Mayroon ka bang hinihiling ngayong darating na kapaskuhan? Huwag kang mapagod na magtiwala sa Panginoon! Hindi Niya nakakalimutan ang lahat ng iyong mga panalangin. Siya ay tutugon sa tamang oras at panahon. Patuloy ka lang manamplataya dahil tapat si Hesus sa Kaniyang mga salita. Ipaparanas Niya sa 'yo ang masayang pasko.
Kung saan-saan ka ba kumakapit para lang matugunan ang lahat ng iyong pangangailangan? Nasubukan mo na bang sa Diyos umasa? Sa Kaniya, may malalapitan ka sa oras ng kagipitan! Ilapit mo sa Diyos ang lahat ng bigat na iyong pinagdaraanan at makakaasa ka na hindi ka Niya pababayan.
Dumaraan ka ba ngayon sa matinding karamdaman? Nais mo bang maranasan ang kagalingan na nagmumula sa Panginoon? Maniwala ka na kaya kang pagalingin ng Diyos mula sa iyong mga sakit. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil mayroon tayong tapat at makapangyarihang Diyos.

Sa tuwing nakakaramdam ka ng panghihina dahil sa tindi ng iyong mga problema, kanino ka humuhugot ng lakas? Know that we have a powerful God whom you can lean on. Handa Siyang tumulong sa iyo upang malagpasan mo ang bawat pagsubok sa iyong buhay. Kapit lang! Huwag kang susuko, dahil kasama mo ang Diyos.

Showing all 4 results