Our God is a great provider! Nakakaranas ka ba ngayon ng kagipitan? Makakaasa kang kayang baguhin ng Diyos ang sitwasyon mo. Hindi ka Niya pababayaan at kaya Niyang ibuhos sa iyong buhay ang pagpapala. Magtiwala ka lang sa Kaniya.

Ano ang ipinapanalangin mo sa mga oras na ito? Kagalingan? Kaginhawaan? Maayos na relasyon? Ano man ang nilalaman ng puso mo, kaya 'yang ipagkaloob ng Diyos sa 'yo. Alam Niya kung ano ang kailangan mo kaya huwag kang mangamba. Kaya kang pagpalain ng Diyos!
Walang sino man ang tuluyang makakapagbago ng sirang buhay ng tao, kundi ang Diyos lang. Makakabangon ka at magkakaroon ng bagong pag-asa. Sa tulong Niya, maaari kang makapagsimulang muli.
Sa tuwing nakakaranas ka ng takot dulot ng problema, lagi mong tandaan na nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. May solusyon Siya sa lahat ng iyong pinagdaraanan, at hindi ka Niya pababayaan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa!

Minsan sa buhay, makakaranas ka ng mga pagsubok na para bang wala nang solusyon. Darating ka sa punto na mawawalan ka na ng pag-asang harapin ito, at hindi mo alam kung kanino ka hihingi ng tulong. Pero alam mo ba na may Diyos na handang sumalo sa ‘yo sa panahon ng iyong kabiguan? Ilapit mo lang ano mang bigat ang dinadala mo ngayon dahil tutulungan ka ng Diyos. Hindi ka Niya bibiguin.

Ngayong katatapos lang i-celebrate ang Labor Day, paano nga ba tayo magkakaroon ng grateful heart upang maging pagpapala sa trabaho na mayroon tayo? Samahan sina Alex Tinsay at Jamey Santiago-Manual as they discuss some tips on how to be blessed at work. Don't miss it on this episode of #PUSHPilipinas.

Ang tingin mo ba sa iyong sarili ay marumi na dahil sa iyong mga naranasan noong bata ka pa? Kung inaakala mo na wala nang tatanggap sa iyo dahil sa iyong nakaraan, alalahanin mo na may Diyos na kayang magbago ng istorya ng buhay mo. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula at tulungang makabangon muli mula sa pang-aabuso na iyong naranasan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa.

The heat is on because of the dry season! Sa init ng panahon na nararanasan natin, hindi natin maiwasang mag-daydream ng bakasyon. Ano-ano nga bang activities ang maaari nating gawin in this season to beat the heat?

Magbago man ang lahat sa ating paligid, ang pag-ibig ng Panginoon ay kailanma’y hindi magbabago. Tapat Siya mula noon at hanggang ngayon. Laging nakahanda ang Diyos na tulungan kang bumangon mula sa nakaraan. Mahal ka ng Diyos.

Do you want to get the rest that you desperately need? Learn how to find peace and rest in God as you join our live prayer time tonight on #PUSHPilipinas, hosted by Erick Totañes and Jamey Santiago-Manual.

Hawak ng Diyos ang lahat sa ating buhay. Kaya’t bilang anak Niya, puwede nating ibigay sa Kaniya lahat ng bigat na dinadala natin. Nais ng Diyos na palayain tayo sa ano mang hindi magandang karanasan sa ating buhay. To know more about Him, watch this episode of The 700 Club Asia, Friday, April 14, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.

Mahirap man na kalimutan ang pait ng nakaraan, kaya kang bigyan ng Diyos ng kalakasan upang bumangon muli. Lagi Siyang may paraan kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.
Mas makapangyarihan si Kristo kaysa sa ano mang bagay dito sa mundo. Kaya kung ikaw man ay nahihirapang makawala sa mga tanikala sa iyong buhay, ang Panginoon ay handang tulungan kang makalaya. Napagtagumpayan na Niya ang lahat ng masamang naisin ng kaaway sa buhay mo. Kakampi mo ang Diyos!
Pakiramdam mo ba na tila wala nang silbi ang iyong buhay? Napapagod ka na ba sa problemang iyong dinadala? Ano mang sitwasyon mo ngayon, nakikita ka ng Diyos. May mabuti Siyang plano para sa iyo dahil mahalaga ka sa Kaniya.
Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay. Laging may pag-asa sa Diyos. Lagi Siyang handang umalalay sa ‘yo anumang pagsubok ang pinagdaraanan mo. Kaya ka Niyang gabayan patungo sa mabuting landas. May plano Siya para sa ‘yo.
Sa mga oras na nais mo nang sumuko dahil sa sunod-sunod na problema, alalahanin mong may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Kasama mo Siya sa anumang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Nais ng Diyos na maranasan mo ang Kaniyang kabutihan. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Our God is the God of many chances. Hindi man naging maganda ang iyong nakaraan, kaya kang tulungan ng Diyos na makapagsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa kung ano ang nagawa mo kundi sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos!
Maging handa ka sa anumang pagsubok na maaari mong harapin. Ang kaaway ay laging nakabantay upang sirain ang iyong buhay. Ngunit, sabi sa salita ng Diyos na ‘wag kang matakot dahil kaya kang ipagtanggol ng Panginoon at bigyan ng maayos na buhay. Patuloy kang mamuhay sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan kailanman.
Ilapit mo sa Panginoon ang iyong mga pinagdaraanan at manampalataya kang kaya ka Niyang tulungan. Sa Kaniyang presensya ay may tagumpay, kaya huwag kang susuko sa laban!
Dumaan man tayo sa mga problema, ang Diyos ay laging handang ipadama sa atin ang Kaniyang kabutihan. Lagi Siyang may magandang plano na maari mong asahan. Magtiwala ka sa Diyos sapagkat Siya ay mabuti at dapat na pagkatiwalaan.

Showing 1–20 of 110 results