Sa tuwing dinudumog ka ng mga pagsubok at problema, malaya kang lumapit kay Hesus. Tutulungan ka Niya na malampasan, ano mang hindi magandang sitwasyon ang pinagdaraanan mo ngayon. Kay Hesus may kapanatagan.
Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang lakaran ang landas patungo sa maayos at makabuluhang buhay, lumapit ka kay Hesus. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at bibigyan Niya ng kahulugan ang iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Minsan, pakiramdam natin na walang igaganda ang sitwasyon natin sa buhay. Pero alam mo ba na hindi pa tapos ang Panginoon na ipakita sa iyo ang mabuti Niyang plano. Kaya’t huwag ka agad na sumuko. Trust in Hiim and allow Him to guide you toward the life He has in mind for you.
Posible pa nga bang makalaya sa mga bagay at sitwasyon na matagal ka nang pinapahirapan? Makapangyarihan ang ating Diyos. Isuko mo lamang ang iyong buhay sa Kaniya sapagkat’t kaya Niyang bigyan ng solusyon ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos na makalaya.
Pilit mo bang hinahanap ang pagmamahal at kalinga sa ibang tao? Mayroong Diyos na kayang iparanas sa ‘yo ang pag-ibig na iyong inaasam. Pag-ibig na hindi nagbabago at iingatan ka sa lahat ng oras. Huwag kang mahiyang lumapit sa Panginoon. Sa Kaniya mo lamang matatagpuan ang tunay na kalinga.
Kanino ka lalapit sa gitna ng kawalan ng pag-asa? Ang Diyos ay handang tumulong sa ‘yo. Ano man ang iyong pinagdaanan, kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula. Walang imposible sa Diyos. Laging may bagong pag-asa sa Kaniya.

Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa marumi mong nakaraan? Walang kasalanan ang hindi kayang patawarin ng Diyos. Handa Siyang tanggapin at mahalin ka. Lumapit ka lamang sa Kaniya at tutulungan ka ng Diyos na makabangon muli.

Nais ng Diyos na magtagumpay ka sa buhay. Tutulungan ka Niya na maabot ang iyong mga pangarap at bibigyan ka Niya ng magandang kinabukasan. Manampalataya at lumapit ka lang sa Kaniya.

Perhaps you find yourself in a current situation where you feel conscious about believing true information from false. If you're confused about what to believe, just turn to Jesus. He is the way, the truth, and the life. Simply depend on Him.

Nais mo na bang makalaya mula sa masamang gawa? Gusto mo na bang magsimula muli at magkaroon ng maayos na buhay? Tutulungan ka ng Diyos na makalaya mula sa mga tanikala sa iyong buhay.
Dumaraan ka man ngayon sa matinding laban ng buhay, may Diyos na kayang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang kabutihan. Nakikita Niya ang kinalalagyan mo kaya’t hindi mo kailangang mangangamba. Hindi nagmamaliw ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos para sa ‘yo.
Kung sa tingin mo ay wala ng solusyon ang problemang pinagdaraanan mo, nais naming ipaalala sa ‘yo na may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Naririnig Niya ang mga panalangin mo at may sagot din Siya sa mga ito. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Posible pa nga bang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng hindi magandang nakaraan? Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong mga nagawa. Handa pa rin Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang kabutihan dahil tanggap ka ng Panginoon. Tutulungan ka Niyang makabangon muli.

Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay, nariyan palagi ang Diyos upang tulungan ka. Kaya Niyang ipakita ang Kaniyang kabutihan sa kahit anong sitwasyon. Magtiwala ka lamang sa Panginoon dahil hindi ka Niya pababayaan kailanman.

Gaano man karumi at kagulo ang iyong nakaraan, kaya ka pa ring tanggapin ng Diyos. Hindi magbabago ang Kaniyang pag-ibig para sa ‘yo bagkus handa pa Siya na bigyan ka ng bagong simula. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Panginoon.
Ang salita ng Diyos ay nagbibigay-buhay sa Kaniyang mga anak. Kaya’t kung dumaraan ka sa matinding pagsubok, hayaan mong ang Kaniyang pangako ang iyong maging sandigan at katuwang sa pagharap sa iyong mga problema. Manampalataya ka lang sa Panginoon sapagkat Hindi ka Niya bibiguin.

Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid. May pag-asa ka pa na makapagsimula muli kung naliligaw ka man ng landas. Lumapit ka lang sa Panginoon dahil kaya ka Niyang tulungan at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.

Puno ba ng lungkot at pangamba ang buhay mo? Palagi ka na lang bang nag-aalala at nawawalan ng pag-asa? Sa Diyos mo lamang matatagpuan ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Kaya Niyang iparanas sa ‘yo ang Ligaya na iyong hinahanap. Tanggapin mo lamang si Hesus sa iyong buhay.

Nahihirapan ka bang magpatawad lalo na sa mga nakasakit iyo nang matindi? Gaano man kabigat ang iyong dinadala, ang Diyos ay handa kang tulungan na makalaya sa galit. Hayaan mong turuan ka Niyang palitan ng pagmamahal ang galit na nasa puso mo. Ilapit mo lamang sa Diyos ang iyong mga dalahin.

Amidst the lies that the enemy tells us, may you be reminded to keep on trusting in what the word of God says. Let His voice be your assurance of what He can do in our lives, as it brings you truth, hope, and life.

Showing 161–180 of 643 results