Alvin Aragon: No Longer Pasaway

by Ruth Manlapaz
CBN Asia Web Content Developer

 

 

FULL NAME: El Manuel “Alvin” Bautista Aragon
BIRTHDAY: October 28, 1989
BIRTHPLACE: Pasay City
COLLEGE: Trinity University of Asia

 

 

Is there still room for change and forgiveness for a person who has done a lot of bad things? Starstruck Batch 1 Avenger Alvin Aragon shares his experiences from childhood until he found the missing piece in his life. Know how the once pasaway turned into an obedient child of God.

What inspired you to enter showbiz?
Noong hindi pa ako artista, may kumukuha na sa akin para mag-VTR. Na-discover pa ako sa Baguio. Mahilig din ako manood ng mga VIVA films, ‘yung mga PBO, noong bata ako. Mahilig ako sa artista. ‘Pag may shooting, gustung-gusto ko’ng makakita ng artista.

Minsan kasi sinasabi ko rin na mahilig ako maghanap ng atensyon eh… Sa school papansin ako. Ito rin ‘yung sinasabi ko kaya gusto ko maging artista… Kapag naging artista na ako, nasa akin ‘yung atensyon, sikat ako.

Dumating yung time na nag-Starstruck ako. Mangyari po na pinalad, nakasama ako sa Top 15 ng Starstruck. Tapos ako ‘yung unang natanggal kasi pasaway ako talaga. Kung hindi ako nagkakamali, late ata ako. Pero thank God after noon, pumatok kasi yung Batch 1 na ‘yun eh, so nagkaroon ng maraming mga show pa. After ng Starstruck, nabigyan kami ng contract, nag-ge-guest-guest kami. Nag SOP, nabigyan ng show… Ako nabigyan pa ako ng break. Marami din akong naging break.

How did you become a Christian?
‘Yung father ni January Isaac—si Lumen—nakausap ko ‘yun sa isang taping noon before. Tapos nag-pray kami noon. ‘Yun ata ‘yung ni-receive ko ang Panginoon. Tapos naga-attend na ako sa [Victory Christian Fellowship] The Fort. Sinama ako doon ni January, pero attendee lang talaga. Hindi ‘yung may discipleship. Meron din sa aking nag-[disciple], pero hindi rin natapos. So maraming panahon ang nagdaan.

Dumating ‘yung time… may iba nang nag-disciple sa akin. [Pero] meron ding mga time na na-fall pa ako. Kasi nagkaroon pa ako ng relationship na mali. ‘Yung relationship namin hindi pleasing kay God, so hindi maganda ‘yung relationship namin ng partner ko before.


What happened to that relationship?
Ang nangyari, dumating ‘yung time na naghiwalay na kami. Tapos nung gabi na kinounsel ako nung leader ko, nag-pray kami… nag-pray ako… umiyak ako kay Lord. Sabi ko, iparamdam Mo sa akin na mahal Mo ako. March 13 ‘yun ng 2009. ‘Yun din ‘yung araw na naghiwalay na kami nung partner ko.

What are the things you experienced after you surrendered your life to Jesus?
Maraming nangyari sa buhay ko sa Panginoon. Maraming ipinadama sa akin si Lord. Of course, kung gaano Niya ako kamahal.

Number one talaga, hindi ako deserving mabuhay. Sa dami kong ginawang kasalanan, deserving na akong ma-punish talaga. Pero ‘yung grace ni God na hindi ako deserving pero ibinigay Niya sa akin, ‘yun yung grace eh. Inalis Niya sa akin ‘yung mga ugali na hindi kaaya-aya sa Kanya. Hindi pa ako perfect pero marami pang binabago si Lord sa akin.

Hindi lang Niya ako binago. Binigyan din Niya ako ng mga tao na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Mga leader ko. Tapos ‘yung pag mag-a-outreach… napapasama ako sa Operation Blessing. Tapos na-bless din ako ni Lord ng work sa GMA. Na-bless Niya ako ng Totoy Bato, tapos sa CCP nakapag-perform ako.

Before kasi talaga, ang buhay ko, talagang pasaway talaga ako. Worse talaga ako… Kung baga, isa sa worst talaga. Nawala din ‘yung career ko sa showbiz, pero dumating ‘yung time na noong na kay Lord, na-bless Niya ako.


Describe the old Alvin Aragon.

Noong bata pa kasi ako, namatayan ako ng nanay. Five years old pa lang ako. Namatayan ako ng tatay, eight years old ako. Bata pa lang ako, naulila na ako. Naiwan ako sa lola ko. Tapos yung tita ko, nag-alaga din sa akin.

Lumaki ako sa lugar, ‘yung kapaligiran hindi maganda. Maraming nagbibisyo… maraming barkada-barkada. So ngayon, ‘yung environment na kinalakihan ko, hindi okay. So naging matigas din ang ulo ko noong bata ako.
Sa papa ko lang, pasaway na ako. Ginugulpi na ako. Wala akong respeto sa mga nakakatanda. Siguro meron kaunti, pero kilala ako na bastos kausap na bata. Tapos nangupit din ako sa lola ko. Hindi lang sa lola ko, sa marami pa.

Noong estudyante pa lang ako, mayabang na din ako sa school eh. Noong naging artista ako, mas naging worse… Kumikita ako, sumikat ka pa… Tapos iba ako magsalita. Tapos nagbibisyo din ako. Umiinom ako, nagyoyosi din ako, nagda-drugs din ako. Tapos nagkaroon din ako ng experience sa mga bading para lang sa pera.

Are you ashamed of the things that you have done before?
To be honest, parang nahihiya ako. Hindi ko tinatago. Alam din ni Lord na nahiya ako eh. Pero dapat talaga hindi ko balikan ‘yung mga nangyari noon. Ngayon parang okay na ako. Kasi ‘yun ‘yung totoo, at saka naging parte ‘yun ng buhay ko. At saka hindi na din naman ako ‘yun.

Kasalanan ang itago ‘yung testimony. May nag-share lang din sa akin niyon. Story na ito ni God, hindi ko na ito story. Story na ito ni God sa buhay ko so gusto ko magpagamit kay God. I pray and I hope na patuloy pa Niya akong gamitin.

What do you want to tell those people who have negative impressions of you?
Gusto ko sabihin sa mga taong na-offend ko na patawarin nila ko… Sa mga na-hurt ko, na patawarin nila ako… Sa mga ‘di ko naman kilala pero may mga negative impression sa akin, gusto ko sabihin sa kanila na salamat kay Lord kasi hindi [Niya] ako jinudge. Nanatiling mapagtimpi and patient sa akin si God at binigyan Niya ako ng grace at sinave Niya ako at pinatawad Niya ako sa mga ginawa kong kasalanan at binago Niya ang buhay ko, at na-bless pa Niya ako ulit.

How do you want God to use your life?
Okay ako sa testimony, pero kung lagi niya [fiancée Izzy Trazona] maririnig yun, baka ma-hurt siya. Meron akong naipag-pray kanina. Parang gusto ko maging teacher… hindi sa school… Gusto ko magpaunawa sa mga tao na hindi kilala si Lord. Parang gusto ko magkaroon ng gift ng teaching. Parang ‘yun ‘yung na-sense ko kasi nga gusto ko ‘yung mag-disciple eh.

Leave a reply

required

required

optional