Salamat sa Panginoon sa mga taong Kaniyang ginamit upang pagpalain ang iyong buhay. Salamat sa Panginoon sa magagandang bagay na Kaniyang ginawa para sa ‘yo. Tunay nga na mabuti at tapat ang Diyos sa lahat ng oras! Ikaw? May nais ka bang ipagpasalamat sa Diyos ngunit hindi mo alam kung paano magsisimula?
Kakampi mo ang Panginoon sa laban ng buhay lalo na sa panahon na nanghihina ka dahil sa sunod-sunod na problema. Palalakasin ka Niya at tutulungan.

Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.

Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!

Dumaan ka man sa matinding hamon ng buhay, makakasiguro ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahal ka Niya at ipagtatanggol ka mula sa ano mang gawa ng kaaway. Be encouraged as you watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Friday, June 2, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Hindi ka na ba makausad dahil sa dami ng iyong problema? Gusto mo na bang sumuko dahil nawawalan ka na ng pag-asa? Tuloy lang! Kasama mo ang Diyos. He is on your side. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng pagsubok; Siya ang iyong sandigan at tulong sa oras ng pangangailangan.

Our God is a great provider. Dumaan ka man sa financial challenges, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Higit pa sa mga ibon sa himpapawid ang pagmamahal sa iyo ng Panginoon. Hindi ka Niya hahayaang magkulang.

Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!
Madalas, pakiramdam natin na wala nang makakatulong sa atin sa tindi ng ating pinagdaraanan. Mabuti na lamang at laging may solusyon ang Diyos. Puwede tayong lumapit sa Kaniya sa tuwing nawawalan na tayo ng pag-asa. Hinding-hindi Niya tayo bibiguin at lagi Siyang handang umalalay sa atin.

Paano nga ba natin patatawarin ang mga taong nakasakit sa atin? Ano ang dapat gawin kung mismong sarili natin ang hindi natin mapatawad? Remember, don’t be too hard on yourself. Pinatawad ka na ng Panginoon sa lahat ng iyong pagkakamali, at kaya ka Niyang tulungan upang patawarin ang mga taong nanakit sa ‘yo. Nais ng Diyos na makalaya ka sa galit.

Nahihirapan ka bang magmahal ng iyong kapwa? Let the author of love Himself guide you. Hindi pa huli ang lahat upang ipakita sa ibang tao ang pagmamahal na iyong natanggap mula sa Panginoon. Be inspired as you watch this episode of The 700 Club Asia, Monday, May 8, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.

Ano nga ba ang sukatan ng masayang buhay? Maraming pera? Magandang career? O di kaya naman ay maayos na relasyon? Hayaan mo ang Panginoon na kumilos sa iyong buhay upang makaranas ka ng totoong kasiyahan. Manampalataya ka sa Kaniyang mga pangako. Hindi ka bibiguin ng Diyos.

Madalas, nahihiya tayong lumapit sa Panginoon sa tuwing naaalala natin ang ating mga pagkakamali. Ngunit alam mo ba na hindi hadlang ang iyong nakaraan upang maranasan mo ang pagmamahal ng Diyos? Handa ka na bang maranasan ito sa iyong buhay?

Magbago man ang lahat sa ating paligid, ang pag-ibig ng Panginoon ay kailanma’y hindi magbabago. Tapat Siya mula noon at hanggang ngayon. Laging nakahanda ang Diyos na tulungan kang bumangon mula sa nakaraan. Mahal ka ng Diyos.

Naghahanap ka ba ng makakapitan dahil nalulunod ka na sa dami ng iyong problema? Nais mo na bang makalaya mula sa magulong buhay? Ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, may solusyon ang Panginoon. Ilapit mo sa Kaniya ang iyong mga dinadala dahil handa Siyang tulungan ka. Kumapit ka lang sa Panginoon! Siya ang ating matibay na sandigan.
Hinding-hindi magsasawa ang Panginoon na iparamdam sa ‘yo kung gaano ka Niya kamahal. Lagi ka Niyang naaalala, at alam Niya kung ano ang iyong kailangan.

Minsan sa buhay, mahirap makita ang pag-asa lalo na kung may mabigat kang pinagdaraanan. Hindi mo maiwasang mapuno ng takot at pangamba. Ngunit, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya kang tulungan ng Panginoon na magtagumpay sa buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Are you in a hopeless situation right now? We want to remind you that God loves you and He cares for you! Watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Wednesday, April 12, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, to know and meet the Lover of your soul.
Minsan sa buhay, mahirap makita ang pag-asa lalo na kung hindi maganda ang iyong sitwasyon. Ngunit, isa sa mga pangako ng Diyos ay bigyan ka ng masaganang buhay. Kaya’t ‘wag mong tuldukan ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Kaya ng Panginoon na baguhin ang sitwasyon mo. May magandang plano ang Diyos para sa ‘yo!
Bilang babae, maaring may mga panahon na hindi umaayon sa iyo ang mga bagay at pagkakataon. Ngunit huwag mong hayaang maging hadlang ito sa iyong pagbangon. Mahalaga ka sa paningin ng Diyos. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at tutulungan ka Niya na makamit ito.

Showing 21–40 of 61 results