Nahihirapan ka bang magpatawad lalo na sa mga nakasakit iyo nang matindi? Gaano man kabigat ang iyong dinadala, ang Diyos ay handa kang tulungan na makalaya sa galit. Hayaan mong turuan ka Niyang palitan ng pagmamahal ang galit na nasa puso mo. Ilapit mo lamang sa Diyos ang iyong mga dalahin.

Nawalan ka ba ng trabaho? O ‘di kaya naman ay dumaraan sa matinding sakit? Sunod-sunod man na problema ang iyong kinakaharap, lagi kang makakaasa na kasama mo ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita ng Panginoon ang iyong sitwasyon at alam Niya kung paano ka matutulungan. Lumapit ka lang sa Kaniya.
In the midst of trials and storms, remember that Jesus is our anchor and a constant companion. He will give you the hope and strength to overcome. Don't be afraid; Jesus is always with you.
Araw-araw ka nalang bang nakakaramdam ng kabigatan sa iyong puso? Ilapit mo lamang ‘yan sa Panginoon. Kaya Niyang alisin ano mang kapaitan ng buhay ang iyong pinagdaraanan. Nais ng Panginoon na maranasan mo ang kapayapaan na nagmumula sa Kaniya.

Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ang ating Diyos ay hindi madamot at laging handang magpatawad. Hindi Siya nakatingin sa iyong pagkakamali at handa Siyang tulungan ka na makapagsimula muli. Dahil in Christ, there is no condemnation.

Lugmok ka ba dahil sa dami ng problemang nararanasan mo? Maaari kang kumapit at humingi ng tulong sa Diyos! Tutulungan ka Niyang mapagtagumpayan ang mga problemang mayroon ka ngayon. Magtiwala at kumapit ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Panginoon!
Nagsasawa ka na ba sa magulong buhay na tila paulit-ulit na lang? Hayaan mong tulungan ka ng Panginoon. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula.
Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok, lagi mong tandaan na may Diyos na puwede mong kapitan sa gitna ng problema. Siya ang ating matibay na sandigan kaya't hindi mo kailangang matakot.
Nawawalan ka na ba ng pag-asang makabangon mula sa sunod-sunod na problema? Gusto mo na bang bumitaw at sumuko? Kapit lang! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Kaya ka Niyang tulungang makabangon mula sa anumang pagsubok. Manampalataya ka sa Panginoon. Hindi ka Niya bibiguin.
God is our great comforter at nakikita Niya ang pinagdaraanan mo ngayon. Sa Kaniya ka kumapit dahil tanging sa Panginoon lang tayo makakahugot ng lakas at kapanatagan. God will not leave you nor forsake you.

Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo ngayon. Ramdam mo man na hindi fair ang buhay, alam ng Panginoon ang iyong pangangailangan at kaya ka Niyang tulungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. God sees your situation.

Hindi man maganda ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon, kumapit ka lang sa Panginoon! He is always ready to help you in times of need. Kaya’t ‘wag kang mawalan ng pag-asa dahil may magandang plano ang Diyos sa buhay mo.

Mukhang hopeless na ba ang situation mo ngayon? Do you feel anxious because of the problems you're facing? Here's a reminder that our Lord is fully aware of what you are going through. Allow Him to give you hope as you trust Him to move in your situation and do miracles in your life.

Mag-iba man ang panahon at ang mga tao sa ating paligid, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi kailanman magbabago. Patuloy tayong makakaasa sa Kaniyang tulong, ano man ang pagsubok na ating harapin.

Showing all 14 results