Huwag kang matakot sa tuwing dumaraan ka sa matitinding pagsubok. Kakampi mo ang Diyos at gagabayan ka Niya upang malampasan mo ang bawat problema na iyong kakaharapin. Manatili ka lang at manampalataya sa Panginoon. Kasama mo Siya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Are you struggling with depression and insecurity? Remember, you are stronger than you think! Let God show you your worth and allow His plans to rule in your life. You are not defined by your struggles; you are accepted and valued by God.
Anong tanikala sa buhay ang pilit kang hinihila pababa? Kahirapan? Bisyo? O ‘di kaya naman ay magulong relasyon? Mas malakas ang Diyos kaysa sa ano mang problema na kinakaharap mo ngayon. Kaya ka Niyang palayain at bigyan ng panibagong buhay. Just surrender your worries and anxieties to Him because with God, we are forever free -- free from sin and anything else that enslaves us.

Marumi na ba ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa mga nagawa mong kasalanan? Para bang wala nang kuwenta ang iyong buhay dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ganyan man ang tingin mo sa iyong sarili, alam mo ba na may Diyos na tanggap ka pa rin sa kabila ng iyong mga ginawa? Kaya ka Niyang iahon mula sa kasalanan na pilit kang hinihila pababa. And yes, God will still accept you despite your past.

Kahit gaano a kabigat ang problemang iyong pinagdaraanan, kumapit ka lang sa pangako ng Diyos. Huwag kang susuko sa buhay dahil may gantimpala ang sino mang nagtitiwala sa Panginoon. Mapagtatagumpayan mo ang pagsubok na ito sa tulong Niya.

Paano nga ba natin maaabot ang tagumpay kung puro problema ang ating nararanasan? Sigurado nga ba ang tagumpay kapag kasama natin ang Diyos?
Kakampi mo ang Panginoon sa laban ng buhay lalo na sa panahon na nanghihina ka dahil sa sunod-sunod na problema. Palalakasin ka Niya at tutulungan.

Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula kang muli? Know that God is willing to help you. Kaya mong makalaya mula sa kasalanan at ayusin ang ano mang nasira sa iyong buhay sa tulong Niya. Huwag kang bibitaw dahil kay Hesus ay laging may bagong simula!

Lagi na lang bang bigo ang mga plano mo sa buhay? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na maaabot mo pa ang mga pangarap mo? Huwag kang susuko! May magandang plano ang Diyos para sa ‘yo. Hayaan mo Siyang kumilos. Ibigay mo ang iyong buong tiwala sa Kaniya. Tutulungan ka ng Diyos na maabot mo ang tagumpay.

Patuloy ka mang nakakaranas ng sunod-sunod na pagsubok sa buhay, hindi naman matatawaran ang kabutihan ng Diyos na puwede mong maranasan. Yes, you can experience God’s goodness in all seasons. Maniwala ka lang! Ipaparanas Niya sa 'yo ang Kaniyang kabutihan.
Huwag kang mapagod na gumawa ng mabuti sa ibang tao. Nakikita ng Diyos ang lahat ng iyong ginagawa at Siya ang magbabalik nito sa 'yo. Remember, our God is a faithful rewarder!
Kung sa tingin mo ay wala nang ibang tatanggap sa ‘yo dahil sa iyong nakaraan, alalahanin mo na may Diyos na nagmamahal sa ‘yo. Mahalaga ka para sa Kaniya. Mahal ka ng Panginoon. With God’s help, you can rise again!

Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.

Kaya kang palayain ng Diyos mula sa kahirapan. Mahirap man ang pinagdaraanan mo ngayon, pero makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang takbo ng iyong buhay. Receive your freedom today!

Nais mo ba ng bagong simula, ngunit hindi mo alam kung paano ito gagawin? Lumapit ka lamang sa Panginoon. Siya ang Diyos na nagbibigay ng bagong simula at kaya Niyang ayusin ang nasira mong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa, gagabayan ka ng Diyos patungo sa matuwid na landas.

Hindi mo kailangang sarilinin ang matitinding pagsubok na iyong pinagdaraanan. Sasamahan ka ng Panginoon na harapin ang iyong mga problema. Magtiwala ka sa Kaniya dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman.

Hindi mo kailangang magpakahirap na i-please o kunin ang loob ng mga taong nakapaligid sa ‘yo para lang magustuhan ka nila. May Diyos na nais kang mahalin kahit sino ka man o ano man ang iyong nakaraan. Handa Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang wagas na pag-ibig. Nais mo ba Siyang makilala? Panoorin ngayong gabi ang The 700 Club Asia, Wednesday, June 7, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, for stories that will help you experience God’s great love.

Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!

Pilit bang sinusubok ng problema ang relasyon ninyong mag-asawa? Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Tutulungan kayo ng Diyos na maitaguyod ang inyong pamilya. Patuloy kayong magtiwala sa Kaniya dahil Siya ang susi sa matagumpay na pagsasama. Hindi Niya kayo pababayaan.

Dumaan ka man sa matinding hamon ng buhay, makakasiguro ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahal ka Niya at ipagtatanggol ka mula sa ano mang gawa ng kaaway. Be encouraged as you watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Friday, June 2, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.