Tips on Food – Part 1

Article 7_Tips on FoodBy Vic and Avelynn Garcia

Sino sa inyo ang ganito mag-grocery?

Nasa grocery na kayo, tulak-tulak ninyo ang pushcart, napadaan kayo sa sugar at bigla kayong napaisip, “Teka, may sugar pa ba sa bahay?  Parang wala… Parang meron… Ay, parang wala.”  Ano ang gagawin ninyo kapag hindi kayo sigurado?  Mag te-text kayo sa bahay at itatanong, “Honey, may sugar ba sa bahay?” Magkano ‘yun? Piso yan! Ang problema, 5 minutes na, wala pang reply. So tumawag ka na. Magkano ‘yun? Walong piso ‘yun. Ibig sabihin, sa pagdampot n’yo pa lang ng asukal, magkano na ang nagastos n’yo? Nine pesos!!! Ito ang problema, sugar pa lang ‘yun. So kumuha ka ng isang pack ng asukal. Nakakita ka naman ng mantika. “May mantika kaya sa bahay?” Matatagalan tayo dito sa grocery…

Ano ang problema ng taong ito?  Walang listahan.  Wala siyang plano eh. Dapat pag nag go-grocery, may listahan! Kaya tip number 1 pagdating sa food ay…

Tip number 1: Make a menu for the week and support it with a grocery list.

May listahan ka na.  Bigla kang napadaan sa tocino. Aaaay!!!! Tocino paborito!  Ano ang gagawin ninyo? Tingnan muna sa listahan. Tocino, tocino, tocino. Ay, walang tocino sa listahan!!! Ano ang dapat gawin? Idagdag ang tocino sa listahan. Tama o mali? Mali. Huwag gagawin yun…

Tip Number 2: Stick to your grocery list.

Kung ano ang nasa listahan, ‘yun lang ang bibilhin. “Sir, bakit?”, tanong ng isa naming participant. Sagot ko, “Tandaan ninyo, yung listahan, matagal na pinag-isipan at pinagplanuhan.  Alin ang tama – yung matagal na pinag-isipan o ‘yung impulse sa tocino?” Ang problema, kapag nag-grocery nang walang listahan (promise), mas magastos ‘yan!  Mas magastos na, kung minsan ay kulang pa ang pinamili n’yo pagdating sa bahay. Nang magluluto na kayo ng sinigang, kulang ang pang-asim. Kaya naging nilaga!

Puno na ang cart n’yo, papunta na kayo sa cashier.  Habang papalapit na kayo nang papalapit, pabagal naman kayo nang pabagal dahil kinakabahan kayo.  Bakit kinakabahan? Ang tanong n’yo sa sarili, “Kasya kaya itong dala kong pera?” So anong mangyayari? Magkakaroon ng Instant Game Show –  “Laban o Bawi.”  Kasi nga, di kayo sigurado kung kasya and dala ninyong pera.  At maiisip ninyo na may Credit Card nga pala kayo. Kaya ang sasabihin ninyo, “LABAN!”  Alam ba ninyo na kapag may credit card ang isang tao ay tumatapang? Iba ang tayo n’yan! Palaging palaban! “Sige, kaskas mo, bebe!” Kaibigan, hindi dahil may credit card kayo, bibilhin na ninyo kahit wala sa listahan at kahit wala sa budget. Ang suggestion namin…

Tip Number 3: When buying or going to the grocery, refrain from using credit cards

Sabi ng marami naming participants, “Sir, sayang ang points.” Ang sagot ko, “Magtigil kayo!” Ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang gumagamit ng credit cards ay sayang daw kasi ang points. Magkano ba ang points, 1 % o 2%? Ibig sabihin, P2 sa bawat P100.  Kapag may credit card kayo, ang tapang ninyo. If you do this, promise, you are going to spend 10-20% more. Kaya pwede ba, huwag manghinayang sa 2%. Manghinayang kayo sa 10-20% additional gastos na hindi naman ninyo kailangan. Hindi ba ninyo napapansin na kapag cash ang pambayad ninyo, ang tagal ninyong mag-isip? Kapag credit card, mabilis isipin.

Kapag cash ang ginamit ninyo, sigurado kami na marami kayong tatanggalin d’yan sa cart ninyo. Ang susunod mong tanong ay, “Ano’ng gagawin ko?” May grocery list ka na. I-estimate n’yo na kung magkano ang gagastusin n’yo.  “Mga P3,000 ang aking grocery.”  What will you do?  You bring P3,300 pesos.  Magkano ang maximum ninyong magagastos?  Syempre, P3,300.  Kapag may credit card, magkano ang pinakamalaki ninyong magagastos? Credit card is the LIMIT. At niloloko ninyo ang inyong sarili. Ang sabi ninyo, “Next time, babayaran ko naman ‘yan.” Kaya kung gusto ninyong makatipid, iwasang gumamit ng credit card.

Next week, we’ll discuss additional tips on how to save on food….

Kasusweldo-pa-lang-ubos-na_Front-Cover-only-with-Bestseller_forweb(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in National Bookstore, Powerbooks, Bestsellers, Fullybooked, OMF, PCBS, Praise and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs. 

Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.

Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter, @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on 

Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

 

11 Comments

  • hahaha.. utas na ako kakatawa, kaka relate kasi ako sa tocino hahaha.. favorite mga anak ko hahaha.. thanks po.. kaka aliw na very helpful pa..

  • Jay Ramirez

    The tips are very practical and easy to follow but you need a commitment to do it or else it is an exercise in futility.

Leave a reply

required

required

optional