Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Ano man ang iyong nakaraan, huwag kang matakot na magsimula muli. Mayroon tayong Diyos na gagabay sa ‘yo upang magkaroon ka ng maayos na buhay. Maniwala ka na sa tulong ng Panginoon, kakayanin mong magbago.
Hindi sagot ang pagpapakamatay upang matakbuhan ang iyong mga problema. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang buhay mo at Siya ang iyong magiging gabay patungo sa landas ng pagbabago.
Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa ano mang masamang espiritu. Kaya't kung nais mong makalaya mula sa tanikala na bumibihag sa 'yo, tawagin mo lang ang pangalan ng Panginoong Hesus. Ialay mo ang iyong buhay sa Kaniya at Siya ang iyong gawing gabay. May kalayaan sa Panginoon!
Marami ka mang haraping pagsubok sa buhay, nariyan palagi ang Panginoon upang tulungan ka. Patuloy kang manampalataya dahil hindi ka bibiguin ng Diyos.
Ipagkatiwala mo sa Diyos ano man ang iyong pinagdaraanan at tiyak na mararanasan mo ang pagbabago at masayang buhay na laan Niya para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa! Hindi pa tapos ang Panginoon sa buhay mo.
Ano ang nais mong baguhin sa iyong buhay ngayon? Relasyon? Makalaya sa bisyo? Utang? Kung sa tingin mo ay wala nang paraan upang makapagsimula kang muli, alalahanin mo na walang imposible sa Panginoon. Kaya Niyang baguhin ano man ang nasira sa iyong buhay. Hindi ka bibiguin ng Diyos.
Kakampi mo ang Panginoon sa laban ng buhay lalo na sa panahon na nanghihina ka dahil sa sunod-sunod na problema. Palalakasin ka Niya at tutulungan.

Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.

Hindi mo kailangang sarilinin ang matitinding pagsubok na iyong pinagdaraanan. Sasamahan ka ng Panginoon na harapin ang iyong mga problema. Magtiwala ka sa Kaniya dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman.

Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!
Do you want to get the rest that you desperately need? Learn how to find peace and rest in God as you join our live prayer time tonight on #PUSHPilipinas, hosted by Erick Totañes and Jamey Santiago-Manual.
Ano man ang sitwasyon na pinagdaraanan mo ngayon, hindi mo kailangang matakot. Kasama mo ang Diyos sa laban ng buhay. Nakikita Niya ang kinalalagyan mo at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Ipagkatiwala mo lahat sa Kaniya. Hindi ka bibiguin ng Diyos.
Are you in a hopeless situation right now? We want to remind you that God loves you and He cares for you! Watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Wednesday, April 12, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, to know and meet the Lover of your soul.
Minsan, tayo ay humaharap sa matitinding pagsubok sa buhay. Ngunit huwag mong kalilimutan na nariyan ang Diyos na handang alalayan ka sa bawat laban. Sa Kaniya ka humugot ng lakas upang malampasan mo ito. Hinding-hindi ka Niya iiwan.

Mayroon ka bang sakit o may kilalalang may sakit? Let God show you His miracle of healing.

Mas makapangyarihan si Kristo kaysa sa ano mang bagay dito sa mundo. Kaya kung ikaw man ay nahihirapang makawala sa mga tanikala sa iyong buhay, ang Panginoon ay handang tulungan kang makalaya. Napagtagumpayan na Niya ang lahat ng masamang naisin ng kaaway sa buhay mo. Kakampi mo ang Diyos!

God is always in the business of restoring life. Ano man ang imposible sa mata ng tao ay kayang ayusin ng Diyos. Maging ang buhay mo. Ilapit mo lang sa Kaniya ang lahat ng bigat na iyong dinadala, at hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano Niyo ito magagawang pagpapala sa iyo.

Tila ba winasak ng nakaraan ang iyong puso? Nawawalan ka na ba ng pag-asang makabangon pang muli mula sa hindi magandang karanasan? Hayaan mo ang Panginoon na kumilos at tanggalin ang lahat ng bigat na dinadala mo ngayon.
Our God is the God of many chances. Hindi man naging maganda ang iyong nakaraan, kaya kang tulungan ng Diyos na makapagsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa kung ano ang nagawa mo kundi sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos!

Showing 1–20 of 296 results