Puno ba ng galit ang puso mo ngayon? Nahihirapan ka bang makalaya mula sa sama ng loob? We have good news for you! God will help you forgive. Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, kaya palayain ng Diyos ang iyong puso mula sa galit. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Lubog na lubog ka na ba dahil sa sunod-sunod na pagsubok? Huwag kang mawalan ng pag-asa. Nariyan si Hesus upang tulungan ka na bumangon mula sa problema. Papalakasin ka Niya at gagabayan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kinakaharap mo ngayon.

Kayang ayusin ng Diyos at palitan ng panibago ang ano mang nasira sa iyong buhay. Hindi Niya hahayaan na malugmok ka sa nakaraan. Lagi Siyang may nakahandang mabuting plano para sa ‘yo. Kaya kung tingin mo ay wala nang pag-asa sa buhay mo, may Diyos na lagi kang tutulungan na makabangon.

Sabi sa Salita ng Diyos, Si Hesus ang ating pag-asa. Siya ang ating tulong at sanggalang. At sa kahit anong problema, sa Kaniyang pangalan ay magtitiwala. – Awit 33:20-21 Kaya kung nakakaranas ka ng matinding problema sa buha, patuloy ka lang manamaplataya sa Panginoon. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng laban. Bibigyan ka Niya ng pag-asa at tutulungang makabangon mula sa problema.

Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos para sa ‘yo. Ano man ang iyong nakaraan, tanggap ka Niya at tutulungan na makabangon. Kaya’t sa tuwing nakakaranas ka ng kalungkutan sa buhay, lagi mong isipin na may Diyos na minamahal ka nang lubusan.

Kayang iparanas sa 'yo ng Diyos ang tunay na kagalakan, kahit ano pa man ang sitwasyon na iyong pinagdaraanan. Kaya nitong pawiin nang tuluyan ang kalungkutan na dala ng mga pagsubok. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Pakiramdam mo ba ay wala nang pag-asang makaranas ka pa ng totoong kasiyahan? May maaari ka pang gawin! Lumapit ka lamang kay Hesus. Kaya Niyang bigyan ng saysay ang buhay mo at iparanas sa iyo ang kagalakan na iyong hinahanap.

Gaano man karumi ang iyong nakaraan, mayroong Diyos na handang tumanggap sa 'yo. Kayang balutin ni Hesus ng Kaniyang pagmamahal ang lahat ng iyong pagkakamali at bigyan ka ng panibagong umpisa. Lumapit ka lamang sa Kaniya.

Hindi nakakalimutan ng Diyos ang mga panalangin mo. Nakikita Niya ang iyong puso at sitwasyon kaya't huwag kang mawalan ng pag-asa. Patuloy ka lang kumapit sa Kaniya. Tapat si Hesus sa Kaniyang mga pangako, kapatid. Hindi ka Niya bibiguin.

Iwanan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Tapat ang Kaniyang pagmamahal para sa ‘yo at hindi ito magmamaliw kahit kailan.
Sa tuwing dinudumog ka ng mga pagsubok at problema, malaya kang lumapit kay Hesus. Tutulungan ka Niya na malampasan, ano mang hindi magandang sitwasyon ang pinagdaraanan mo ngayon. Kay Hesus may kapanatagan.
Posible pa nga bang makalaya sa mga bagay at sitwasyon na matagal ka nang pinapahirapan? Makapangyarihan ang ating Diyos. Isuko mo lamang ang iyong buhay sa Kaniya sapagkat’t kaya Niyang bigyan ng solusyon ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos na makalaya.

Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid. May pag-asa ka pa na makapagsimula muli kung naliligaw ka man ng landas. Lumapit ka lang sa Panginoon dahil kaya ka Niyang tulungan at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.

Nais mo bang makalaya mula sa maling relasyon o maging sa masasakit na pangyayari sa iyong buhay?Let God help you and show you the right path. You can trust Him for God has the best plans for you.
Kayang iparamdam sa ‘yo ng Panginoon ang pag-ibig ng isang ama na kukumpleto sa iyong buhay. Hindi ka Niya iiwan o bibiguin man.
'Wag ka mahiya if wala kang idea kung ano’ng ginagawa mo sa life. Kasi kami rin! 😅 Gusto mo bang ma-gets kung bakit napakahirap naman ng adulting season na ‘to? Watch this!
Sobra na ba ang bigat ng problema na iyong dinadala? Huwag kang susuko! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Puwede mong ilapit sa Kaniya ang iyong pinagdaraanan. Trust God for He will help you carry your burdens.

Biktima ka ba ng pang-aabuso na halos sumira na sa iyong buhay? Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula muli, may Diyos tayo na puwede mong lapitan. Siya lamang ang may kakayahang ayusin ang iyong nasirang buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa! God can restore your broken life.

“Ang gaganda naman nila, bakit kaya ako hindi?” Mababang self-esteem, ayaw lumabas ng bahay, at ‘di na masaya sa nakikita sa salamin, ‘yan ang experience ng maraming girls recently. Dahil mala-Barbie tingnan ang celebrities and TV personalities sa social media posts nila, nakaka-pressure tuloy na baguhin ang physical features natin para lang matawag din tayong maganda. Hay.

Mukhang hopeless na ba ang situation mo ngayon? Do you feel anxious because of the problems you're facing? Here's a reminder that our Lord is fully aware of what you are going through. Allow Him to give you hope as you trust Him to move in your situation and do miracles in your life.

Showing 1–20 of 35 results