Ang ‘Di Ordinaryong Christmas Gift

Kapag Pasko, marami sa atin ang abala na sa paghahanap ng magagandang regalong ibibigay sa ating mga mahal sa buhay. Ang gusto natin ay ang hindi ordinaryong Christmas gift. Isang regalong hindi naluluma, hindi nasisira – panghabangbuhay. Sa mga kwento natin kagabi sa “The Gift of Transforming Love,” ang TV Special ng The 700 Club Asia, binigyang patotoo kung gaano kalalim at kalawak ang pagmamahal ng Diyos. Ito na nga ang pinakamagandang regalong pwede natin maibigay ngayong darating na Pasko.

Na-bless ba kayo ng aming palabas? Post a shoutout on our Facebook!

Ganito ang nangyari sa buhay ni Roby Bangiban. Hindi sapat ang kinikita ng asawa ni Roby para mapunan ang kanilang pangangailangan. Upang makatulong sa gastusin, sinubukan ni Roby na maghanap ng trabaho ngunit walang tumatanggap sa kanya. Minsan, napanood niya ang kwento ni Mona Bumanlag sa The 700 Club Asia. Kahit na sila mismo ay may pangangailangan, sinundan ni Roby ang ehemplo ni Mona at piniling magtiwala sa Diyos kahit siya ay nasa gitna ng isang pagsubok. Hinati niya ang natitira niyang pera upang siya ay makapagbigay sa The 700 Club Asia. Anong resulta ng ganitong klaseng pananampalataya at pusong mapagbigay? Nakatanggap ng performance-based bonus ang kaniyang asawa at siya mismo ay nagkaroon ng trabaho na may starting pay na P18,500!

solar lights2Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbibigay ng ilaw na hindi kailanman mauubos o matatakpan ng kadiliman. Ang Bantayan Island sa Cebu ay isa sa mga matinding natamaan ng bagyong Yolanda. Nawalan sila ng kuryente kung kaya naman ay nangangaroling na lang ang mga bata sa dilim. Laking saya ng pamilya ni Joel at Narcisa ng makatanggap sila ng tulong mula sa Operation Blessing sa pamamagitan ng Watts of Love. “Jesus is the light of the world,” ayon kay Kevin Kustner na taga Watts of Love. “This solar lamp is symbolic of Jesus’ light.” Ngunit ang pinasasalamatan nila Joel ay ang regalong kanilang natanggap na higit pa sa solar lamp. Ito ang bagong buhay mula sa Light of the World na si Hesu Kristo.

Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng Diyos! Ang taong tatanggap ng ganitong klaseng pag-ibig ay makakaranas ng pagbabago sa kaniyang buhay. Magsisimula siyang mag-isip, kumilos, at magsalita na parang mismo si Hesus. Hindi natin matitiis kundi tumulong sa ating mga kababayan. Kaya naman bago matapos ang ating show kagabi, ang huling update ng ating mga pledges at donations ay umabot na sa P1,391,407. Maraming salamat sa inyong pagbibigay!

TRANSFORM A LIFE TODAY!

Ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos ay hindi nagkukulang o nauubos. Kaya naman hindi din tayo dapat titigil sa pagbabahagi ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga kababayan. Samahan niyo ulit kami sa isa pang gabi ng LIVE TV Special ng The 700 Club Asia, “The Gift of Transforming Love,” 11 p.m. sa GMA News TV.

 

 

Leave a reply

required

required

optional