Tulong tulong sa muling pagbangon

The 700 Club Asia hosts: (L-R) Mari Kaimo, Kata Inocencio, Peter Kairuz

The 700 Club Asia hosts: (L-R) Mari Kaimo, Kata Inocencio, Peter Kairuz

Dahil sa inyong walang sawang pag-suporta at donasyon, patuloy na nadadagdagan ang bilang ng ating mga kababayang nakakatanggap ng tulong. Sa pamamagitan ng ating humanitarian arm, ang Operation Blessing, mabilis tayong nakapagpadala ng relief aid at naalalayan ang libu-libong pamilya sa unti-unti nilang pagbangon.

Ganyan kahalaga ang pakikipag-partner ninyo sa CBN Asia. Dahil sa inyong pagbibigay, maraming buhay ang natulungan at maraming tao ang nakatanggap, hindi lamang ng pisikal na gamit at pagkain, kundi pati na rin ng pagmamahal at pagkalinga.

Sabi nga sa Deuteronomy 15:7, “If there is a poor man among your brothers in any of the towns of the land that the Lord your God is giving you, do not be hardhearted or tightfisted toward your poor brother.” Ganyan ang ginagawa natin sa Operation Blessing, tinutulungang umangat sa buhay ang mga mahihirap nating kababayan, biktima man o hindi ng kalamidad.

Tunay ngang hindi ka mawawalan kapag ikaw ay nagbigay, dahil sa ikatlong araw ng LIVE TV special ng The 700 Club Asia na “The Gift of Transforming Love”, umabot na sa P1, 044, 757 ang inyong donasyon.  Marami na naman ang tiyak na matutulungan!

WHERE YOUR DONATIONS GO

Katulad na lamang ng mga naging biktima ng bagyo sa Tacloban. Sa pamamagitan ng organic farm ng Operation Blessing, mayroon na silang source of income dahil lamang sa pagtitinda ng gulay na galing mismo sa farm!

Bukod sa pangkabuhayan, ang organic farming ay nakapagbigay din ng panibagong pag-asa sa mga sinalanta ng bagyo. Makakakain pa sila ngayon ang masusustansyang mga gulay sa napakamurang halaga. Isa lamang ang organic farming sa mga proyektong pangkabuhayang ipinagkaloob ng Operation Blessing sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo.

GIVE TO CBN ASIA

Hindi lamang sa mga naging biktima ng kalamidad umabot ang inyong tulong kundi pati na rin sa mga pamilyang ligtas sa loob ng kanilang mga tahanan, ngunit lubos na nangangailangan ng gabay at patnubay. Ang programang ito, The 700 Club Asia, ay isa sa mga natutulungan ng inyong mga donasyon. Dahil sa walang sawa ninyong pagsuporta, nakapagpo-produce kami ng mga kwentong nagbibigay pag-asa, naghahatid ng kagalingan at ng bagong buhay sa Panginoong Hesus.

CONEY_Fullscreen capture 12112014 51546 PM

WATCH: CBN Asia in a nutshell

Sa dalawampung taong pagsasahimpapawid ng The 700 Club Asia na walang paid commercials, maraming manunuod ang nakakilala sa pagmamahal ng Diyos at tumanggap ng himala at pagpapala mula sa Panginoon. Ganyan kahalaga ang donasyon at tulong na inyong ipinapadala sa CBN Asia!

Isang pagpapatunay si Juancho Vicero – dating drug addict at mahillig mambabae. Mas inuna niya ang kanyang kaligayahan at pinabayaan ang pamilya. Hindi nagtagal ay nawalan siya ng trabaho at iniwan ng pamilya. Isang gabi ay nakapanuod siya ng The 700 Club Asia at naka-relate sa kwento ng isang addict na nakapag-bagong buhay. Simula noon ay sumali na siya sa Bible study ng kanyang kaibigan at tinanggap niya si Hesus bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas.

Ilan lamang iyan sa mga totoong kwento ng muling pagbangon at pagbabagong buhay.

Mahirap man o madali ang sitwasyon, manalig tayo kay Hesus sapagkat siya ay tapat sa kanyang pangako at laging nariyan.

Patuloy nating bigyan ng pag-asa ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng ating taos-pusong pagtulong. Samahan ninyo kaming muli sa ika-apat na gabi ng LIVE TV special ng The 700 Club Asia, “The Gift of Transforming Love” 11 p.m. sa GMA News TV, at via Light Network Channel 33 and Channel of Blessing sa Cebu. Maaari mo din mapanuod sa abroad via GMA Pinoy TV, TBN at Fil-am TV sa California, or online via www.cbnasia.org/specials.

 

Leave a reply

required

required

optional