Aktor Na Si Jan Manual, Beki?

022614 Tanikal 6 Day 1-331 copyCONFIRMED NA CONFIRMED! Bading nga ang role na gagampanan ng Kapuso actor-comedian na si Jan Manual sa Holy Week Special ng CBN Asia na “Tanikala” na mapapanood ngayong Semana Santa sa GMA.

Sa unang episode ng “Tanikala” na pinamagatang “My Sister, My Lover,” gagampanan ni Jan ang kwento ng buhay ni Art Duyan, isang dating bading na nakapag-asawa at nagkapamilya at ngayon ay Pastor na. Makakasama ni Jan ang Kapuso co-star na si Sheena Halili na gaganap bilang si Cora, ang asawa ni Art.

Ayon kay Jan, hindi ito ang unang beses na gaganap siya bilang bading. “Hindi naman ako nahirapan kasi may mga previous gay roles na ako dati, pero siyempre may mga awkward moments pa din lalo na kapag lalaki yung ka-eksena ko,” ayon kay Jan.

Dagdag pa niya, “Wala akong hesitations nung in-offer ito sa akin ng CBN Asia kasi familiar na ko sa role. At alam ko si Lord ang tumutulong sa akin na magawa ng maayos ang pag-arte. Ginagawa ko ito para kay God. Swabe kapag para kay Lord mo ginagawa.”

Kwento din ni Jan, special ang role niya sa “My Sister, My Lover” dahil hindi gaya ng mga dati niyang gay roles, iba ang purpose ng kwentong ganyang ginampanan. “Hindi lang basta maka-entertain. Tinanggap ko ang role na ito dahil alam ko na may magandang patutunguhan ito. Maraming sa ating mga kababayan ang siguradong makakarelate sa buhay ni Art.”

Jan Manual MY SISTER, MY LOVER

Likas din sa aktor ang pagiging magaling na komedyante kaya naman perfect na perfect ang role na nakuha niya. At dahil comedy-drama ang peg ng “My Sister, My Lover”, maraming eksena ang siguradong kaabang-abang.

Panoorin ang natatanging pagganap ni Jan Manual kasama si kasama Sheena Halili sa “Tanikala: My Sister, My Lover” sa April 17, Huwebes Santo, alas-5:30 ng hapon sa GMA 7.

Para sa updates, i-like lang ang official fanpage ng Tanikala www.facebook.com/tanikalatv

Leave a reply

required

required

optional