Sa Totoo Lang (Truth Be Told) is the crossover of The 700 Club Asia into an engaging AM radio format. The show aims to proclaim the truth of the Good News with relevance to today's time through real-life testimonies, fresh commentary, helpful public service, radio drama, and Biblical counseling on air.
 
 
 
 
Walang sini-sino ang batas

Pag-usapan natin kung papaano na ang batas ay sumasakop sa buong sambayanang Pilipino.  Anuman ang inaakala nating kawalan ng pag-asa sa hustisya, tandaan nating lahat na ang batas ay di natitinag 'pagkat ito ay batayan ng kaayusan ng ating lipunan.  Mabagal man, aabot pa rin at pananagutin ang lahat.


Our hosts
Alex Tinsay
Kata Inocencio
 

Radio Archives


11/26/11 - Pag-ibig pa rin sana
Anuman ang ating damdamin sa kasalukuyang mainit na balita patungkol sa mga lider ng ating bansa, nawa'y pag-ibig pa rin ang mamayani sa ating mga puso. Matuto nawa tayo sa mga leksyon ng nakaraan at ipanalangin ang ating kinabukasan alang-alang sa ating mga anak.

11/26/11 - Walang sini-sino ang batas
Pag-usapan natin kung papaano na ang batas ay sumasakop sa buong sambayanang Pilipino. Anuman ang inaakala nating kawalan ng pag-asa sa hustisya, tandaan nating lahat na ang batas ay di natitinag 'pagkat ito ay batayan ng kaayusan ng ating lipunan. Mabagal man, aabot pa rin at pananagutin ang lahat.

11/18/11 - Ang Manila dream
Pagusapan natin ang "Manila dream" ng ating mga kababayan sa probinsya. Marami pa rin ang lumuluwas sa Maynila sa hangad na kumita at maiayos ang buhay. Totoo pa ba ang "Manila dream"? O bangungot na lamang ito. Kung ang mga taga-siyudad nga'y hirap sa buhay-Manila, paano pa ang ating mga kababayang lumuwas mula sa probinsya para makipagsapalaran dito? Pagusapan natin yan, Sa Totoo Lang!

11/18/11 - Utanggalin - Ang 13th month pay
Nakuuuu, panahon na naman ng 13 month pay! Piyesta na naman ang mga bulsa natin. Pero teka ha, bago natin bunutin at gastusin ang ating mga 13th month pay, paala-ala muna ha. Ano ba ang dapat nating gawin sa biyayang ito? Nararapat bang gastusin agad? Aralin natin ang mahuhusay na paraan para tipirin at palaguin pa ang pera natin.

11/18/11 - Operation Blessing update - Mindanao mission
Dinalaw ng Operation Blessing ang mga kababayan nating Mindanaoan ngayong linggo. Napakaraming medical at dental mission ang ating inihatid sa mga mahihirap at nangangailangang komunidad. Patungo sila ngayon sa iba pang malalayong lugar ng Mindanao, pakinggan natin ang talakayan nina Alex, Erwin at Lucille.

11/18/11 - Panalo si Pacquiao!
Nagbubunyi ang bayan, panalo na naman si Pacman! Pero teka, bakit tila hindi kumbinsido ang ilan sa ating mga kababayan? Bantayan mo ang Facebook at makikita mong maraming 'tila hindi masaya na nanalo muli si Pacman. Pag-usapan natin ito ha, mainit na topic! Bakit ba hindi lubos na masaya ang Pilipino sa panalo ni Pacquiao?

11/18/11 - Media, media, saan ka ba pupunta
Teka, teka, teka... saan na nga ba pupunta ang media? May kaayusan pa ba sa media o ang media ba'y bira na lang ng bira para lamang kumita? Ano ba ang tunay na halaga ng media sa lipunan, ito ba'y nangyayari pa rin hanggang sa ngayon? Kaibigan, panahon na para ipaalam natin bilang "audience" ang nais nating ihanda ng media para sa ating lipunan.

11/18/11 - Media - An Agent of Change
Pansin n'yo na ba ang mga pagbabago sa ating local media? Bakit tila ang mga hindi naipapalabas noon, o natatalakay man ay hayag na binibigyang focus sa media ngayon. Yaong mga usaping pang "parental guidance" ika-nga, napansin n'yo bang tila "dinig na dinig" ng kabataan?

11/11/11 - Edukasyon, susi sa kinabukasan
Estado ng edukasyon dito sa Pilipinas ang lentehan natin ngayong araw. Ano na ba ang ating mga nagawa para ma-iangat ang husay ng ating mga paaralan. Ayon pa naman kay Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", ngunit papaano ba ito sa ating panahon ngayon? Gayon pa rin ba?

11/11/11 - Minahan natin, pag-usapan at linawin natin
Ngayong araw, pag-usapan po natin ang estado ng ating mga minahan dito sa Pilipinas. Kamusta na kaya ang industriyang ito. Isama na rin natin ang usaping kalikasan, kalagayan ng mga komunidad at maging mga pamilya na nakapaligid sa ating mga minahan.

« previous 1 2 3 4 next »

Updates

Ang 13th month pay

Nakuuuu, panahon na naman ng 13 month pay! Piyesta na naman ang mga bulsa natin. Pero teka ha, bago natin bunutin at gastusin ang ating mga 13th month pay, paala-ala muna ha. Ano ba ang dapat nating gawin sa biyayang ito? Nararapat bang gastusin agad? Aralin natin ang mahuhusay na paraan para tipirin at palaguin pa ang pera natin.