Tips on Education – Part 1

3_Tip-in-Education-for-webIt is said that education eats up the biggest portion of a family’s budget. Kung nagpapaaral kayo ng anak, alam ba ninyo kung magkano ang ginagastos sa pag-aaral ng inyong anak? Assuming, nasa public elementary school ang anak n’yo. Magkano ang baon niya?  P50 a day. Baon pa lang mahigit P1,000 a month na. Eh paano kung high school at college na? Eh kung namamasahe pa, mga P3,000 a month na ‘yan. Ito ang masaya, walang pang Tuition Fee ‘yan. Wala pang uniform, sapatos, projects at kung anu-ano pa. Eh paano kung sa private school pa nag-aaral ang anak n’yo? Eh paano kung hindi lang isa ang pinag-aaral n’yo? Naisip n’yo na ba kung gaano kalaking pera ang ginagastos n’yo sa pagpapaaral ng inyong mga anak?

Base sa aming pag-aaral,  ang pagpapaaral ang isa sa pinakamalaking gastos ng isang pamilya. Araw-araw na gastos ‘yan. At dahil malaking gastos ang pagpapa-aral, simulan nating hanapan nang paraan kung paano mababawasan ang gastusin dito. During one of our seminars, tinanong ko ang aming mga participants:

Tanong : Kaibigan, saan ba nag-aaral ang mga anak ninyo?

Sagot : Doon po sa school na ‘yun.

Tanong : Di ba mahal doon?

Sagot : Eh doon po kasi nag-aaral yung mga anak ng kapatid ko. Dapat ‘yung anak ko doon din.

Tanong : Kaya mo bang pag-aralin ang mga anak mo sa mga mamahaling eskwelahan na ‘yun?

Sagot : Hindi nga sir, pero pangako igagapang ko ang pag-aaral ng aking anak.

Think about this…

Dapat bang igapang ang pag-aaral ng inyong mga anak? Oo o Hindi?

Kung kami ang tatanungin ninyo, ang sagot namin ay “HINDI.” Bakit n’yo igagapang, pwede namang ilakad; pwede pa ngang itakbo. By the way, sa mga magulang na iginagapang ang pag-aaral ng inyong mga anak, mayroon lang kaming paalala: baka magkasugat-sugat ang siko at tuhod ninyo. In some cases, pati mukha ninyo magkakasugat-sugat din (joke lang). So ano ang dapat gawin para itakbo ang pag-aaral ng inyong mga anak?

Tip No. 1. Study at the point of your means.

Ano’ng ibig sabihin nito? Pag-aralin lang ang anak sa kayang eskwelahan. Sabi ng isang participant namin sa seminar, “Sandal lang, kapag ginawa ko ‘yan, baka sa public school lang mag-aral ang aking anak.” Tanong: Bakit maraming magulang ang ayaw pag-aralin ang anak sa public school? Kadalasang sagot, “Kasi… pangit ang education, pangit ang surroundings, pangit ang mesa, pangit ang silya, pangit ang CR, at napakarami pang pangit.” Tanong: Lahat ba ng public school ay pangit?

Hindi. Ang masakit, may mga private schools, mahal na pangit pa. Ano ang mangyayari kung pag-aaralin ang mga anak ninyo sa private school at hindi n’yo naman kaya? Every enrollment time, mangungutang kayo. Saan kayo kukuha ng pambayad sa utang, eh hindi nga kaya ng sweldo ninyo ang gastusin sa pag-aaral ng inyong anak? Utang, utang at marami pang utang. Mula sa company loan, salary loan, SSS/GSIS loan, Pag-ibig loan, kumpare/kumare loan, tatay/nanay loan, pati 5-6 baka patulan n’yo na.

Next week, more tips on mow to save on education…

Kasusweldo-pa-lang-ubos-na_Front-Cover-only-with-Bestseller_forweb(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in National Bookstore, Powerbooks, Bestsellers, Fullybooked, OMF, PCBS, Praise and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs. 

Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.

Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter, @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on 

Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

2 Comments

Leave a reply

required

required

optional