hope in God
Marami ang dumaranas ng matinding pagsubok ngayong pandemya. Kawalan ng pag-asa, depresyon at maging takot sa pagkakaroon ng sakit ang bumalot sa karamihan. Pero posible nga bang malampasan ang mga pagsubok na ito? Know that your faith in God can change your situation and lead you to a better life.
Are you in deep pain right now? Nawawalan ng pag-asa kung makakaalis pa ba sa pinagdaraanan mo ngayon? Hindi mo man alam kung paano malalampasan ang sakit na dinadala mo dahil sa nasirang relasyon o mahirap na situwasyon sa inyong pamilya, we want to remind you that God will see you through the pain and stand with you through the trial. Hindi ka Niya iiwan at papabayaan kailanman.
God can do miracles. God can do the impossible. God can give you your needs. Anumang nasa isip mo na imposible sa tao ay kayang-kayang gawin ng Panginoon. Bilang anak Niya ay mayroon tayong kakayahan na maranasan at makita ang mga bagay na ito. Nais mo ba Siyang makilala at tanggapin bilang iyong Diyos at Tagapagligtas?
Mayroon ka bang taong nasaktan dahil sa pagiging mayabang at mapagmataas? Nasubukan mo na bang humingi ng tawad? Kung hindi pa, maaari kang humingi ng tulong sa Diyos. Ask Him to give you wisdom on how to do it. It's not too late. Kaya kang tulungan ng Panginoon.
It's tough to let go of something or someone we value. But when we trust God's will and purpose for our lives, we will learn that His way is the best. Learn to let go and let God. Be in faith! The Lord is with you.
Worried or doubtful ka ba sa future lalo na at maraming changes na puwedeng mangyari? Huwag kang matakot. May kasagutan si Lord para diyan.
Yes. No. Wait. Pakiramdam mo ba ay palagi na lang "no" or "wait" ang sagot ni God sa prayers mo? Mahirap bang makakuha ng "yes" sa Kaniya? Kapatid, God knows what is best for you. Mahirap man maintindihan ang plano Niya, pero kailangan nating magtiwala. Keep praying and remember that God's timetable is always perfect.