Maraming Salamat sa Inyong Transforming Love!

Pagbibigay ang isa sa pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig. 

tricycleIyan ang ating natunghayan natin sa “The Gift of Transforming Love” sa The 700 Club Asia.

Maliit man at hindi sapat ang kinikita mula sa pagmamaneho ng tricycle, nagdesisyon pa rin si Albert na magbigay sa CBN Asia matapos mapanood ang mga kababayang nangangailangan ng tulong. Sa halip na magreklamo sa kanyang sitwasyon sa buhay, pinili niyang maniwala na kayang tugunan ng Panginoon ang kaniyang pangangailangan.

Hindi rin naging dahilan sa mga volunteers ng Operation Blessing ang mahabang paglalakad sa matatarik na bundok at paglusong sa mataas na ilog upang maabot ang mga batang Aeta sa Pampanga. Higit sa pagsubok na naranasan ang kanilang pagnanais na maipaabot ang tulong at ang pag-ibig ng Diyos sa mga ito.

Dahil sa inyong walang sawang suporta, katulad ni Albert at ng mga volunteers, napakaraming pangangailan ng ating mga kababayan ang natutugunan ng CBN Asia. Isang taon matapos humagupit ang bagyong Yolanda sa Tacloban City, nakapagpagawa ang ating humanitarian arm, ang Operation Blessing, ng kabahayan, nakapagpaayos ng paaralan, nakapagbigay ng bangkang pangkabuhayan sa mga mangingisda, nakapagpadala ng care packs at nakapagsagawa ng medical missions.

Giving-Catalog-Big-Picture

Dahil din sa inyong masaganang pagbibigay kung kaya’t naipapahatid ng CBN Asia ang pagmamahal ng Panginoon sa mga tahanan sa pamamagitan ng telebisyon. Ang animated Bible series na Superbook ay napapanood ng mga bata tuwing Sabado at Linggo at sila ay nahuhubog upang maging mabuting mamayan at ehemplo sa kanilang henerasyon. Ang ating  movie-made-for-tv holy week special na Tanikala ay nakakaabot sa mga manonood tuwing mahal na araw. At dahil sa The 700 Club Asia na ipinapalabas gabi gabi, napakarami ang nakakarinig ng mabuting balita ng Panginoon at nabibiyayaan sa pamamagitan ng panalangin.

Katulad na lamang ni Ramero. Dulot ng bisyo at sobrang kalasingan, siya ay kumuha ng bolo at nag-amok. Dahil sa pangyayaring ito, nagdesisyon ang kaniyang asawa na lumayo. Ngunit nagbago ang lahat ng siya ay makapanood ng The 700 Club Asia. Tinanggap ni Ramero si Hesus sa kanyang puso at nagdesisyon na maging mabuting ama sa kanyang pamilya sa tulong ng Panginoon. Ngayon ay muli nang nabuo ang kaniyang pamilya at sama-sama silang naglilingkod sa Panginoon.

Lahat ng ito ay naging posible dahil sa inyong pagmamahal at kabutihang loob. Tunay ngang walang maaring humadlang sa pagmamahal at pagbibigay sa gawain ng Panginoon.

Pagbibigay ang isa sa pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig. Katulad nalamang ng ginawa ng Diyos ng ipinadala niya sa mundo ang kanyang nag-iisang anak noong unang pasko. Tayo na’t patuloy na ibahagi ang Kanyang #Transforming Love.

“Tayo’y umiibig, sapagkat siya’y unang umibig sa atin.” -1 John 4:19

 

 

Leave a reply

required

required

optional