Raragasa ang Pagpapala at Bubuhos ang Himala sa The 700 Club Asia!

hqdefault2

Sa hirap ng buhay ngayon, sa dami ng mga sakit, sakuna, at mga problema, at sa gitna ng pagdurusa at kagipitan, may lugar pa ba para maniwala sa himala?

OO naman! Lahat ay posible kapag ikaw ay naniwala. Ngayong darating na August 12-16, 2013,  handog  ng The 700 Club Asia ang live telecast na pinamagatang “Rumaragasang Pagpapala, Bumubuhos na Himala.” Sa loob ng limang gabi, mapapanood ang mga kwento ng totoong himala ng mga taong humakbang sa kanilang pananamapalataya at nakaranas ng nag-uumapaw na pagpapala sa kanilang buhay.

Kasama ang mga paborito ninyong hosts na sina Peter Kairuz, Kata Inocencio, Mari Kaimo, Alex Tinsay, Felichi Pangilinan-Buizon at Miriam Quiambao, pati mga kaibigang celebrities, sama-sama nating tuklasin ang mga sikreto upang maranasan ang umaagos na biyaya at milagro sa iyong buhay! Tutok na sa GMA NEWS TV, 11:00 ng gabi mula August 12-16 simulcast via internet sa www.cbnasia.org/mediacenter. Abangan!

15 Comments

  • mitchie

    hi cbnasia,please pray for me po na sana itouch ni lord ang company na inaaplyan ko po na tawagan na nila ako sa ngayon ako po ay tuloy na mahangad ang aking kahilingan kasi po hirap po ako sa financial gusto ko po tulungan ang aking mga pamangkin dahil sa kahirapan po ng buhay ngayon kaya ko po ay nghahanap ng work na alam ko po na makakatulong sa aking simpleng pangarap. sana po ipgpray nio ako na sana manumbalik na muli ang pgmamahalan namin ni robert tuazon alam ko na kaya ngyayari samin to dahil pagsubok na lam ko na kakayanin ko mahal na mhal ko po siya simula nung ngkahiwalay kami olmost 2 yrs narin po ang nakakaraan ako parin ay hindi sumusuko na alam ko pakikinggan ng panginoon kasama ang bugtong na anak na si jesus christ with holy spirit na pagbibigyan nia po ang aking kahilingan..sa ngayon po ngkakaron na kami ng communication ng dati kung kasintahan pinapanalanagin ko po na sana itouch ni lord na tuloy tuloy na aming communication for olomots 2 yrs alam ko na may plano ang diyos hindi po ako susuko…sabi nga po UNSTOPABLE FAITH NEVER.NEVER.NEVER GIVE UP….. un po palagi ko iniisip dahil malaki ang tiwala ko sa diyos na ibibigya nia yun. hindi man ngayon bukas at mapgkailanman…please pray for us robert tuazon po name ng dati kung kasintahan at ako po namn ay c michelle sanchez….GOD BLES….

  • jennifer rosario

    magpapapray over lng po ako sa lahat kong finanacial problem pati na rin ang relation namin ng asawa ko. sana ma grant wish ko bago pa dumating angsa puntong corner na ako.

    • Jennifer kaisa mo kami para ipagkatiwala sa Diyos ang iyong pinansiyal na pangangailangan at ang maayos na pagsasama ninyong mag-asawa. Ang Diyos ang siyang maging matatag na pundasyon ng iyong pamilya upang mapagtagumpayan niyo ang lahat ng pagsubok na inyong pinagdadaanan. Awit 46:1 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Mahal ka ni Hesus at maranasan mo ang Kanyang pagpapala.

  • Donna Fernandez

    sana ay maramdaman ko rin ang himala ng Panginoon sa dami ng pagsubok ng buhay ko ngayon. Naniniwala ako na hindi nya ako pababayaan at malalagpasan ko rin ito. Maraming salamat po sa inyo!

    • Hi! Donna, Ang himala ng Panginoon ay laging nandiyan. Ngunit, bago natin maranasan ang hinihingi natin may mga bagay na kailangan natin din ibigay sa Panginoon, ang pagsunod sa kalooban Niya ang pagsunod sa mga salita Niya. Kung kaya’t patuloy mo lang ibigin ang Panginoon sa iyong buhay at mararanasan mo ang mga bagay na kamangha-mangha sa iyong buhay. At makakaasa ka na kasama mo kami sa panalangin.
      Take these verses to give you courage in your daily walk with God.
      “Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called when you made your good confession in the presence of many witnesses. In the sight of God, who gives life to everything, and of Christ Jesus, who while testifying before Pontius Pilate made the good confession, I charge you to keep this command without spot or blame until the appearing of our Lord Jesus Christ, which God will bring about in his own time–God, the blessed and only Ruler, the King of kings and Lord of lords, who alone is immortal and who lives in unapproachable light, whom no one has seen or can see. To him be honor and might forever. Amen.”1 Timothy 6:12-16

      “The LORD is my strength and my shield; my heart trusts in him, and I am helped. My heart leaps for joy and I will give thanks to him in song. The LORD is the strength of his people, a fortress of salvation for his anointed one. Save your people and bless your inheritance; be their shepherd and carry them forever.”
      Psalm 28:7-9
      “One thing I ask of the LORD, this is what I seek: that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to gaze upon the beauty of the LORD and to seek him in his temple. For in the day of trouble he will keep me safe in his dwelling; he will hide me in the shelter of his tabernacle and set me high upon a rock.”
      Psalm 27:4-5
      God bless you more than you can imagine!

Leave a reply

required

required

optional