Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!

Madaling mawalan ng pag-asa lalo na kung matindi ang pinagdaraanan natin sa buhay. Mabuti na lang at ang Diyos na ating sinasamba ay kayang gumawa ng himala. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa!
Kapag inuna mo ang Diyos, papatunayan Niya sa 'yo na tapat Siya sa Kaniyang pangako -- pangako ng pagpapala, kagalingan, o kapayapaan sa puso at isipan. Walang makakapigil sa plano at pangako ng Diyos na pagpalain ang iyong buhay. Kaya kung dumaraan ka man sa matinding problema, makakaasa ka sa tulong ng Diyos.
Sa kahit anong pagsubok na maaari mong pagdaanan, lagi mong isipin na may tapat na Diyos na handang tumulong sa 'yo. Sasamahan ka Niya at hindi kailanman iiwan, kaya't manampalataya ka sa Panginoon! Tutulungan ka Niyang makabangon muli.
Alam mo ba na kung lagi mong sasarilinin ang mga problema na iyong dinadala, patuloy ka lang mapapagod? May Diyos tayo na handang tumulong sa iyo, kapatid. Nais Niya na makaranas ka ng maayos na buhay kaya't huwag kang mahiya na ilapit sa Kaniya ang lahat ng bigat na pinagdaraanan mo. Tutulungan ka ng Panginoon.

Paano nga ba natin patatawarin ang mga taong nakasakit sa atin? Ano ang dapat gawin kung mismong sarili natin ang hindi natin mapatawad? Remember, don’t be too hard on yourself. Pinatawad ka na ng Panginoon sa lahat ng iyong pagkakamali, at kaya ka Niyang tulungan upang patawarin ang mga taong nanakit sa ‘yo. Nais ng Diyos na makalaya ka sa galit.

Gusto mo bang malaman ang plano ng Diyos sa buhay mo? Take a moment to pause and spend time with the Lord. Pray and ask Him for guidance and direction.

Sa gitna ng kaguluhan, may kapayapaan na maaari nating maranasan. At ito ay matatagpuan kay Hesus. Dumating man ang mga pagsubok, makakaasa ka na ang mga plano Niya para sa iyo ay tiyak na matutupad.
Magbago man ang lahat sa ating paligid, ang pag-ibig ng Panginoon ay kailanma’y hindi magbabago. Tapat Siya mula noon at hanggang ngayon. Laging nakahanda ang Diyos na tulungan kang bumangon mula sa nakaraan. Mahal ka Niya.
Matagal ka na rin bang nananalangin ngunit parang wala namang nababago? Ano nga ba ang mga dapat gawin upang sagutin ni God ang ating mga panalangin? Know and learn as you join this live prayer time of #PUSHPilipinas, hosted by Alex Tinsay and Camilla Kim-Galvez.
Hinding-hindi magsasawa ang Panginoon na iparamdam sa ‘yo kung gaano ka Niya kamahal. Lagi ka Niyang naaalala, at alam Niya kung ano ang iyong kailangan.

Minsan sa buhay, mahirap makita ang pag-asa lalo na kung may mabigat kang pinagdaraanan. Hindi mo maiwasang mapuno ng takot at pangamba. Ngunit, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya kang tulungan ng Panginoon na magtagumpay sa buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Maging handa ka sa anumang pagsubok na maaari mong harapin. Ang kaaway ay laging nakabantay upang sirain ang iyong buhay. Ngunit, sabi sa salita ng Diyos na ‘wag kang matakot dahil kaya kang ipagtanggol ng Panginoon at bigyan ng maayos na buhay. Patuloy kang mamuhay sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan kailanman.
Alam mo ba na puwede kang lumapit sa Panginoon ano mang oras na kailanganin mo Siya? Laging handa ang Diyos na sagutin ang tawag mo kaya’t ‘wag kang mag-alinlangan na lumapit sa Kaniya.
Kakampi mo ang Diyos at hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Romans 8:31-32 (NLT) says, “If God is for us, who can ever be against us? Since he did not spare even his own Son but gave him up for us all, won’t he also give us everything else?”

Hindi natin maiiwasan na mapuno ng takot at pangamba sa tuwing may pinagdaraanan tayong hindi natin inaasahan. Mabuti na lamang at mayroon tayong Diyos na maaari nating takbuhan. Ang Kaniyang pag-ibig at pag-iingat ay lagi nating maaasahan.

When we are consumed with our problems and difficulties, we fail to realize God's plans and ways to help us. But the truth is, God has never left our side. Alam Niya ang iyong pinagdaraanan at alam din Niya kung paano ka tutulungan. He is always present in times of need.

Do you want to have peace and love in your life? This is possible through God. You can start by seeking Him and acknowledging your need for His help. Handa Siyang iparanas sa 'yo ang kapayapaan at pagmamahal na kailangan mo.

Mag-iba man ang panahon at ang mga tao sa ating paligid, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi kailanman magbabago. Patuloy tayong makakaasa sa Kaniyang tulong, ano man ang pagsubok na ating harapin.

Are you facing trials, today? Don’t lose hope. Let God guide your path and help you overcome your struggles. Be in faith!

Showing 1–20 of 22 results