The 700 Club Asia
Nababalot ka ba ng matinding takot dulo't ng mga pagsubok sa buhay? Magtiwala ka lang sa Panginoon! Sasamahan ka Niya sa lahat ng oras at tutulungan ka na Niyang malampasan ang lahat ng iyong pinagdaraanan. Manamplataya ka lang. Sigurado ang panatag na buhay kay Hesus.
Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong nakaraan. Kaya Niyang balutin ng Kaniyang pagmamahal ang lahat ng iyong pagkakamali. Huwag kang mahiyang lumapit kay Hesus. Bibigyan ka Niya ng bagong simula.
Sa dami nang balita at kaguluhan sa paligid, saan nga ba matatagpuan ang katotohanan? Kung nais mong malaman, lumapit ka kay Hesus sapagkat sa Kaniya mo lamang makikita ang katotohanan. Hindi ka bibiguin ng Diyos.
Nais mo bang magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay ngunit hindi mo alam kung paano sisimulan? Kailangan mo ang Diyos, kapatid. Siya lang ang makakatulong sa 'yo upang baguhin ang iyong buhay at lakaran ang matuwid na landas. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tutulungan ka Niya.
Naghahanap ka ba ng pagmamahal ng isang ama? Kung nagkulang man ang iyong earthly father, huwag kang mag-alala. Maaari mo itong matagpuan kay Hesus. Kaya Niyang iparanas sa ‘yo ang pag-ibig na kukumpleto sa iyong buhay. Lumapit ka lamang sa Kaniya. Mahal ka ng Diyos.
Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong nakaraan. Tanggap ka ni Hesus sa kabila ng iyong mga naging pagkakamali at mga pinagdaanan. Kayang baguhin ng Panginoon ang iyong puso at ayusin ang iyong buhay. Lumapit ka lang sa Kaniya. Mahal ka ng Diyos.
Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa marumi mong nakaraan? Walang kasalanan ang hindi kayang patawarin ng Diyos. Handa Siyang tanggapin at mahalin ka. Lumapit ka lamang sa Kaniya at tutulungan ka ng Diyos na makabangon muli.
Perhaps you find yourself in a current situation where you feel conscious about believing true information from false. If you're confused about what to believe, just turn to Jesus. He is the way, the truth, and the life. Simply depend on Him.