Pakiramdam mo ba na walang pinatutunguhan ang iyong mga panalangin? Naririnig ka ng Diyos, kapatid. Alam Niya ang nilalaman ng iyong puso at may solusyon Siya sa bawat problemang pinagdaraanan mo. Patuloy ka lang maniwala at magtiwala sa Kaniya sapagkat tapat Siya sa Kaniyang mga pangako.

Ngayong katatapos lang i-celebrate ang Labor Day, paano nga ba tayo magkakaroon ng grateful heart upang maging pagpapala sa trabaho na mayroon tayo? Samahan sina Alex Tinsay at Jamey Santiago-Manual as they discuss some tips on how to be blessed at work. Don't miss it on this episode of #PUSHPilipinas.

Nakikita ng Diyos ang iyong pinagdaraanan. Kaya Niyang iparanas sa 'yo ang kasiyahan at kapayapaan kahit pa sa gitna ng iyong mga problema. Manampalataya ka lang kay Hesus dahil hindi ka Niya bibiguin o pababayaan kailanman.

Paano nga ba patatawarin ang mga taong nakasakit sa ‘yo? Posible pa nga ba na maayos ang mga nasirang relasyon? Ilapit mo lamang kay Hesus ang lahat ng bigat na iyong pinagdaraanan. Tutulungan ka Niya na patawarin ang mga taong nakagawa sa ‘yo ng mali at bigyan sila ng pagmamahal. Walang imposible sa Diyos. Kaya Niyang ayusin ano man ang nasirang relasyon sa iyong buhay.

Nais mo bang magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay ngunit hindi mo alam kung paano sisimulan? Kailangan mo ang Diyos, kapatid. Siya lang ang makakatulong sa 'yo upang baguhin ang iyong buhay at lakaran ang matuwid na landas. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tutulungan ka Niya.

Masalimuot na nakaraan at mabigat na pinagdaanan, may pag-asa pa bang gumaling mula sa sakit na naramdaman? Walang sirang buhay ang hindi kayang ayusin ng Diyos. Kaya Niyang ipakita ang Kaniyang kabutihan sa iyong kahinaan. Lumapit ka lamang kay Hesus at handa Siyang bigyan ka ng bagong simula.
Nais ng Diyos na magtagumpay ka sa buhay. Tutulungan ka Niya na maabot ang iyong mga pangarap at bibigyan ka Niya ng magandang kinabukasan. Manampalataya at lumapit ka lang sa Kaniya.
Nais mo na bang makalaya mula sa masamang gawa? Gusto mo na bang magsimula muli at magkaroon ng maayos na buhay? Tutulungan ka ng Diyos na makalaya mula sa mga tanikala sa iyong buhay.
Kung sa tingin mo ay wala ng solusyon ang problemang pinagdaraanan mo, nais naming ipaalala sa ‘yo na may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Naririnig Niya ang mga panalangin mo at may sagot din Siya sa mga ito. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Posible pa nga bang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng hindi magandang nakaraan? Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong mga nagawa. Handa pa rin Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang kabutihan dahil tanggap ka ng Panginoon. Tutulungan ka Niyang makabangon muli.
Ang salita ng Diyos ay nagbibigay-buhay sa Kaniyang mga anak. Kaya’t kung dumaraan ka sa matinding pagsubok, hayaan mong ang Kaniyang pangako ang iyong maging sandigan at katuwang sa pagharap sa iyong mga problema. Manampalataya ka lang sa Panginoon sapagkat Hindi ka Niya bibiguin.
Amidst the lies that the enemy tells us, may you be reminded to keep on trusting in what the word of God says. Let His voice be your assurance of what He can do in our lives, as it brings you truth, hope, and life.
Nagkukulang ba ang panggastos mo sa araw-araw? Hindi mo man maiwasang mabahala, makakaasa ka na God will provide for your needs. Patuloy kang sa Kaniya ay manampalataya dahil hindi ka Niya pababayaan.
'Wag ka mahiya if wala kang idea kung ano’ng ginagawa mo sa life. Kasi kami rin! 😅 Gusto mo bang ma-gets kung bakit napakahirap naman ng adulting season na ‘to? Watch this!
Kung pakiramdam mo na ikaw ay naliligaw na ng landas sa dami ng iyong mga pagkakamali at mahihirap na pinagdaraanan sa buhay, ang Panginoon ay palaging nariyan upang ikaw ay tulungan at iligtas. Hayaan mong Siya ang magturo sa iyo pabalik sa tuwid na matuwid na landas.

Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Maayos at magandang buhay ba ang nais mo? Si Lord ang bahala sa ‘yo! As you welcome Him in your life and make Him the center of it, you’ll realize that life is better together with God.
"May pag-asa pa bang darating?" Tinatanong mo rin ba ito dahil sa dami ng pinagdaraanan mo ngayon? Huwag kang susuko. Alam ng Diyos ang iyong sitwasyon at tutulungan ka Niyang malagpasan ito.
Walang imposible sa Diyos. Kaya ka Niyang tulungan upang makaalis ka sa problema na kinalalagyan mo ngayon. Huwag mong tuldukan ang buhay mo sapagkat may magandang plano ang Diyos para sa 'yo. Kumapit ka lang sa Panginoon.
Maraming pagsubok ang puwede mong kaharapin sa araw-araw. Ngunit, ano man ang dumating na tukso na makakasira sa ‘yo, huwag kang magpapalinlang. Sa Diyos mo lang ituon ang iyong mata. Siya lamang ang tamang daan patungo sa maayos na buhay.

Showing 1–20 of 466 results