Tila nawawalan na ng pag-asa si Judy na mararanasan pa ang maayos na buhay dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinakaharap. Kulang ang sustento na kanilang natatanggap mula sa magulang at kasabay pa nito ang patuloy na pangungutya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Paano nga ba makikita ni Judy ang pag-asang magpapalakas sa kaniya?
Hindi lang sa panunukso ng ibang tao natapos ang paghihirap ni Judy. Sumabay pa rito ang sunod-sunod na problema na kinaharap ng kaniyang pamilya. Dahil dito, mas naisip ni Judy na nararapat lamang sa kaniya ang kaniyang apelyido. Malampasan pa nga ba ito ni Judy?
Dahil sa apelyido ni Judy, nakaranas siya ng panunukso mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Tumatak ito sa kaniyang isip hanggang sa pagtanda. Paano nga ba ito nakaapekto sa pagkatao ni Judy? Ano ang pumapasok sa kaniyang isip sa tuwing nakakarinig ng masasakit na salita?
Sa mga panahon na gusto nang sumuko ni Eva, paano niya nakita ang pagkilos ng Diyos sa kaniyang buhay? Ano ang naging susi upang maranasan niya ang kapayapaan na nagmumula sa Panginoon sa kabila ng kaniyang naranasan?
Sa patuloy na pakikipaglaban ni Eva sa karamdaman, paano nga ba siya hindi pinabayaan ng Diyos? Ano ang naranasan ni Eva upang patuloy siyang magtiwala sa Panginoon?
Anong pinakamatinding pangyayari sa buhay ang naranasan mo? Sunod-sunod na pagkamatay ng mahal sa buhay-- tila bangungot ang karanasang ito ni Eva. Paano niya kaya mararanasan ang comfort ng Diyos?
Matapos ang isang taon, humarap muli si Eva at kaniyang asawa sa panibagong pagsubok. Bumalik ang sakit ni Eva na nagdala ng mas matinding pag-aalala at takot sa kanila. Naging malaking tanong din kay Eva kung bakit niya patuloy na nararanasan ito?
Nakaramdam ng pananakit ng lalamunan si Eva. Inakala niya na dahil lamang ito sa kaniyang kinain. Subalit nang hindi na biro ang kaniyang iniinda, nagpakonsulta na siya sa doktor at nalaman na mayroong bukol sa kaniyang leeg. Mayroon ding iba pang sakit na namataan sa kaniyang katawan. Ano-ano ang mga ito? Paano ito hinarap ni Eva?
Is it possible for an ex-convict to still experience a good life? How did he find his purpose despite his dark past? Be blessed as you witness how the Lord moved in the life of Rady Villarde on The 700 Club Asia, midnight on GMA.
Pilitin man ni Rady ni talikuran ang masasamang gawa, paulit-ulit pa rin siyang natutukso. Hanggang sa isang tao ang nagtiyaga at ginabayan siya patungo sa pagbabago. Magtagumpay na nga ba si Rady sa pagkakataong ‘to?
Dahil sa paulit-ulit na krimen na ginagawa ni Rady, naging sakit na siya ng ulo sa kanilang lugar maging ng mga awtoridad. Kaya naman nagpasya na ang mga pulis na tapusin na ang kaniyang buhay. Nang malaman ito ni Rady, agad siyang nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos. Mabuhay pa kaya si Rady? Ito na nga ba ang umpisa upang talikuran niya ang kasalanan?
429 views Premiered 8 hours agoNaglabas-pasok si Rady sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw. Ito ang kaniyang ginagawa upang may kitain at makatulong sa kaniyang ama. Subalit nang mamataan ng taong-bayan sa aktong pagnanakaw, kinuyog si Randy at halos mamatay sa pambubugbog. Ito na nga ba ang gigising sa kaniya upang magbago? O magpapatuloy pa rin siya sa masamang gawain?
Sampung taong gulang lamang si Rady nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Lumayas siya sa kanilang tahanan at mas piniling mamuhay kasama ang mga kabarkada. Subalit hindi naging maganda ang naging epekto nito sa kaniyang buhay. Maagang napariwara si Rady at natuto ng iba’t-ibang bisyo. Anong buhay ang naghihintay sa kaniya?
“Minumura ko ang Diyos noon.” Ito ang naging pahayag ng kilalang komedyante na si Jobert Austria o mas kilala bilang Kuya Jobert. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang masayahing tao ay minsan nang nagtangkang tapusin ang kaniyang buhay? Saan nga ba nanggagaling ang mga salitang ito? Paano nga ba sinalba ng Diyos si Jobert at binigyan ng bagong buhay?
Isang simpleng gabi na nauwi sa trahedya ang naranasan ni Mike at ng kaniyang asawa. Habang nakasakay sa pampasaherong jeep, bigla nalang sinaksak si Mike ng isang ‘di kilalang lalaki nang walang dahilan. Agaw-buhay ang naging sitwasyon ni Mike na nagdala ng matinding takot at pangamba para sa kaniyang asawa.
Matagal nang ninanais ng mag-asawang Jonathan at Coco na magkaroon ng anak subalit hindi sila mabiyayaan. Sumubok sila ng iba’t-ibang paraan at kalauna’y nagtagumpay. Dumating man ang matagal na panalangin, hindi naman naging madali para sa mag-asawa ang kinakaharap ng kanilang anak.
Lumaki si Yna na hiwalay ang kaniyang mga magulang. Nakakakuha man siya ng sustento mula sa ama, tila may kakulangan pa rin sa kaniyang puso. Ano nga ba ito? Mahanap kaya niya ang sagot? Mauulit din ba ang sitwasyong ito sa kaniyang sariling pamilya?
Nais nang tapusin ni Joy ang kaniyang buhay dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinaharap. Ito nga ba ang tanging sagot upang matapos na ang kaniyang paghihirap?
Nais nang tapusin ni Joy ang kaniyang buhay dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinaharap. Ito nga ba ang tanging sagot upang matapos na ang kaniyang paghihirap?
Nakalaya man si Joy sa maling relasyon, patuloy pa rin siya sa paghahanap ng pag-ibig na magbibigay kasiyahan sa kaniyang buhay. Hanggang sa isang binata ang nagkagusto kay Joy at nagpakita ng motibo. Ang tanong, interesado nga ba si Joy lalo’t nakaranas na siya ng maling relasyon?

Showing 1–20 of 740 results