Coney Reyes, may Bagong Telesine – Wanda’s Wonderful World

Upang punan ang butas sa puso na dulot ng maagang paglisan ng ina, sinubukang hanapin ng award-winning actress, television host at producer na si Coney Reyes, bilang Wanda, ang tunay na pag-ibig.

wandas wonderful world 02
Abangan ang istorya ni Wanda sa Holy Week special na handog ng CBN Asia, ang Wanda’s Wonderful World, sa nalalapit na Biyernes Santo, ika-30 ng Marso, alas-onse ng gabi sa ABS-CBN.

wandas wonderful world tagalog 02
Gagampanan ni Coney Reyes ang karakter ni Wanda, isang anak na uhaw sa pag-ibig ng kanyang ina at respetadong CEO ng events company na Wanda’s Wonderful World.

“Mukhang komplikado ang karakter ni Wanda, pero kung kikilalanin siyang mabuti, masasabi kong simple lang ang dahilan kung paano nabuo ang kanyang pagkatao. Maaga siyang napabayaan ng kanyang ina kaya may mga bagay siyang patuloy na hinahangad sa buhay,” aniya ni Coney.

wandas wonderful world tagalog 04
Isa sa mga eksena kung saan maihahalintulad ni Coney ang kanyang sarili kay Wanda ay ang mga pagkakataon na kinakausap niya ang Diyos. “Pero hindi dahil sa kinukwestyon ko ang Diyos pero dahil sa madalas ko rin Siyang kinakausap.”

“Tulad ni Wanda, nakagawa na rin ako ng mga hindi magandang desisyon na nagdulot ng problema sa buhay ko. Pero nang makilala ko ang Panginoong Hesus at piliing isuko ang buhay ko sa Kanya, nagbago ang lahat. Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin,” idinagdag pa niya.

wandas wonderful world tagalog 05
Ang istorya ng Wanda’s Wonderful World ay produkto ng kahanga-hangang imahinasyon ni CBN Asia Special Projects Manager Icko Gonzalez, na siyang nagsulat at nagdirek ng pelikula.

Panoorin si Coney Reyes kasama ang mga beteranong aktor na sina Tirso Cruz III at Ricky Davao sa isang bago at kapana-panabik na mundong handog ng CBN Asia, ang Wanda’s Wonderful World. Paniguradong ang istoryang ito ay aantig sa puso mo at magmumulat sa tunay na kahulugan ng pag-ibig.  Abangan sa ika- 30 ng Marso, Biyernes Santo, alas-onse ng gabi sa ABS-CBN.

wandas wonderful world 06

Leave a reply

required

required

optional