Unos – April 5

“UNOS” starring Amy Austria, Alden Richards & Mike Lloren

Maundy Thursday, April 5 5:00 p.m. on GMA

Synopsis:

Walang ina ang nais na makitang nagugutom ang kanyang mga anak. Para kay Lupe (Amy Austria), gagawin niya ang lahat, mabuhay lang ang kanyang pamilya—kahit kapalit na nito ay ang kanyang kaluluwa.

Pangkukulam ang trabaho ni Lupe. Sa kabila ng pagtutol ng asawa niyang si Gardo (Mike Lloren), walang magawa si Lupe kundi magpatuloy dahil sa kakaunting kinikita ng asawa.

Pilit niyang itinatago ang pagiging mangkukulam sa mga anak, ngunit isang pangyayari ang magsisiwalat ng lahat. Masasaksihan ng anak ni Lupe ang kanyang ritwal at siya’y magagalit at masasaktan ang anak. Matatauhan si Lupe sa nagawang pananakit sa anak at magdedesisyong talikuran ang pangungulam.

Ito ay ikakagalit ng mga kasama niyang babaylan at isusumpa nila si Lupe. Sunud-sunod na trahedya ang mangyayari sa pamilya ni Lupe dahil sa sumpa. Mamamatay ang dalawa niyang anak at malalayo sa kanya ang panganay na si Angelo (Alden Richards).

Ngunit isang pangyayari ang magaganap sa buhay ni Angelo na magiging susi upang makalaya sila sa sumpa, magkasama-sama, at makapagsimula muli.

 


Comments

comments

 
 

Show archives

Show topics

Dear The 700 Club Asia

  • Prayer Center: Salamat sa pagshare, Cy. Kaisa mo kami sa pagpray ng iyong c…
  • Prayer Center: Salamat sa pagbagi sa amin ng iyong concern Jen. We will uph…
  • Prayer Center: Salamat sa pagbisita, Robert. Sundan ang link na ito http:/…
  • Prayer Center: Salamat sa pagvisit Catherine. You may send your donation th…
  • Prayer Center: Salamat sa pagshare, Mylene. Walang imposible sa Dios sapagk…
  • Prayer Center: Itinatas namin sa panalangin ang iyong prayer concern Jane.T…

Get our E-Newsletter

We would like to send you the CBN Asia Newsletter. Please type your email below and press the button now.