Posible nga bang maranasan ng isang tao ang maayos na buhay kahit na dumaan siya sa madilim na nakaraan? Ganyan ang naranasang buhay ni Judy. Walang imposible sa Panginoon sa mga taong nagtitiwala at nananamplataya sa Kaniya. Ma-inspire sa kaniyang kuwento.

Posible nga bang maranasan ng isang tao ang maayos na buhay kahit na dumaan siya sa madilim na nakaraan? Ganyan ang naranasang buhay ni Judy. Walang imposible sa Panginoon sa mga taong nagtitiwala at nananamplataya sa Kaniya. Ma-inspire sa kaniyang kuwento.
Sa tuwing tinatakbuhan ni Judy ang mabuting balita, patuloy na gumagawa ang Panginoon ng paraan upang marinig niya ito. Paano nga ba ito tatanggapin ni Judy at magtitiwala na may magandang plano ang Diyos sa kaniya sa kabila ng kaniyang pinagdaanan?
Lumaki si Yna na hiwalay ang kaniyang mga magulang. Nakakakuha man siya ng sustento mula sa ama, tila may kakulangan pa rin sa kaniyang puso. Ano nga ba ito? Mahanap kaya niya ang sagot? Mauulit din ba ang sitwasyong ito sa kaniyang sariling pamilya?
Sa kagustuhan ni Elvie na mapunan ang kakulangan sa kaniyang puso, hinanap niya ang pag-ibig sa ibang tao. Nakipagrelasyon siya nang palihim sa kapwa babae at nagpapalit-palit ng karelasyon. Ito na nga ba ang kasagutan sa matagal nang inaasam ni Elvie na pagmamahal?
Hindi mo ba maiwasang mag-aalala kung paano mairaraos ang pang araw-araw na gastusin? Mayroon ka bang pangangailangan na tila imposible mong makuha? God can perform miracles over your needs. Ang kailangan mo lang gawin ay maniwala at manampalataya sa Kaniya. He knows the cry of your heart at hindi ka Niya pababayaan.
Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo, Kapatid. Mahirap man makita ang pag-asa pero hindi binibigo ng Diyos ang mga taong lubusang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya't patuloy ka lang na manamplataya kay Hesus. Walang imposible sa Kaniya.
Napapagod ka na bang maniwala sa himala? Nariyan ang Diyos upang patunayan sa 'yo na walang imposible sa Kaniya. Hayaan mo lamang Siyang kumilos sa iyong buhay. Hindi ka kailanman bibiguin ng Panginoon.
Sa pagnanais ni Alain na lakaran ang panibagong buhay, sumama siya sa mga taong makakatulong sa kaniya upang talikuran ang mga masasamang gawain na kaniyang nakasanayan. Nagkaroon din ng pagnanais sa kaniyang puso na tulungan ang mga taong dumaraan sa parehong pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Tuloy-tuloy na nga ba ang bagong pag-asa para kay Alain?
Dahil sa matinding pagsubok na kinakaharap ni Alain, halos mawalan na siya ng pag-asang magpatuloy pa sa buhay. Makawala pa nga ba siya sa pagkakakulong sa madilim na yugtong ito ng kaniyang buhay?
Ngayong nagkaroon ng hindi magandang bunga ang mga maling gawa ni Alain, kanino niya matatagpuan ang tulong at kalinga na kaniyang kailangan? Malampasan kaya niya ang madilim na bahaging ito ng kaniyang buhay?
Simula pagkabata ay hindi na naranasan ni Alain ang pagmamahal ng ama. Nagsumikap man sa pag-aaral ay hindi ito naging sapat upang makuha ang atensyon na ninanais. Ito ang naging dahilan upang hanapin niya ang pagmamahal sa maling pamamaraan.
Sa kabila ng hindi magagandang karanasan ni Kristy, may magandang buhay pa nga ba na naghihintay sa kaniya? Posible pa nga ba siyang mabuo muli mula sa ilang beses na pagkawasak ng kaniyang puso?
Nanindigan si Kristy sa kaniyang desisyon na hiwalayan na ang kaniyang live-in partner. Nilakaran niya ang plano ng Diyos sa kaniyang buhay at nagtiwala na si Hesus ang magbibigay ng maayos na relasyon sa kaniya. Paano nga ba hinintay ni Kristy ang kaniyang “God’s best”? Aaminin nga ba niya ang kaniyang madilim na nakaraan?
Tila naging kalbaryo para kay Kristy ang pagkakaroon ng relasyon sa kaniyang live-in partner. Gumuho ang kaniyang mundo nang malaman na may ibang babae ang kaniyang kinakasama. Makalaya pa nga ba siya sa sakit na pinagdaraanan? O tuluyan nalang na tatanggapin ang magulong relasyon na kaniyang pinasok?
Hindi naranasan ni Kristy sa kaniyang pamilya ang pag-ibig na inaasam. Kaya naman hinanap niya ito sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipag-relasyon. Matagpuan niya kaya ito?
Malaki ang naging epekto sa pamilya ni Kristy nang magloko ang kaniyang ama. Dahil sa sakit naidulot sa pamilya, gumanti ang kaniyang ina at naghanap ng iba’t-ibang makakasama. Ano nga ba ang naging buhay ni Kristy at kaniyang mga kapatid sa nangyaring hiwalayan ng kanilang mga magulang?
May makakatulong pa nga ba kay Johnwell na makalaya mula sa tanikala ng adiksyon? O huli na ang lahat para siya ay magbago?
Inakala ni Aprila na bisyo lamang tulad ng droga, alak, at paglalaro ng computer games ang magiging problema niya sa asawang si Johnwell. Subalit hindi niya inaakala na mas may lalala pa pala sa mga ito, na siyang mas makakaapekto sa relasyon nilang mag-asawa. Ano kaya ito?
Ngayong tuluyan nang nawasak ang pamilya ni Johnwell dahil sa pabayang ama, may rason pa ba upang ipagpatuloy ang kaniyang mga pangarap? O matatalo siya ng galit na dinadala sa kaniyang puso?

Showing 1–20 of 670 results