay. Tutulungan ka Niya.
Nasa gitna ka man ng madilim na sitwasyon ngayon, nariyan si Hesus upang gabayan ka patungo sa maayos na buhay. Sasamahan ka Niyang malampasan ano mang pagsubok ang kaharapin mo. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Paano nga ba magiging merry ang iyong Christmas? Discover the answer as you watch this episode of The 700 Club Asia, Tuesday, December 5, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.

Alam mo ba na mayroong magandang kinabukasan na naghihintay sa ‘yo? Oo, kapatid. At madi-discover mo ito sa panahong magtiwala ka nang buo sa Panginoon. Kaya Niyang iparanas sa iyo ang maayos na buhay nang higit pa sa iyong naiisip. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tapat si Hesus sa Kaniyang salita.

Matagal ka na bang nakakulong sa kasalanan at kahirapan? Naghahanap ka ba ng tutulong sa 'yo na makawala sa tanikala ng buhay? Si Hesus lamang ang iyong pag-asa. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa ano mang bagay na bumibihag sa 'yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Hindi ka iiwan ng Diyos.

Pakiramdam mo ba na walang pinatutunguhan ang iyong mga panalangin? Naririnig ka ng Diyos, kapatid. Alam Niya ang nilalaman ng iyong puso at may solusyon Siya sa bawat problemang pinagdaraanan mo. Patuloy ka lang maniwala at magtiwala sa Kaniya sapagkat tapat Siya sa Kaniyang mga pangako.

Si Hesus ang sikreto sa maayos at matagumpay na buhay. Kaya kung nais mong maranasan ang galak na papawi sa iyong mga problema, lumapit ka lamang sa Panginoon. Hindi ka Niya bibiguin at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.

Naghahanap ka ba ng makakapitan sa oras na ikaw ay naguguluhan? Lumapit ka lamang kay Hesus. Sa Kaniya mo lang matatagpuan ang kapayapaan na iyong hinahanap. Kaya ka Niyang tulungan na malampasan ano mang pagsubok ang iyong kinakaharap. Hindi ka Niya iiwan at pababayaan.

Sa mga panahon na pilit kang tinutumba ng mga problema, ialay mo lamang ang iyong buhay kay Hesus at gawin Siyang pundasyon ng iyong buhay. Palalakasin ka Niya sa araw-araw at bibigyan ng kakayanan na malampasan ang bawat pagsubok na iyong haharapin.

Gaano man kabigat ang pinagdaraanan mo, hindi kailanman nawala ang Diyos sa iyong tabi. Siya ay hindi lamang laging handang tumulong, ngunit palagi din Siyang handa na iparanas sa iyo ang joy na hindi kailanman mawawala at bigyan ka ng lakas upang harapin ang mga pagsubok nang matagumpay. Huwag kang mawalan ng pag-asa at patuloy ka lang kumapit kay Hesus.
Nalulunod ka na ba sa sunod-sunod na pagsubok sa iyong buhay? Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng Diyos na makaahon sa problema. May solusyon Siya sa bawat pinagdaraanan mo kaya't patuloy ka lang magtiwala sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Panginoon.
Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, kaya ng Diyos na palitan 'yan ng galak na nag-uumapaw. Ilapit mo lamang sa Kaniya ang iyong mga dalahin at hayaan mong kumilos si Hesus sa iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil kasama mo ang Diyos.
Nakikita ng Diyos ang iyong pinagdaraanan. Kaya Niyang iparanas sa 'yo ang kasiyahan at kapayapaan kahit pa sa gitna ng iyong mga problema. Manampalataya ka lang kay Hesus dahil hindi ka Niya bibiguin o pababayaan kailanman.

Kung nangangailangan ka ng tulong mula sa isang ama, makakaasa ka sa Diyos! Puwede mo Siyang lapitan sa oras ng pangangailangan dahil handa Siyang sumaklolo sa iyo sa lahat ng oras. Huwag kang mahiya na lumapit sa Panginoon.

Showing 1–20 of 177 results