No Fear In #TransformingLOVE

Patuloy man ang pananalasa ng bagyong Ruby sa timog Luzon, hinding-hindi matitinag ang #TransformingLOVE ng Panginoong Diyos sa ating bansa. Sa katunayan, kasalukuyang nasa Batangas ang Operation Blessing Philippines upang magsagawa ng relief operations sa mga kababayan natin doon. Bahagi rin kayo ng bawat relief operations ng Operation Blessing dahil sa inyong donations. Nang matapos ang live TV special ng The 700 Club Asia na “The Gift of Transforming Love,” umabot na sa Php600,100.00 ang mga pledges ninyo.

Salon_Fullscreen capture 12102014 30804 PMKagabi, napanood natin ang iba’t ibang kuwento ng pagbabagong buhay simula nang maramdaman nila ang pagmamahal ng Diyos. Isa sa mga ito ay si Clara ng Guiuan, Samar. Kasamang winalis ng bagyong Yolanda ang kanyang beauty parlor na tanging pinagkakakitaan niya. Hindi pinaligtas ng bagyo maging ang wheelchair ng kanyang anak na may cerebral palsy. Ngunit ginamit ng Diyos ang Operation Blessing upang ibalik ang nawalang wheelchair at mga kagamitan ni Clara sa kanyang parlor. Bilang pasasalamat, nagbigay siya ng libreng haircut sa mga matatandang residente sa kanila.

Handog rin ang salaysay ni Ruel. Bata pa lamang siya ay uhaw na siya sa pagmamahal ng mga magulang. Maaga siyang nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Lumaki siyang nakabigkis sa tanikala ng adiksyon sa illegal na droga dahil inakala niyang ito ang magbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ngunit nang makapanuod siya ng isang episode ng The 700 Club Asia, agad niyang naramdaman ang #TransformingLOVE ni Hesus at lumaya sa adiksyon na lumamon sa kanya ng mahigit na dalawampung taon. Sa simbahan niya naramdaman ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya.

Maging ang mga kabataan ay may kwentong #TransformingLOVE din. Si Quichess ay naging matigas ang ulo sa kanyang mga magulang. Hindi siya sumusunod sa mga utos ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, nanuod siya ng hit animated series na Superbook, tampok ang pagkamasunurin ni Abraham. Matapos noon ay naging masunurin siya sa kanyang mga magulang at nagkaroon pa ng kusang tumulong.

“THE TEST: The Salvation Poem”

Get Superbook’s “The Test” DVD

Maraming bagyo ang dumarating sa ating bansa taun-taon. Maging ang ating buhay ay hindi ligtas sa mga unos. Ngunit ang bawat bagyo ay may mata sa gitna nito. Dito matatagpuan ang katiwasayan at kaginhawaan. Ito ay paalala na sa gitna ng samu’t saring hamon sa ating buhay, may isang lugar kung saan tayo ay may matatamasa na kaginhawaan, ito ay ang presensya ng Diyos. Sa kanyang pag-ibig, wala tayong madadamang takot. Sabi nga sa 1 John 4:18,

“There is no fear in love, but perfect love casts out all fears.”

Panatilihin natin ang ating sarili sa pagmamahal ng Diyos na patuloy na kumikilos at nagpapabago sa ating buhay.

Mamaya, sa ikatlong gabi ng “The Gift of Transforming Love,” ang iba pang kuwentong nakapagbago ng kanilang buhay,  alas-11:00 ng gabi sa GMA News TV, at via Light Network Channel 33 and Channel of Blessing sa Cebu. Maaari mo din mapanuod sa abroad via GMA Pinoy TV, TBN at Fil-am TV sa California, or online via www.cbnasia.org/specials.

 

Leave a reply

required

required

optional