Nawawalan ka na ba ng pag-asa na mararanasan mo pa ang masaganang buhay? Walang imposible sa Diyos, kapatid. Kaya ka Niyang tulungan mula sa magulong sitwasyon na kinakaharap mo ngayon. Siya ang pag-asa mo at hindi ka Niya bibiguin sa oras na lumapit ka sa Kaniya. Manampalataya ka lang.
Marriage is truly a blessing when we allow Jesus to be front and center of it. Kaya kung humaharap kayong mag-asawa sa matinding pagsubok, ilapit mo lamang ‘yan sa Panginoon. Hayaan mo Siyang kumilos sa inyong buhay at pagsasama. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil handa Siyang maging gabay Niyong mag-asawa.

Isa sa mga pinakamagandang regalo na puwede mong matanggap ay ang magkaroon ng relasyon sa Panginoon. Dala nito ang masayang buhay na hindi mo matatagpuan saan man. At ang unang hakbang upang makamit ito ay ang tanggapin si Hesus sa iyong buhay.

Isa sa mga pangako ng Diyos sa Kaniyang mga anak ay ang kapayapaan na nagmumula sa Kaniya. Kaya kung dumaraan ka ngayon sa matinding pagsubok, makakaasa ka na tutulungan ka ng Diyos at bibigyan ng kapayapaan upang malampasan ang bawat problema. Hindi ka Niya pababayaan. Makakasa ka sa Panginoon sa lahat ng oras.

Nakakaramdam ka ba ng kakulangan sa buhay mo ngayon? Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang mapunan ang lungkot sa puso mo?

Nais mo bang magbalik loob kay Hesus? Malaya ka na gawin ito, kapatid. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan o naging kasalanan. Lumapit ka lamang sa Kaniya nang buong puso at bibigyan ka Niya ng bagong simula. Mahal ka ng Panginoon.
Hangad mo bang magkaroon ng bagong buhay ngayong bagong taon? Handa kang tulungan ni Hesus. Gagabayan ka Niya patungo sa tamang landas ng maayos na buhay. Siya ay may magandang plano para sa iyo. Hayaan mo lamang Siya na maghari sa buhay mo.

Matagal ka na bang nakakulong sa kasalanan at kahirapan? Naghahanap ka ba ng tutulong sa 'yo na makawala sa tanikala ng buhay? Si Hesus lamang ang iyong pag-asa. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa ano mang bagay na bumibihag sa 'yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Hindi ka iiwan ng Diyos.

Sa mga panahon na pilit kang tinutumba ng mga problema, ialay mo lamang ang iyong buhay kay Hesus at gawin Siyang pundasyon ng iyong buhay. Palalakasin ka Niya sa araw-araw at bibigyan ng kakayanan na malampasan ang bawat pagsubok na iyong haharapin.

Nalulunod ka na ba sa sunod-sunod na pagsubok sa iyong buhay? Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng Diyos na makaahon sa problema. May solusyon Siya sa bawat pinagdaraanan mo kaya't patuloy ka lang magtiwala sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Panginoon.
Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, kaya ng Diyos na palitan 'yan ng galak na nag-uumapaw. Ilapit mo lamang sa Kaniya ang iyong mga dalahin at hayaan mong kumilos si Hesus sa iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil kasama mo ang Diyos.
Puno ng problema at pangamba. Saan nga ba matatagpuan ang pag-asa? Walang imposible sa Panginoon. Ano man ang iyong pinagdaraanan, tiyak na tutulungan ka ng Diyos. Patuloy kang manampalataya sa Kaniya na hindi ka Niya pababayaan. Huwag kang susuko, kapatid, dahil kay Hesus, laging may pag-asa.

Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo na makabangon muli? Nariyan si Hesus upang tulungan ka. Gaano man kagulo ang iyong sitwasyon, kaya Niya itong ayusin at palitan ng maayos na buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka bibitawan ng Panginoon.

Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang lakaran ang landas patungo sa maayos at makabuluhang buhay, lumapit ka kay Hesus. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at bibigyan Niya ng kahulugan ang iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Pilit mo bang hinahanap ang pagmamahal at kalinga sa ibang tao? Mayroong Diyos na kayang iparanas sa ‘yo ang pag-ibig na iyong inaasam. Pag-ibig na hindi nagbabago at iingatan ka sa lahat ng oras. Huwag kang mahiyang lumapit sa Panginoon. Sa Kaniya mo lamang matatagpuan ang tunay na kalinga.
Kanino ka lalapit sa gitna ng kawalan ng pag-asa? Ang Diyos ay handang tumulong sa ‘yo. Ano man ang iyong pinagdaanan, kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula. Walang imposible sa Diyos. Laging may bagong pag-asa sa Kaniya.
Dumaraan ka man ngayon sa matinding laban ng buhay, may Diyos na kayang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang kabutihan. Nakikita Niya ang kinalalagyan mo kaya’t hindi mo kailangang mangangamba. Hindi nagmamaliw ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos para sa ‘yo.

Nahihirapan ka bang magpatawad lalo na sa mga nakasakit iyo nang matindi? Gaano man kabigat ang iyong dinadala, ang Diyos ay handa kang tulungan na makalaya sa galit. Hayaan mong turuan ka Niyang palitan ng pagmamahal ang galit na nasa puso mo. Ilapit mo lamang sa Diyos ang iyong mga dalahin.

Nawalan ka ba ng trabaho? O ‘di kaya naman ay dumaraan sa matinding sakit? Sunod-sunod man na problema ang iyong kinakaharap, lagi kang makakaasa na kasama mo ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita ng Panginoon ang iyong sitwasyon at alam Niya kung paano ka matutulungan. Lumapit ka lang sa Kaniya.
In the midst of trials and storms, remember that Jesus is our anchor and a constant companion. He will give you the hope and strength to overcome. Don't be afraid; Jesus is always with you.

Showing 1–20 of 37 results