Jodi Sta. Maria Nakonsensya, Naglayas nang Dahil sa Kahihiyan

Jodi Runs

Naglayas nang dahil sa kahihiyan matapos makonsensya ang Kapamilya actress na si Jodi Sta Maria dahil sa isang trahedyang naganap sa kanyang pamilya. Diumano’y kasalanan ito ng aktres.

Mapapanood ang mga detalye sa CBN Asia Presents In My Father’s Arms, sa darating na Biyernes Santo, Ika-14 ng Abril, 2017, alas-5 ng hapon sa ABS-CBN.

Jodi Sta Maria

Si Jodi ang gaganap bilang Nikki Villegas, na naglayas dahil sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang ama.

Lumaki si Nikki sa isang mapagmahal na pamilya at isa siyang prinsesa para sa kanyang ama. Ngunit nauwi sa kamatayan nito ang pagiging makasarili ni Nikki nang kanyang suwayin ang bilin ng kanyang mga magulang.

Labis ang pagisisi ni Nikki kaya’t inilayo niya ang kanyang sarili sa kanyang pamilya.

Icko directs Jodi

“Katulad ni Nikki, may mga bagay talaga na nagawa natin sa buhay na hindi na natin pwedeng burahin, mga pagkakamaling hindi na pwedeng mapatawad pa. Dahil dito, lagi mong sisisihin ‘yung sarili mo sa mga nangyari,” sagot ni Jodi patungkol sa kanyang dating paniniwala na kapareho ni Nikki.

Ngunit ngayon, matindi ang pananalig ni Jodi na , “Kahit pakiramdam natin sobrang grabe na yung nagawa natin, mas malaki pa rin ‘yung pagmamahal at yung pagpapatawad ng Panginoon, na ‘yung lumapit lang tayo sa Kanya, humingi tayo ng tawad sa Kanya, magbalik loob tayo sa Kanya, papatawarin Niya tayo.”

“Isang malaking pribilehiyo ang maging parte ng Holy Week Special na ito,” dagdag niya. “Naniniwala ako na sobrang importante ng mensahe ng programang ito na hindi ito puwedeng hindi iparating sa mga manonood.”

Jodi and Icko

Ipinahayag naman ng In my Father’s Arms Director at co-writer, Icko Gonzalez, ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makatrabaho ang aktres, “Malaki talaga ang aming pasasalamat at tinanggap niya ang proyektong ito. Makikita mo na mula sa kanyang puso ang pagbahagi niya ng kanyang talento. Talagang isa siyang perpektong halimbawa ng nabagong buhay ng dahil sa pagmamahal ng Panginoon.”

Ang In my Father’s Arms ay isang orihinal na istoryang sinulat ng EVP-COO ng CBN Asia, John Valdes Tan, na nag-direct din ng pelikula kasama si Icko Gonzalez.

Kasama ni Jodi Sta. Maria sa proyektong ito ang mga kapwa niya actor na sina Ana Marin, Bimbo Bautista, TJ Dela Paz, at Eris Aragoza.

Panoorin si Jodi Sta. Maria sa isa na namang kaantig-antig na istorya tungkol sa pagpapatawad at paghilom ng mga sugat ng nakaraan, ang  CBN Asia presents In my Father’s Arms, Ika-14 ng Abril, Biyernes Santo, alas-5 ng hapon, sa ABS-CBN.

Leave a reply

required

required

optional