HIStories of Second Chances

 

110 Comments

  1. Arnold Echiverria

    Am praying for second chances to re-invent myself since I had stroke thrice. I attempted to work twice after my first attack, but just got sick again and again.. Now m an indigent at 50+, long unemployed, having a hard time to find work because of partial disability too. Though very desperate to earn, I also need to have work – life balance and job stress tolerance level. I applied for tesda / als scholarship for massage therapy course, but none available yet.. My next option to working at home via online_job. Though m gaving slight speech difficulty and typing skill is compromised, I can work as some kind of virtual assistance. I do admit lack in computer literacy but my strong interest to learning social media marketing can drive me to excel. I still have my English communications skills to work with. . . Unfortunately, I don’t have own computer.. May the Lord make a way for me to full recovery of my hypertension, diabetes and kidney problem, as well as grant me work opportunity to re-invent myself and secure my finances during monetary crises.

    • Hi Arnold, Jesus loves you so much. As we come to Him, he will not drive us away. Be strong and have faith in God. As we trust Him, we will not be put to shame.In Proverbs 16:3 says “Commit your actions to the LORD, and your plans will succeed.” We declare favor, peace, financial breakthrough, comfort and healing upon you. In Jesus name. amen.

  2. Asking for your prayers, im in constant struggle dito sa problema ko po, I have been living for 6 yrs with a married man, we have a daughter, ok naman po kami kaya lng po meron pa din guilt sa isip ko at hindi po payapa sa pakiramdam knowing na ganito ang sitwasyon ko, pagka inoopen ko sknya ang issue wala syang concrete na naisasagot hnggang one day cnb nya na hnd nya kayang idaan sa legallities ang annulment nila dahil naaawa daw xa s asawa nya, ayoko din nman po nang ganito lang ako, i have been praying for strength kng pano ako aalis na sitwasyon ko, pnag iisipan nya ako na may iba daw ako kaya gsto kong mkipaghiwalay, hnd nya narrealize na mali ang sitwasyon nmin at hnd ko naman cguro deserve ang maging gnito lang po 馃檨 Thank you po sa time and God bless

    • Hi Sarah! Alam ng Diyos ang pinakamabuti para sayo at kalooban Niyang iaayos ang iyong buhay pagkat mahal na mahal ka Niya. Kagalakan namin ang magabayan at maipanalangin ka. Maari mo kaming tawagan sa aming 24/7 Prayer Center: 737-0700. God bless you.

  3. EJ Mendieta

    Good day po sa inyong lahat. Ako po pala si EJ. Humihingi po ako ng tulong sa panalangin. May dalawa po akong anak sa aking partner pero hindi po kami kasal. Ngayon po ay magulo po ang nangyari sa aming pamilha. Ang ama ng mga anak ko ay nagkaroon ng anak sa ibang babae. Inihingi nya ng kapatawaran ito sa akin amg nagawa nyang pagkakamali. Mahal at mahalaga sa kanya kaming mag-iina nya, pero ganun din ang nararamdaman nya sa kabila. At ngayon ay naguguluhan sya kung anong dapat nyang gawin. Ipinalangin kung tama po ba ang aking ipinagdadasal na mabuo kami. Kung ito po ba ay will ng Panginoon sa amin at hindi lang po ito sarili ko lamang pong desisyon. Pinapanalangin ko na i-guide nya po ako sa mga ganitong klaseng problema. Hinigi ko rin ang pagpapatawad sa akin ng Panginoon ang nagawa namin ng aking partner sa kasalanan ng pagkakaroon ng mga anak sa labas ng kasal at ganun din po ang pangalawang pagkakataon na mata at mabuo ang pamilya namin. At ipinapanalangin ko din po na muling magbalik-loob ang asawa ko sa Panginoon, ganun din po yung babaeng nainvolve po sa aming relasyon. Maraming salamat po at God bless po.

    • Maraming salamat sa pagbisita sa aming website, EJ. Kagalakan namin na makilala at maipanalangin ka. Ano man ang mga pinagdadaanan mo ngayon, hayaan mong ang Panginoon ang umayos nito. Walang imposible sa Kanya. Mahal ka ng Panginoon, at nais niya na ang kalooban ng Diyos ang masunod sa buhay natin. Pangako ng Panginoon, na ang lahat ng lalapit sa kanya ay hindi niya itataboy. Sa Panginoon, mo hanapin ang kaligayahan at ang lahat ng nais ng puso mo ay ibibigay ng Diyos. Kung nais mo makausap ang aming trained prayer counselor, maaari mong tawagan ang 737-0700, ito ay bukas 24/7. Pagpalain ka ng Panginoon.

  4. Jackielou Villas

    hi po! i would like to ask for your praying. mahigit 1 month na po akong dinudugo natatakot na po ako sa maaring mangyari sa akin. Halos nauubos na po ang savings ng parents ko dahil sa pag-aaral ko at sa pagbili ng mga gamot ko.

    • Good day Jackielou, salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kasama mo kami sa iyong panalangin para sa lubos mong kagalingan sa pangalan ng ating Panginoong Hesus na ating Dakilang Manggagamot. Awit 91:15-16 “Siya’y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako’y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.16 Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. Amen. Balitaan mo kami tawag ka sa 737-0700. God bless you.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *