TINIG REAPS HIGH RATINGS ( Viewers Give Dulce’s Story Two Thumbs Up!)
October 16, 2012
Tinig: The True-to-Life Story of Dulce proved how excellence in producing inspiring and positive programming can be worth it.
Last October 7, Tinig, the latest telesine produced by CBN Asia (Christian Broadcasting Network Asia), aired at GMA Sunday Night Box Office, ranking second in its timeslot according to viewership figures from AGB Nielsen.
It was the first time OPM veteran Dulce agreed to let her personal story be known to the public. CBN Asia was privileged to be chosen by the “Asia’s Diva” to produce her biopic, despite offers from other producers.

Frencheska Farr and Isabella de Leon, who both played Dulce’s character, expressed their joy upon hearing the success of Tinig.
“Maraming salamat sa CBN Asia at sa lahat ng bumubuo ng Tinig for trusting me with the project,” said Kapuso singer-actress Frencheska Farr. “We offer this to the Lord. Sana ay marami kaming na-inspire at na-touch through the story of Dulce.”
Like Frencheska, former child star Isabella de Leon was also grateful to God for the opportunity to portray the young Asia’s Diva.
“Hindi po namin magagawa iyon kung hindi dahil sa mga viewers na matiyagang sumubaybay, at siyempre kay God na nagbigay sa amin ng strength and success,” Isabella said.

Tinig received a lot of positive feedback from viewers at home who tuned in to watch the telesine masterpiece. More than the usual heartbreaking drama, Tinig was a solid story of genuine hope and love.
The Asia’s Diva herself was more than thankful that her true story of tears and triumphs became a hit to audiences.
“I’m so glad I decided to entrust my story to CBN Asia. We really communicated God’s hope and love to so many people. And that, in the first place, was our main goal in doing my life story, to tell them that there is hope in Christ despite life’s tough blows and trials,” Dulce said.

She added, “I got so many good feedbacks, praises, and compliments! I was actually surprised because their responses were overwhelming. I even got calls from media people, congratulating me for a job well done. Also, people with heavy problems started coming to me to ask for prayers and counsel. It’s amazing how God orchestrated everything. I give all the glory back to Him alone.”| by Deb Bataller, CBN Asia
ANG MGA HINANAKIT NI DULCE, IBUBUNYAG NA
October 4, 2012
Para sa isang anak, wala na sigurong mas sasakit pa sa mapagkaitan ng pagmamahal ng sariling ina. Ganito ang naranasan ni Dulce noong kabataan niya.

“Noon, hindi ko naramdaman na mahal niya ako. Parang hindi ako anak o parte ng pamilya kung ituring niya ako. Talagang uhaw ako noon sa atensyon at pagkalinga ng aking nanay. Mabuti na lang at natatakbuhan ko palagi ang aking ama,” kuwento ni Dulce.
Nakaranas din ang sikat na singer ng pananakit mula sa kanyang nanay. Sa paningin ng ina, para bang walang tama na nagawa ang anak. Ito ang nagtulak sa batang Dulce na patunayan sa sarili na mayroon siyang mararating. Iyan ang naging simula ng pagsali niya sa mga singing contest.
“Gusto ko na maging proud ang nanay ko sa akin, kaya pilit ako sumasali sa lahat ng contests na mabalitaan ko. Pero sa loob ko, namumuo na pala ang galit at sama ng loob,” ani Dulce. “Nagsimula akong sumikat, pero ramdam ko na dahil lang sa pera at kasikatan ko kaya nagbago ang trato ng nanay ko sa akin, pero hindi talaga dahil may pakialam siya sa akin o natutuwa siya sa narating ko na tagumpay.”
Dagdag pa niya, “Talagang masakit na halos itakwil ako ng sarili kong ina. Hindi ko alam kung ano ang naging pagkukulang ko o kasalanan sa kanya. Alam ko na marami din ang nakaka-relate sa aking karanasan.”

May lugar pa ba ang pagpapatawad para sa isang pusong lubos na nasaktan at nasugatan? Makuha kaya ni Dulce na kalimutan ang nakaraan at ibaon sa limot ang sugat ng kahapon na dulot ng sarili niyang kadugo?
Abangan ang sagot sa Tinig: The True-to-Life Story of Dulce. Mapapanood na ngayong Linggo, Oktubre 7, 10:30 ng gabi sa GMA Sunday Night Box Office.
‘Wag ding kalimutang bisitahin ang aming official Facebook page sa www.facebook.com/OfficialTinig. Sundan din ang aming diskusyon sa Twitter: #Tinig. | by Deb Bataller, CBN Asia
FRENCHESKA FARR, KINARIR ANG PAGIGING DULCE
October 1, 2012
Inamin ng sikat na Kapuso singer na si Frencheska Farr na nahirapan siyang gampanan ang role ni “Asia’s Diva” Dulce dahil sa malalim nitong character.
Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi niya magawa ng maayos ang role. Sa halip, ito ang nagtulak sa kanya upang karirin ang pag-arte.

“Na-challenge po talaga ako sa role at talagang gusto ko po maibigay ‘yung best ko, kahit na hindi ko pa nararanasan lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay ni Tita Dulce,” sabi ni Frencheska.
Kaya naman hindi nag-aksaya ng panahon ang talented na singer. Gumawa siya ng paraan upang malaman ang buong istorya mula mismo sa tinitingalang Asia’s Diva.
“Inalam ko talaga ‘yung nangyari ng buo sa buhay niya. Kinausap ko talaga siya. We met for lunch and I asked her kung meron ba siyang gusto na gawin ko sa pag-arte. She told me, ‘Neng, ikaw ang bahala. Ang gusto ko lang ay maramdaman mo ‘yung eksena,” kuwento niya.
Dagdag pa ni Frencheska, “Dapat panoorin ng mga tao ang istorya ni Tita Dulce. It’s more than just a show. It’s more than just a production. It’s a blessing from God. Katulad ko, marami silang madi-discover na lessons sa buhay nya.”
Nagkasama na sina Frencheska at Dulce sa hit musical na Emir, at doon nabuo ang maganda nilang samahan. Kaya hindi nakapagtataka na nagkasundo sila ng maigi sa Tinig.
Masasaksihan ang natatanging pagganap ni Frencheska Farr bilang Dulce sa Tinig: The True-to-life story of Dulce kasama sina Isabella De Leon, Nash Bueno, John Arcilla, Icko Gonzalez, at Princess Snell.

Mapapanood ang Tinig sa Oktubre 7, 10:30 ng gabi sa GMA Sunday Night Box Office. Sa direksyon ni Derrek Adapon at panulat ni Icko Gonzales, ang Tinig ay isang produksyon ng CBN Asia (Christian Broadcasting Network Asia), producer ng The 700 Club Asia.
Para sa iba pang updates, patuloy kaming sundan sa Facebook, www.facebook.com/OfficialTinig, o makisali sa aming diskuyon sa Twitter: #Tinig. | by Deb Bataller, CBN Asia
ISABELLA DE LEON, NA-’RAPE’ SA TINIG
September 17, 2012
Kilala at sumikat bilang Duday sa GMA sitcom na DaddyDiDoDu, isa si Isabella De Leon sa mga pinakabibong child actress noon. Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating masayahing bata na napapanood sa TV ay ibang-ibang na sa Isabella De Leon ngayon?

Kasabay ng pagdadalaga niya ay ang pagtindi rin ng mga roles na kanyang ginagampanan. Tulad na lang ng karakter niya bilang ang “Asia’s Diva” na si Dulce sa telesineng Tinig: The True-to-Life Story of Dulce.
Ayon sa batang aktres, ito ang una niyang pagkakataon na gumanap sa isang mabigat at maselan na eksena. “First time ko po na mare-rape sa isang eksena. Medyo kinabahan po ako kahit paano, pero tiwala naman po ako sa production team ng CBN Asia,” pag-amin ni Isabella.
Inamin din niya na hindi biro ang role na kaniyang ginampanan at talagang pinaghandaan niya ang role bilang dalagang Asia’s Diva. “Nag-YouTube po ako ng mga kanta. mga Visayan songs. ‘Yung accent po ang pinakamahirap talaga. Inaral ko po ‘yun, dinownload ko po sa cellphone ko para mapakinggan ko po habang bumibiyahe, at pati po yung lyrics inaral ko din,” ani Isabella.
Dagdag pa niya, “Saka yung genre po kasi namin magkaiba. Rocker po kasi ako, pop rock po ‘yung genre ko, pero ‘yung kay Tita Dulce po kasi operatic. ‘Yung vocal chords po niya talaga grabe, so kailangan ko po lumevel dun.”
“Sa pag-arte naman po, tinanong ko po yung Psychology teacher ko kung ano po ‘yung pinagdadaanan ng isang 14-year-old na dumaan sa ganoong experience, ano’ng klaseng trauma. Saka ni-research ko rin po ‘yung biography ni Ms. Dulce, at binasa ko po maigi yung script. I tried my best to bring justice to the role.”

“It was quite an experience. It’s flattering na ako ay gaganap na batang Dulce, kasi isa po talaga si Tita Dulce sa mga hinahangaan ko na tao, hindi lang dahil sa galing niya sa pagkanta kundi pati na rin yung faith niya kay God. Maraming pong mga highlights sa buhay ni Tita Dulce ang nangyari noong siya ay bata pa, kaya it’s really an honor for me. Much more, Tinig is a great production.”
Panoorin ang natatanging pagganap ni Isabella de Leon bilang Dulce sa Tinig kasama sina Frencheska Farr, Nash Bueno, John Arcilla, Icko Gonzalez, at Princess Snell. Mapapanood ang Tinig: The True-to-Life Story of Dulce sa Oktubre 7, Linggo, 10:30 ng gabi sa GMA Sunday Night Box Office.
Sa direksyon ni Derrek Adapon at panulat ni Icko Gonzales, ang Tinig ay isang produksyon ng CBN Asia (Christian Broadcasting Network) Asia, producer ng The 700 Club Asia.
Para sa iba pang updates, sundan kami sa Facebook, www.facebook.com/OfficialTinig, o makisali sa aming diskuyon sa Twitter: #Tinig. | by Deb Bataller, CBN Asia
FRENCHESKA FARR, NATAKOT SA BAGONG ROLE
September 5, 2012
May bagong dapat abangan ang fans ng Kapuso singer na si Frenchseka Farr. Maiba naman sa pagkanta at pagsayaw, ipapakita ni Frencheska na mayroon din siyang ibubuga pagdating sa dramahan.
Sa isang telesine na pinamagatang Tinig, gagampanan ni Frencheska ang buhay ng isa sa mga pinakasikat na singer noong dekada ’70, ang Asia’s Diva na si Dulce. Tampok din sa Tinig ang mga lihim sa buhay ni Dulce na matagal niyang itinago sa mata ng publiko.

Sa isang press conference ng CBN Asia kamakailan lang sa Meridian International (MINT) College sa Taguig, inamin ng sikat na singer at aktres na nahirapan siyang gampanan ang karakter ni Dulce, kahit na matagal na niyang kakilala ang Asia’s Diva. Matatandaang nagkasama na rin si Frencheska at Dulce sa musical hit na Emir.
“Kinabahan po ako na baka hindi ko magampanan ng tama ‘yung role at hindi ko mabigyan ng justice yung life ni Tita Dulce. Andaming struggles sa buhay niya, so it’s really hard for me to play her character kasi hindi ko pa masyado naranasan ‘yung mga naranasan niya… but I tried my best. It was really a big challenge for me,” ani Frencheska.
Dagdag pa ni Frencheska, “Natakot po ako. Baguhan pa lang ako sa showbiz, pero malaking role itong binigay sa akin. Life story pa ito ng isang tao na maraming pinagdaan… Hopefully makita niyo po kung gaano kabigat [ang kuwento ni Dulce].” Ayon pa kay Frencheska, talagang napasabak siya sa matitindi at mabibigat na eksena na sumubok sa kanyang galing sa pag-arte.
“Kasi iba ‘yung ginagawa ko madalas sa mga shows ko sa GMA na madalas bubbly at masayahin na role, o kaya kanta lang ng kanta. Iba rin naman ‘yung role ko sa Emir. Pero itong role ko sa Tinig ay talagang napakalalim. Maraming emotions na involved sa buhay ni Dulce.”
Sa nasabing presscon, nabanggit din na si Dulce mismo ang pumili kay Frencheska upang gumanap ng kanyang role.

“I personally chose Frencheska kasi I’ve worked with her a couple of times at nakita ko na hindi lang siya magaling na singer, magaling din siyang actress, and I’m really happy sa performance niya sa Tinig,” sabi ng Asia’s Diva.
Kasama rin sa Tinig sina Isabella de Leon, Nash Bueno, John Arcilla, Icko Gonzalez, at Princess Snell. Mapapanood ang Tinig sa Oktubre 7, Linggo, 10:30 ng gabi sa GMA Sunday Night Box Office.
Sa direksyon ni Derrek Adapon at panulat ni Icko Gonzalez, ang Tinig ay isang produksyon ng CBN Asia (Christian Broadcasting Network Asia), producer ng The 700 Club Asia.
Para sa iba pang updates, sundan kami sa Facebook, www.facebook.com/OfficialTinig, o makisali sa aming diskuyon sa Twitter: #Tinig. | by Deb Bataller, CBN Asia
Dubbed as “Asia’s Diva,” Dulce is undoubtedly one of the most famous and in-demand OPM singers back in the ‘70s. Famed for her rendition of “Ako Ang Nasawi, Ako Ang Nagwagi,” Dulce instantly became a singing sensation, locally and abroad.
With her exceptional singing prowess, Dulce was undeniably one of the most talented performers during her time. Her charm captivated the hearts of many, giving her not only admirers but some detractors as well. What many don’t know about Dulce is that behind all the glam and the glitter, the fame and the fortune, lies a broken heart and a searching soul.
Dulce realized that having a good voice is not enough. Prominence has a price to pay. Willing to pay the cost, Dulce compromised just to give her family the life that they deserve. Success followed her footsteps, and in no time, Dulce reached the peak of her singing career. Later in her life, with a blossoming career, she met Raymond, who pursued her persistently and swept Dulce off her feet. Their love bore two children.
Yet as time passed, Raymond began to change, leaving Dulce with no choice but to leave him. Amidst all the hurts and struggles, Dulce heard the voice of the One who will soon end her lifelong quest for love and acceptance, leading her to the life that she had wanted all along.
Embed this video by selecting this code:
<iframe width=”560″ height=”315″ src=”http://www.youtube.com/embed/videoseries?list=PL0B27A66175F37F59&hl=en_US” frameborder=”0″ allowfullscreen></iframe>
Link to this by selecting this link:
http://www.youtube.com/playlist?list=PL0B27A66175F37F59
CBN Asia prayerfully selected these excellent artists to play the roles in Tinig : The true-to-life story of Dulce. We are very grateful to have witnessed their talents blend to bring you Asia’s Diva Dulce… her voice… her life… and her Lord and Savior Jesus Christ.
|
CHARACTER |
CAST |
| Asia’s Diva Dulce | As Herself |
| Dulce, 18 up | Frenchesca Farr |
| Dulce, 14 | Isabella de Leon |
| Dulce, 9 | Nastassja “Nash” Bueno |
| Marlon | John Arcilla |
| Raymond, 30s | Icko Gonzalez |
| Nanay | Melanie Dujunco |
| Tatay | Jun Ofrasio |
| Bernard, 18 | Miguel Estenzo |
| Nenette | Pamela Imperial |
| Leslie | Princess Snell |
| JJ | Roden Araneta |
| George Francisco | Jay Fajutag |
| Art | Will Angeles |
| Ronnie, 9yo | Matthew Canda |
| Rita, 8yo | Yedda Lambujon |
| Jun P. | Lem Divinagracia |
| Guro, 20s | Cherrie Reyes |
| Female Reporter | Alice Labaydan |
|
CHARACTER |
CAST |
| Asia’s Diva Dulce | As Herself |
| Dulce, 18 up | Frenchesca Farr |
| Dulce, 14 | Isabella de Leon |
| Dulce, 9 | Nastassja “Nash” Bueno |
| Marlon | John Arcilla |
| Raymond, 30s | Icko Gonzalez |
| Nanay | Melanie Dujunco |
| Tatay | Jun Ofrasio |
| Bernard, 18 | Miguel Estenzo |
| Nenette | Pamela Imperial |
| Leslie | Princess Snell |
| JJ | Roden Araneta |
| George Francisco | Jay Fajutag |
| Art | Will Angeles |
| Ronnie, 9yo | Matthew Canda |
| Rita, 8yo | Yedda Lambujon |
| Jun P. | Lem Divinagracia |
| Guro, 20s | Cherrie Reyes |
| Female Reporter | Alice Labaydan |
Help us promote Tinig on and offline. We provide with graphic files that you can print for your office, church or school. You can also download files for your Facebook account or blog. Let band together to help bless other people by spreading the news that on October 7, 2012 at 10:30 p.m., Tinig: The True-to-life Story of Asia’s Diva, Dulce will be showing on GMA’s Sunday Night Box Office (SNBO).
To preview the file, please click on the link and a new window will be launched displaying the image. Right-click the image and choose “Save Image As…” and choose a fold to save it to. You can also just right-click the link and choose “Download Link File As…”
Facebook Timeline Covers
Facebook Profile Picture Image
11″ x 17″ Poster (18.5Mb) (Warning: This is a big file.)
8.5″ x 5.5″ Flyer (3.5Mb) (Warning: This is a big file.)
PowerPoint Slide
Website Banner Ads
728 x 90 Horizontal Ad
Omnibus | Dulce | Frencheska | Isabella
468 x 60 Horizontal Ad
Omnibus | Dulce | Frencheska | Isabella
300 x 250 Rectangular Ad
Omnibus | Dulce | Frencheska | Isabella
250 x 250 Square Ad
Omnibus | Dulce | Frencheska | Isabella
125 x 125 Square Ad
Omnibus | Dulce | Frencheska | Isabella
1. By bank: deposit your donation to Metrobank Savings Account No. 270-3-27005298-4 with Account Name CBN Asia Inc.
2. By ML Kwarta Padala - visit any of M. Lhuillier's 1,400 branches nationwide. Fill-up the Customer Information Sheet. Write "700 Club" as the recipient and submit the form to the counter together with your donation. Write: "The 700 Club Asia” as the purpose of transaction.
3. By iRemit - if you're abroad, visit any of iRemit's centers in 26 countries to make a donation. Fill-up an application form and indicate "700 Club" as the recipient. Submit the form together with your donation. Write: "The 700 Club Asia” as the purpose of transaction. Visit www.myiremit.com for more info.
4. Or safely give thru the CBN Asia website by clicking here.