Principle 3: Ang Mga Magulang Dapat ang Pinakamabilis Humingi ng Tawad at Magpatawad sa Pamilya.

6Unleash-Child_Pinakamabilis-Humingi-ng-tawad-at-magpatawad-feature

By Avelynn Garcia

A popular quotation says…

 “The first to APOLOGIZE is the BRAVEST

The first to FORGIVE is the STRONGEST

The first to FORGET is the HAPPIEST” – Anonymous

This is also applicable on how to manage our children. Dahil ang mga magulang ay tao lamang, nagkakamali rin sila. Sa mga pagkakataong tayo ang nagkamali, dapat tayo rin ang pinakamabilis humingi ng “sorry” sa ating mga anak.

In one of our seminars, sabi ng isa naming participant, “Ano? Hihingi ako ng sorry sa anak ko? Hindi naman yata tama ‘yan.” Ang sagot namin, “Mahihirapan na matutong humingi ng sorry ang anak n’yo kung alam niyang kayo mismo ay hindi marunong humingi ng ‘sorry’ kahit nagkamali kayo.” Asking forgiveness is not a sign of weakness, but a sign of strength. Hindi lang kayo dapat mabilis humingi ng tawad. Dapat ay mabilis din kayong magpatawad. Sa mga pagkakataong nagkakasala ang mga anak, kung minsan, sa galit natin, hindi natin sila mapatawad. Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit maraming bata ang hindi nagsasabi ng kanilang mga kasalanan sa magulang ay dahil natatakot silang hindi sila kayang patawarin ng kanilang mga magulang.

Let us share with you a story ng isang nanay at ang kaniyang anak. Palaging sinasabi ng nanay, “Anak, huwag kang gagawa ng anumang maling bagay at baka hindi kita mapatawad.” Ang bata ay isang mabait at masunurin na anak. Halos lahat ng payo ng kaniyang magulang ay sinusunod niya. Hanggang ang bata ay makarating sa college. Sa college, napakaraming masasamang impluwensya na humila sa bata na makagawa ng mga bagay na alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang nanay. Sa takot sa kaniyang magulang, ang bata ay nagpakamatay at nag-iwan ng suicide note that reads something like this, “Nay, sorry po. Nakagawa po ako ng isang kasalanan na sigurado ako’ng hindi n’yo mapapatawad. Paalam.”

Pag-isipan nating mabuti kung bakit nagpakamatay ang bata. Dahil ba nakagawa siya ng isang kasalanan? Ang sagot namin ay, “Hindi.” Nagpakamatay ang bata dahil alam n’ya na hindi siya kayang patawarin ng kaniyang Nanay. Halos lahat ng magulang ay ayaw magkamali ang kanilang mga anak. Kung minsan lang, nakakalimutan nating hindi sila perpekto. Mula nang malaman namin ang kwentong ito, palagi naming sinasabi sa aming mga anak, “Anuman ang magawa ninyong mali sa buhay, palagi ninyong tatandaan, na lagi kaming nandito para magpatawad at tumulong sa inyo.”

Learn other principles on how to unleash the highest potential of your child in the succeeding articles.

Unleash-the-highest-potential-of-your-child_FRONT-COVER-only-forweb(Excerpted from Vic & Avelynn Garcia’s book – Unleash the Highest Potential of Your Child, a sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )

Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she passionately conducts seminars, workshops, conference, and conventions for top local and multinational companies, schools, and organizations in the country and abroad.

Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational

26 Comments

  • Ang relasyon namin ng nanay ko hindi maganda. Galit ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Mali pero yun ang totoo. Masyadong matigas ang nanay namin sa amin lalo na sa akin. Vocal ako sa nararamdaman ko lalo sa mga mali na nangyayari sa paligid ko. Kausapin ko man cya ng malumanay, kapag alam nyang may punto ako o kaming magkakapatid…sisigawan ka para tigilan na ang usapan. Ayaw nyang makinig sa amin at ang madalas namin pagtalunan ung mga kapatid nyang may kani-kaniya nang pamilya ay nakasandal pa din sa kanya. Di ko cya maintindihan..minsan tinanong ko ang nanay ko kung bakit ayaw nyang maghiwa-hiwalay silang magkakapatid. Di naman nya masagot ang tanong ko. Imagine..simula sa pagkabata mo…nagka-isip ka na…ngayon malaki ka na…upto to this day…anjan pa din ung mga kapatid ng nanay namin nakadikit dito sa amin. Salitan lang clang magbigay ng problema sa pamilya namin. Hindi ka ba magsasawa? May panahon talaga na naiiyak na lang ako sa sobrang galit ko kasi di ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang cya tumulong sa kanila. Ang hindi kayang ibigay ng mga kapatid nya sa kani-niyang pamilya…ang nanay namin ang gumagawa. Para sa akin…mali yun kahit saang angulo pa tingnan. Nakakapagod na talaga. Andun din ang old school thinking na anak lang kami at cya ang magulang. Totoo naman yun at tanggap namin yun magkakapatid..pero nakakalimutan nya…hindi na kami mga bata. Nakakasakal sa pamilya namin at ang nanay namin ang may gawa ng lahat. Sana marealize nya na hindi dahil cya ang magulang…parati cyang tama. Sana naman matuto cyang pahalagahan ang nararamdaman naming mga anak nya at kung ano ang iisipin nya sa mga desisyon na gagawin nya dahil hindi lang cya ang miyembro ng aming pamilya.

    • Hi Lai, salamat sa pag-share mo sa amin ng nito. Tunay na hindi nga madali ang iyong sitwasyon ngayon sa iyong pamilya pero walang imposible sa ating Diyos. Sabi ni Lord sa Bible sa Matthew 19:26 “With man this is impossible, but with God all things are possible.” We encourage you na ipagkatiwala sa Kanya ang lahat at dalangin namin na si Lord ang mag ayos ng relasyon ninyong mag ina. Ipagdadasal din natin na alisin ni Lord ang galit sa puso mo ninyo sa isat-isa at sa biyaya ng ating Diyos at mapatawad mo na rin ang Nanay mo. Dalangin din namin na sa tuwing ikaw ay napapagod at naiiyak ay si Lord ang mag aliw at magbigay sa’yo ng comfort. Gusto ka pa namin ipanalangin at i-share ang kaya pang gawin ni Lord sa buhay mo, tawagan mo naman kami anytime sa 8-737-0-700, Viber: 0949-888-8001 or chat with us at Skype: the700clubasia or send us text message sa SMART – 09985900620, SUN – 09253003000, at GLOBE – 097780356081. Maari ka din mag email ng iyong prayer requests at prayforme@cbnasia.org. God bless you and your family.

  • anonymous

    kaya po pala bilang anak ay nahihirapan po ako na magsorry sa mga magulang ko po… kasi po ganun sila. thank you po at naliwanagan na po ako

    • Hi Sis/Bro, salamat sa iyong comment. Salamat din sa ating Panginoong Hesu Kristo at ginamit Niya na mabasa mo itong article at naliwanagan ka. Ipag-ppray natin na maging maayos ang relasyon ninyo ng parents mo. Gusto ka pa namin ipag pray, tawagan mo lang kami anytime sa 8-737-0-700, puede mo rin kami ichat sa Skype: the700clubasia
      Viber: 0949-888-8001 or send us text message sa SMART – 09985900620, SUN – 09253003000, at GLOBE – 097780356081. God bless you and your family.

  • julie

    pano ba natin mssbi na kung sino pang ina sya pa manghahamak sa sarili nyang anak, galit ang nanay pag di nag aabot, galit ang nanay pag di nabibigay ang gusto nya ng mabilisan, galit ang nanay lahat dinadamay nya , nagsasalita pa ng di maganda sa pandinig, di ko lubos maisip na NANAY ang tawag sa kanya.

    • Hi Julie, salamat sa pagbabahagi ng iyong saloobin. Naintindihan ng Diyos ang iyong mga nararamdaman ngayon. Psalm 55:22 says, Give your burdens to the Lord, and he will take care of you. He will not permit the godly to slip and fall. Julie, hayaan mo na ang Diyos ang umayos sa lahat. Nais namin na makausap ka personally. Maaari mo ba kaming tawagan sa 8-737-0700 or sa aming viber account 0949-888-8001 anytime? Aantayin namin ang iyong tawag. Dalangin namin na ang kapayapaan ng Panginoon at pagmamahal ang maghahari sa iyong puso at isipan. In Jesus name. Amen! God bless you.

Leave a reply

required

required

optional