Bahay na naitayo dahil sa tulong mo, hindi nasira ng Bagyong Ruby!

Sa kabila ng rumaragasang hangin at malakas na ulan na dulot ng Bagyong Ruby, hindi nasira at hindi natinag ang mga bahay na itinayo ng Operation Blessing sa Samar at Leyte! Alam mo ba na dahil sa iyong walang sawang tulong at suporta sa CBN Asia kaya naipatayo ang mga bahay na ito?

doc kimDahil din sa tulong mo, nakapagpatayo din tayo ng mga water pumps at nakapaglikas ng mga pamilya sa evacuation centers. Maraming salamat sa iyo dahil mayroong ligtas at masayang Pasko ang ating mga kababayan.

“Before the Typhoon nakapuwesto na ang mga tao natin. Tinuruan natin sila na maging conscious. Mayroon kasi tayong One Step Ahead program. So, bago dumating ang bagyo, nakapagtabi na sila ng pagkain, tubig, at first aid kits good for three days. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng nagbibigay, pero hindi pa po tayo tapos. Walang ibang magmamahal at magtutulungan kundi tayo-tayo din. So Iet’s help our kababayans especially in this time of need.” – Dr. Kim April Pascual, COO and Vice President of Operation Blessing Foundation Philippines

Punong-puno talaga ng pag-asa ang ating mga kababayans na nais ipadama ang pagmamahal ngayong Pasko! Kaya naman patuloy ang puspusang pagtulong natin sa mga nasalanta ng Bagyong Ruby sa unang gabi ng LIVE TV special ng The 700 Club Asia na “The Gift of Transforming Love.”

TRANSFORM A LIFE TODAY!

Nakarinig din tayo ng mga kwento na nagpapatunay na kapag tayo ay nagbigay, bubuhos ang pagpapala.

Jonaver from Rizal: “Noong pong 1999, nabaon po ako sa utang sa mga publishers.  Tapos isang gabi, habang nanood ako ng ‘The 700 Club Asia,’ sinabi po doon na kapag nagbigay ay ibabalik ng Diyos. Hindi po talaga ako nagbibigay. Pero that night, narinig ko po na sinabi ni Lord na magbigay ako sa ‘The 700 Club Asia.’ So, first time, naghulog ako sa bangko ng donation. Totoo pala talaga. Hindi papayag si Lord na hindi ka aani kapag nagbigay ka. Takot na takot po ako sa mga demand letters pero after ko magbigay, in less than a month, nabayaran ko po lahat ng utang ko sa lahat ng publishers. In obedience, there is guaranteed blessing. Nakakatulong talaga ang lahat ng binibigay natin, lalo na sa mga ginagawa ng Operation Blessing. Tapos, napromote sa trabaho ‘yung wife ko at nakapag-aral sa internationl school mga anak ko. Nagbibigay po kami ng mas malaki pa hindi para makatanggap ng malaki, pero dahil nagpapasalamat kami sa Diyos sa kanyang kabutihan.” 

Tunay nga, bagyuhin man tayo, kaya natin gawing masaya ang Pasko ng ating kapwa. Sa gitna ng bagyo, iparamdam natin sa kanila ang regalo ng pagmamahal.

Gawin nating merry ang Christmas ng ating mga kababayan! Maging ninong at ninang para sa ating mga kababayan. Manood na ng LIVE TV SPECIAL ng The 700 Club Asia na “The Gift of Transforming Love,” (#TransformingLOVE), December 8-12, at 11:00 p.m. on GMA News TV. 

Did you miss DAY 1 of The Gift of Transforming Love telethon? Watch it here.

Maaari niyo rin kaming mapanuod online via www.cbnasia.org/specials, at via Light Network Channel 33 and Channel of Blessing sa Cebu. Watch us abroad via GMA Pinoy TV, TBN at Fil-am TV sa California.

Leave a reply

required

required

optional