“Ang gaganda naman nila, bakit kaya ako hindi?” Mababang self-esteem, ayaw lumabas ng bahay, at ‘di na masaya sa nakikita sa salamin, ‘yan ang experience ng maraming girls recently. Dahil mala-Barbie tingnan ang celebrities and TV personalities sa social media posts nila, nakaka-pressure tuloy na baguhin ang physical features natin para lang matawag din tayong maganda. Hay.

“Ang gaganda naman nila, bakit kaya ako hindi?” Mababang self-esteem, ayaw lumabas ng bahay, at ‘di na masaya sa nakikita sa salamin, ‘yan ang experience ng maraming girls recently. Dahil mala-Barbie tingnan ang celebrities and TV personalities sa social media posts nila, nakaka-pressure tuloy na baguhin ang physical features natin para lang matawag din tayong maganda. Hay.
Minsan, tayo ay humaharap sa matitinding pagsubok sa buhay. Ngunit huwag mong kalilimutan na nariyan ang Diyos na handang alalayan ka sa bawat laban. Sa Kaniya ka humugot ng lakas upang malampasan mo ito. Hinding-hindi ka Niya iiwan.
Bilang babae, maaring may mga panahon na hindi umaayon sa iyo ang mga bagay at pagkakataon. Ngunit huwag mong hayaang maging hadlang ito sa iyong pagbangon. Mahalaga ka sa paningin ng Diyos. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at tutulungan ka Niya na makamit ito.
Mahirap man na kalimutan ang pait ng nakaraan, kaya kang bigyan ng Diyos ng kalakasan upang bumangon muli. Lagi Siyang may paraan kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.
Lahat tayo ay may mga pangarap na nais maabot. Gaano man kahirap ang iyong sitwasyon, patuloy kang maniwala at magtiwala na kaya kang tulungan ng Diyos na abutin ang mga ito. Walang imposible sa Kaniya.
Mas makapangyarihan si Kristo kaysa sa ano mang bagay dito sa mundo. Kaya kung ikaw man ay nahihirapang makawala sa mga tanikala sa iyong buhay, ang Panginoon ay handang tulungan kang makalaya. Napagtagumpayan na Niya ang lahat ng masamang naisin ng kaaway sa buhay mo. Kakampi mo ang Diyos!

God is always in the business of restoring life. Ano man ang imposible sa mata ng tao ay kayang ayusin ng Diyos. Maging ang buhay mo. Ilapit mo lang sa Kaniya ang lahat ng bigat na iyong dinadala, at hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano Niyo ito magagawang pagpapala sa iyo.

Katulad ng sinabi sa kanta ng isang kilalang Christian band, “So blessed I can’t contain it. So much, I've got to give it away.” Ganyan din ang pagpapalang nais iparanas sa iyo ng Panginoon. Nais Niya ang buhay na masagana at mapayapa para sa iyo. Handa ka na bang pagkatiwalaan Siyang lubos sa buhay mo?
Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay. Laging may pag-asa sa Diyos. Lagi Siyang handang umalalay sa ‘yo anumang pagsubok ang pinagdaraanan mo. Kaya ka Niyang gabayan patungo sa mabuting landas. May plano Siya para sa ‘yo.
Sa mga oras na nais mo nang sumuko dahil sa sunod-sunod na problema, alalahanin mong may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Kasama mo Siya sa anumang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Nais ng Diyos na maranasan mo ang Kaniyang kabutihan. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Puno ba ng galit ang puso mo ngayon? Hayaan mong iparanas sa ‘yo ng Diyos ang Kaniyang wagas na pagmamahal. Hindi Niya nais na mamuhay ka sa galit. Puwede mong ibigay sa Panginoon lahat ng bigat na dinadala mo sa iyong puso.
Our God is the God of many chances. Hindi man naging maganda ang iyong nakaraan, kaya kang tulungan ng Diyos na makapagsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa kung ano ang nagawa mo kundi sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos!
Maging handa ka sa anumang pagsubok na maaari mong harapin. Ang kaaway ay laging nakabantay upang sirain ang iyong buhay. Ngunit, sabi sa salita ng Diyos na ‘wag kang matakot dahil kaya kang ipagtanggol ng Panginoon at bigyan ng maayos na buhay. Patuloy kang mamuhay sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan kailanman.
Ayawan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, may Diyos na handang mahalin ka nang buong-buo. Tanggap ka ng Panginoon ano man ang iyong nakaraan. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula.
Ilapit mo sa Panginoon ang iyong mga pinagdaraanan at manampalataya kang kaya ka Niyang tulungan. Sa Kaniyang presensya ay may tagumpay, kaya huwag kang susuko sa laban!
Alam mo ba na puwede kang lumapit sa Panginoon ano mang oras na kailanganin mo Siya? Laging handa ang Diyos na sagutin ang tawag mo kaya’t ‘wag kang mag-alinlangan na lumapit sa Kaniya.
Dumaan man tayo sa mga problema, ang Diyos ay laging handang ipadama sa atin ang Kaniyang kabutihan. Lagi Siyang may magandang plano na maari mong asahan. Magtiwala ka sa Diyos sapagkat Siya ay mabuti at dapat na pagkatiwalaan.