The 700 Club Asia
Marami ang dumaranas ng matinding pagsubok ngayong pandemya. Kawalan ng pag-asa, depresyon at maging takot sa pagkakaroon ng sakit ang bumalot sa karamihan. Pero posible nga bang malampasan ang mga pagsubok na ito? Know that your faith in God can change your situation and lead you to a better life.
Posible pa bang magkaroon ng maayos na buhay sa kabila ng kaliwa't kanang problema? Kung nahihirapan kang makita ang pag-asa, muli mong balikan ang mga pangako ng Diyos at manalangin sa Kaniya. Kaya Niyang ayusin at gawing maganda ang buhay mo kahit na sa tingin mo ay imposible na ito. He can turn evil into good. Magtiwala ka lang sa Kaniya.
Are you in deep pain right now? Nawawalan ng pag-asa kung makakaalis pa ba sa pinagdaraanan mo ngayon? Hindi mo man alam kung paano malalampasan ang sakit na dinadala mo dahil sa nasirang relasyon o mahirap na situwasyon sa inyong pamilya, we want to remind you that God will see you through the pain and stand with you through the trial. Hindi ka Niya iiwan at papabayaan kailanman.
Sa dami ng uncertainties sa paligid, kailangan talaga nating ipagdasal ang mga pamilya at kaibigan natin. They are the closest to our hearts, that’s why we need to cover them in prayers. Join us for this prayer time of #PUSHPilipinas as Alex Tinsay and Camilla Kim-Galvez talk about "5 Powerful Prayers for Our Family and Friends."
Paano nga ba tayo magkakaroon ng happy life? Simple lang naman. Sa halip na magreklamo, bilangin natin ang blessings na ipinagkaloob ng Panginoon sa atin. Matuto tayong magpasalamat sa lahat ng mga binibigay Niya sa araw-araw, na nakatutulong upang makaraos tayo sa ating mga pangangailangan. We can experience true happiness in Him.
Gusto mo bang maranasan ang presensya ng Diyos? Naniniwala ka ba na kaya Niyang ayusin ang situwasyon mo ngayon? Kung ikaw ay dumaraan sa matinding pagsubok, we want to remind you that God can help you.
God can do miracles. God can do the impossible. God can give you your needs. Anumang nasa isip mo na imposible sa tao ay kayang-kayang gawin ng Panginoon. Bilang anak Niya ay mayroon tayong kakayahan na maranasan at makita ang mga bagay na ito. Nais mo ba Siyang makilala at tanggapin bilang iyong Diyos at Tagapagligtas?