In life, we will face different trials that may seem impossible to get through. Kaya ang iba sa atin, tinatangka na lamang na takasan ang problema by giving up. But did you know that you can still bring back joy and hope in your life once na tinanggap mo si Jesus as your Lord and Savior? If you want to start living a joyful life, you must start living in faith, too! Watch these real-life stories of our kababayans na magpapatunay na sa kahit anumang problema, hindi ka kailanman magiging hopeless sa piling ni Lord.

Sa pagkakaroon ng mga problema, sometimes we will feel hopeless and discouraged na para bang mawawalan ka na ng will to live dahil sa bigat ng 'yong mga dinadala. But be reminded that the Lord listens, you just have to keep trusting Him to experience His boundless Joy sa buhay mo.

We know that it's not easy to live joyfully lalo pa't meron kang matinding pinagdaraanan. Kung minsan pa nga, naiisip natin na giving up is the only option left. Pero kapatid, here's your reminder to keep going. You are not alone because the Lord is always with you lalo na sa journey mo in seeking His boundless joy. Laban lang!

We usually label ourselves as blessed kapag nakakaranas tayo ng magagandang bagay o pangyayari sa buhay natin. At minsan naman we tend to feel hopeless whenever we encounter life difficulties. But did you know that you can be joyful amid your life's trials and challenges? Yes, it's possible when you accept God in your life! Kaya't ano pang hinihintay mo? Start seeking God's presence in your life to experience His boundless joy! Watch these stories of hope and joy in spite of hardships that will inspire you to trust in God.

Whenever we experience downfalls, kawalan ng tiwala sa sarili ang isa sa bumabagabag sa atin. But here's your reminder to always trust the Lord's ability to make everything possible. So, never lose hope! Kung nais mong magkaroon ng peaceful and joyful life, watch these inspiring stories na magpapatunay that God will always provide.

Noon pa lamang, isa nang mananampalataya si Jose. Nagtatrabaho siya bilang animator at napaliligiran din ng mga kaibigan na tagasunod ng Diyos. Sa pagiging tapat sa Panginoon, hindi inasahan ni Jose na mabibigyan siya ng isang malaking pagsubok na tiyak na magte-test ng faith niya. Nag-positive sa delta variant si Jose at ang asawa niya. Na-ospital sila habang ang mga anak naman ay nagpagaling ng mga sintomas sa isang quarantine facility. Nagawa niyang kuwestiyunin kung naririnig ba ng Diyos ang kaniyang mga panalangin. At sa loob ng ilang araw lamang, pinatunayan ng Panginoon na “Oo” ang Kaniyang sagot.
Nakapagtrabaho bilang isang nurse si Billy at nakatagpo rin ng kapwa nurse na makakasama niya habambuhay. Masaya silang naninirahan sa England kasama ang kaniyang buong pamilya. Ngunit nagkaroon ng Covid-19 outbreak noong 2020 na siyang nagbigay ng matinding pagsubok sa kanilang buhay. Nag-positive si Billy dahil sa several encounter sa pasyente nilang huli na nilang nadiskubre na positibo pala sa virus. Ngunit tila ba napasama ang self-isolation niya sa bahay dahil nahawa ang ilan sa kaniyang mga kaanak. Nang mailipat siya sa ospital, naranasan niyang magkaroon ng matinding anxiety na nagtulak sa kaniyang sukuan ang buhay dahil sa pinagdaraanan.
Lumaki sa kristiyanong pamilya si Rodz, ngunit sa kaniyang pagbibinata pakiramdam niya ay may pagkukulang pa rin sa pagmamahal na natatanggap niya. Pumasok siya sa isang relasyon at sa huli ay naging long distance relationship ito na nagdulot ng kalabuan sa kanilang pagsasama ng tatlong taon. Sa nararamdamang sakit dahil sa breakup, tinangka niyang tapusin ang kaniyang buhay. Pero tila ba sa mismong pagkakataon rin na ‘yon, kumilos ang Panginoon upang ipa-realize kay Rodz ang kagandahan ng buhay na hindi niya dapat sayangin.
Sa buhay, makaka-experience talaga tayo ng mga problemang tila ba imposibleng malutas o malampasan. But did you know na there's still more to life if you will only believe how powerful God is? Just keep praying and let God light up your way through your journey in finding genuine peace in times of hardships.
Sa buhay, makaka-experience talaga tayo ng mga problemang tila ba imposibleng malutas o malampasan. But did you know na there's still more to life if you will only believe how powerful God is? Just keep praying and let God light up your way through your journey in finding genuine peace in times of hardships.
Bilang panganay, si Leah ang sumalo ng responsibilidad sa pag-aalaga sa nakababatang kapatid noong iniwan sila ng ina upang magtrabaho sa Italy. Kasama pa rin naman nila ang kanilang ama noon, ngunit sa pangungulila nito ay nalulong siya sa bisyo at napabayaan silang magkapatid. Nang magdalaga siya, nagpasya siyang magkaroon na ng sariling pamilya. Ngunit napunta naman siya sa isang abusive partner na iniwanan niya rin kalaunan dahil hindi na niya matiis ang pagtrato sa kanya nito. Nakakilala ng bagong pag-ibig ngunit hindi rin niloob ng Diyos na makasama niya ang taong ito habambuhay. Sa hirap ng mga pinagdaanan ni Leah mula pa pagkabata, Diyos pa rin ang naging sandigan niya. Kaya ang plano ng Panginoon para sa kaniya ay patuloy niyang pinanghawakan.
We are all trying our best to get through life struggles brought by this pandemic. Maraming pangarap ang naudlot, mga planong nasira, at mga pag-asang patuloy na nawawala. Ganon pa man, always believe that God is true to His promises. He will always lend a hand to help us survive the hard times, we just need to keep our faith stronger than ever. Hindi Niya tayo pababayaan!
Sa kalagitnaan ng pandemya, hindi maiiwasan na makaranas tayo ng mental health struggles given all the quarantine protocols and restrictions. Anxiety will be there but we should not let it take over us. Instead, let us strengthen our faith in God even more and remember that He would never let us fight our silent battles alone, especially in times of uncertainties.
Dalaga pa lamang si Evelyn ay nagtanim na siya ng sama ng loob sa kaniyang ama dahil sa pag-setup nito ng fixed marriage para sa kaniya. At bunga ng galit, hindi rin naging maayos ang relasyon niya sa napangasawa kahit na nagkaroon na sila ng tatlong anak. Sa kagustuhang makawala sa sitwasyon, sinamantala niya ang pagkakataong makapag-abroad patungo sa Singapore sa tulong ng isang recruiter. Hindi sapat para sa pamilya ang kinikita niya kaya nagpasya siyang kumapit sa patalim sa loob ng sampung taon. Ngunit isang gabi ay nagkaroon siya ng matinding realization at kasabay nito ang pagkakilala sa isang kaibigan na tapat na tagasunod ng Diyos.
Sa dami ng hamon ng buhay, sometimes we can no longer figure out things on our own. Ang iba sa atin, tanging pagsuko na lang ang natitirang solusyon upang matakasan ang mga problema. But we are here to remind you to keep praying and believing in God's ability to make everything possible for us. Laban lang, kapatid!
Parehong lumaking independent ang mag-asawang sina Kaloi at Edna. Kaya magmula pa lang noong kabataan nila, naramdaman na nila ang kagustuhang tumulong sa mga batang nangangailangan. Nagtagpo sila sa Hong Kong mula sa pagkakaroon ng iisang adhikain. Kalauna’y nagpakasal at umuwi ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang ministry para sa mga street children sa ating bansa.

Nais mo ba na makawala mula sa depression? Nakakaramdam ka na ba ng pagod mula sa mga pagsubok? Kapatid, you are not alone, God is with you!

Do you need encouragement today? If you feel like giving up, know that God is with you. He completely understands your situation. He will help you stand firm with His sustaining grace. If you stumble, He will lift you up. You don’t deserve any of these, and you can’t earn it. But He is giving it for free.
Mabilis mayanig ang pananampalatayang walang matibay na pundasyon. That is why we are shaken whenever we put our faith in earthly treasures instead of trusting God. Find out how you can strengthen your faith amid any challenges.
Kulang ang mga salita upang mailarawan ang sakit ng pagdadalamhati. Ngunit kahit nakakaranas ka ng brokenness at pain, hindi ka iiwanan ng Diyos. Siya ang iyong sandigan at mapagkukunan ng pag-asa sa pagharap mo sa panibagong umaga.

Showing 1–20 of 35 results