Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ang ating Diyos ay hindi madamot at laging handang magpatawad. Hindi Siya nakatingin sa iyong pagkakamali at handa Siyang tulungan ka na makapagsimula muli. Dahil in Christ, there is no condemnation.

Maayos at magandang buhay ba ang nais mo? Si Lord ang bahala sa ‘yo! As you welcome Him in your life and make Him the center of it, you’ll realize that life is better together with God.
Ano man ang iyong nakaraan, huwag kang matakot na magsimula muli. Mayroon tayong Diyos na gagabay sa ‘yo upang magkaroon ka ng maayos na buhay. Maniwala ka na sa tulong ng Panginoon, kakayanin mong magbago.
Huwag kang mapagod na magtiwala sa Panginoon. Nakikita Niya ang pinagdaraanan mo at alam Niya kung paano ka matutulungan. Sa tuwing nakakaramdam ka ng pagod dulot ng problema, ilapit mo lamang 'yan sa Diyos. Handa Siyang iparanas sa 'yo ang kapahingahan at kapayapaan na iyong hinahanap.
Hindi sagot ang pagpapakamatay upang matakbuhan ang iyong mga problema. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang buhay mo at Siya ang iyong magiging gabay patungo sa landas ng pagbabago.
Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa ano mang masamang espiritu. Kaya't kung nais mong makalaya mula sa tanikala na bumibihag sa 'yo, tawagin mo lang ang pangalan ng Panginoong Hesus. Ialay mo ang iyong buhay sa Kaniya at Siya ang iyong gawing gabay. May kalayaan sa Panginoon!
Marami ka mang haraping pagsubok sa buhay, nariyan palagi ang Panginoon upang tulungan ka. Patuloy kang manampalataya dahil hindi ka bibiguin ng Diyos.
Tapat ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita Niya ang iyong kinalalagyan at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Patuloy kang kumapit sa Kaniya at huwag kang mawalan ng pag-asa. Always believe that God can turn your bad situation into good.
Ipagkatiwala mo sa Diyos ano man ang iyong pinagdaraanan at tiyak na mararanasan mo ang pagbabago at masayang buhay na laan Niya para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa! Hindi pa tapos ang Panginoon sa buhay mo.

Paano nga ba makakabangon mula sa karanasan na halos sumira ng iyong buhay? Know that our God is the God of restoration. Gaano man kagulo ang iyong nakaraan, kaya Niya itong ayusin. Maging ang galit sa iyong puso ay puwede Niyang alisin. Lumapit ka lang sa Kaniya and believe that He can turn your brokenness into beauty.

Salamat sa Panginoon sa mga taong Kaniyang ginamit upang pagpalain ang iyong buhay. Salamat sa Panginoon sa magagandang bagay na Kaniyang ginawa para sa ‘yo. Tunay nga na mabuti at tapat ang Diyos sa lahat ng oras! Ikaw? May nais ka bang ipagpasalamat sa Diyos ngunit hindi mo alam kung paano magsisimula?
Kakampi mo ang Panginoon sa laban ng buhay lalo na sa panahon na nanghihina ka dahil sa sunod-sunod na problema. Palalakasin ka Niya at tutulungan.

Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.

Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!

Dumaan ka man sa matinding hamon ng buhay, makakasiguro ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahal ka Niya at ipagtatanggol ka mula sa ano mang gawa ng kaaway. Be encouraged as you watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Friday, June 2, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Hindi ka na ba makausad dahil sa dami ng iyong problema? Gusto mo na bang sumuko dahil nawawalan ka na ng pag-asa? Tuloy lang! Kasama mo ang Diyos. He is on your side. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng pagsubok; Siya ang iyong sandigan at tulong sa oras ng pangangailangan.

Our God is a great provider. Dumaan ka man sa financial challenges, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Higit pa sa mga ibon sa himpapawid ang pagmamahal sa iyo ng Panginoon. Hindi ka Niya hahayaang magkulang.

Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!
Madalas, pakiramdam natin na wala nang makakatulong sa atin sa tindi ng ating pinagdaraanan. Mabuti na lamang at laging may solusyon ang Diyos. Puwede tayong lumapit sa Kaniya sa tuwing nawawalan na tayo ng pag-asa. Hinding-hindi Niya tayo bibiguin at lagi Siyang handang umalalay sa atin.

Showing 1–20 of 53 results