Nawawalan ka na ba ng pag-asang makabangon mula sa sunod-sunod na problema? Gusto mo na bang bumitaw at sumuko? Kapit lang! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Kaya ka Niyang tulungang makabangon mula sa anumang pagsubok. Manampalataya ka sa Panginoon. Hindi ka Niya bibiguin.
Maraming pagsubok ang puwede mong kaharapin sa araw-araw. Ngunit, ano man ang dumating na tukso na makakasira sa ‘yo, huwag kang magpapalinlang. Sa Diyos mo lang ituon ang iyong mata. Siya lamang ang tamang daan patungo sa maayos na buhay.
Matindi man ang kapit sa ‘yo ng kasalanan, kaya kang tulungan ng Diyos upang makawala rito. Walang tanikala ang hindi kayang basagin ng Panginoon. Lumapit ka lang sa Kaniya at maging matatag sa iyong pananampalataya. Walang imposible sa Diyos!
God is our great comforter at nakikita Niya ang pinagdaraanan mo ngayon. Sa Kaniya ka kumapit dahil tanging sa Panginoon lang tayo makakahugot ng lakas at kapanatagan. God will not leave you nor forsake you.
Nais ng Diyos na magkaroon ka ng maayos na buhay. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at tutulungan ka Niyang makapagsimula muli. Surrender your problems to Him and let God lead your life.

Gaano man kagulo ang pinagdaraanan mo ngayon, you can always go back to God. Tanggap ka Niya sa lahat ng iyong pagkakamali at kaya ka Niyang mahalin ano man ang iyong nakaraan. Lumapit ka lang sa Kaniya.

Pakiramdam mo ba na tila wala ng direksyon ang iyong buhay? Nariyan ang Diyos upang tulungan ka! Gagabayan ka Niya sa matuwid na landas at handa Siya maging tsuper ng iyong buhay. Si Hesus ang bahala sa ‘yo kaya’t huwag kang mag-alala.

Alam mo ba na puwede kang magkaroon ng maayos na buhay habang nandito ka sa mundo? Ang dapat mo lang gawin ay ialay ang iyong buhay sa Diyos at hingin ang Kaniyang tulong. Gagabayan ka Niya.

Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay. Kakampi mo ang Diyos at tutulungan ka Niyang malampasan ang bawat problema. Kaya’t huwag kang matakot!

Hindi sagot ang pagpapakamatay upang matakbuhan ang iyong mga problema. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang buhay mo at Siya ang iyong magiging gabay patungo sa landas ng pagbabago.

Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo ngayon. Ramdam mo man na hindi fair ang buhay, alam ng Panginoon ang iyong pangangailangan at kaya ka Niyang tulungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. God sees your situation.

Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo. At hindi mo kailangang matakot dahil alam Niya kung paano ka tutulungan. Kailangan mo lang manamplataya na Siya ang Diyos na nagbibigay ng magandang buhay. Hindi ka bibiguin ng Panginoon.

Nasaktan ka na ba o naloko? Hayaan mong tulungan at palayain ka ng Panginoon mula sa sakit at kalungkutan na nararamdaman mo. Huwag mong isipin na walang nagmamahal sa 'yo. You are loved by God, and you are precious in His eyes.

Marami ka mang haraping pagsubok sa buhay, nariyan palagi ang Panginoon upang tulungan ka. Patuloy kang manampalataya dahil hindi ka bibiguin ng Diyos.
Tapat ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita Niya ang iyong kinalalagyan at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Patuloy kang kumapit sa Kaniya at huwag kang mawalan ng pag-asa. Always believe that God can turn your bad situation into good.
Sawa ka na ba sa paulit-ulit na problema na dumarating sa iyong buhay? Nais mo na bang makaranas ng pagbabago? Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo! Laging handa ang Diyos upang tanggapin ka at bigyan ng bagong simula. Lumapit ka lang sa Kaniya dahil ang Diyos ang daan patungo sa tunay na pagbabago.
Sa tuwing humaharap ka sa problema, tandaan mo na kaya kang iligtas at tulungan ng Diyos. Manampalataya ka lang sa Kaniya dahil hindi Niya pinababayaan ang mga taong sa Kaniya ay nagtitiwala. Ililigtas ka Niya!
Let God restore your relationships. Kaya ka Niyang tulungang patawarin ang mga taong nakasakit sa 'yo. Hindi hahayaan ng Diyos na malugmok ka sa sakit ng nakaraan. Ilapit mo lang ito sa Panginoon dahil handa Siyang tulungan ka na maiayos ang nasira mong relasyon.
Sa panahon na kailangan mo ng masasandalan, may Diyos ka na iyong makakaagapay. Hindi ka Niya pababayaan at handa ka Niyang tulungan sa laban mo sa buhay. Manampalataya ka lang sa Kaniya dahil alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan sa iyong mga problema.
Sobra na ba ang bigat ng problema na iyong dinadala? Huwag kang susuko! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Puwede mong ilapit sa Kaniya ang iyong pinagdaraanan. Trust God for He will help you carry your burdens.