Pagod ka na ba sa magulo at makasalanang buhay? Nais mo na bang magkaroon ng pagbabago sa iyong sarili? Hayaan mong si Hesus ang manguna sa iyo. Kaya ka Niyang tulungan na magkaroon ng maayos na kinabukasan at ayusin ano man ang nasira sa iyong buhay. Hindi pa huli ang lahat. May pagkakataon ka pa upang magbago.

Tapat ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita Niya ang iyong kinalalagyan at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Patuloy kang kumapit sa Kaniya at huwag kang mawalan ng pag-asa. Always believe that God can turn your bad situation into good.
May matinding sakit ka ba na pinagdaraanan ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asang gumaling? Remember, God has the power to heal. Napagtagumpayan Niya na sa krus ano mang sakit ang dinaranas mo ngayon. Walang imposible sa Diyos kaya magtiwala kang kaya Niyang ipagkaloob ang kagalingan na matagal mo nang inaasam. Manampalataya at magtiwala ka sa Kaniya.

Showing all 3 results