Piso ‘Yan Principle

Nakakita ka na ba ng taong nag-planong sirain ang buhay niya? Malamang, hindi pa. Pero bakit maraming taong sira ang buhay? Kasi, hindi sila nag-plano ng kanilang buhay. 

You must plan to achieve your goalsAng sabi nga nila, “People don’t plan to fail, they just failed to plan.”  

Ito ang isa sa pinakamalaking problema ng mga Pilipino. Hindi tayo marunong mag-plano. Asar na asar tayo sa pagpa-plano. Kaya hindi tayo yumayaman.

Eh tayo, ano ang ginagawa natin? Bara-bara ‘bay, o kaya, “Que sera, sera, whatever will be, will be!  The future’s not ours to see!  Que sera, sera!” Ganyan tayo!

Ang pagyaman ay hindi tsambahan. Itanong mo kay Tony Tan Caktiong, Henry Sy, o kaya kay Lucio Tan o kay John Gokongwei. Hindi sila tsumamba sa pagyaman. Nasa plano nila iyon. So ang buhay, pina-plano! Kaya napaka-importante ng pagpa-plano.

Ito ang Step No. 5 on how to unleash the highest potential of your money: You must plan to achieve your goals by having a… budget. Paano mag-plano sa pera? Dapat mag-budget.

What is a Budget? 

A budget is a plan that balances income and expenses. Napakasimple ng budget. Babalansehin mo lang ang iyong kinikita sa iyong expenses! Ganoon lang? Oo, ganoon lang.

Pero bago ka namin turuan kung paano mag-budget, tuturuan ka muna namin ng three very powerful budgeting principles! Sa totoo lang, gawin mo lang ang tatlong ito, gaganda na ang buhay mo (kahit hindi mo gawin ‘yung iba). Pero mas maganda kung gagawin mo itong tatlo at gagawin mo rin ‘yung iba. Tatlong prinsipyo, tandaan!

The First Budget Principle 

Ang unang prinsipyo: “Piso ‘yan.” 

Ano ang gagawin mo kung sa paglalakad mo sa kalye ay nakakita ka ng piso? Ano ang gagawin mo? Dadamputin?  Dadamputin mo ang piso? Ang dumi-dumi na ‘nun!

May halaga pa ba ang piso ngayon? Aber, ano ang mabibili ng piso? Ano? Kendi? Alam mo, ang laki-laki ng problema nating mga Pilipino. Ang pisong madumi, pinupulot natin. Ang pisong malinis, tinatapon natin.

Ano ulit? Ang pisong madumi, pinupulot; ang pisong malinis, tinatapon!

Anong piso ang tinatapon natin? Heto: gaano na karaming piso ang itinapon mo sa walang kakuwenta-kuwentang text?

Ito ang sinasabi ko sa iyo: importante ang piso. Ang problema, kapag lumapit sa iyo ang anak mo at humingi ng piso, anong gagawin mo?  Bibigyan mo?  Hindi! Bakit? Wala ng bata ang humihingi ng piso! Hindi na sila humihingi ng barya! Gusto nila, papel!

Ang sabi ng Nanay, “P20 bibigyan ko. Sir, P20 LANG naman ‘yan e! Pag-aawayan pa ba ‘yan?”

Kapag nagpunta ka ng mall, nakakita ka ng T-shirt. Dating P500, ngayon ay sale. P200 na lang.  Bibilhin mo?

“Syempre naman, Sir!  Nakatipid ako ng P300!”

Nakita mo lang ay nakatipid ka ng P300. Hindi mo nakita na gumastos ka ng P200! Sa isang T-shirt na hindi mo naman gaanong susuotin.  Nandiyan ka pa ba?

“Sir, sayang naman. Sale!”

Hindi mo malaman ang gagawin mo. Nanginginig ka pa na parang ayaw mong umalis kasi baka pag-alis mo ay mawala na yung T-shirt! Kaya ayaw mong umalis! Ayaw mo pang umuwi. Ang laki ng problema mo! Sayang kasi P200 LANG!

Ito po ang unang-unang prinsipyo sa budgeting: Piso ‘yan! Piso ‘yan! Basahing muli… PISO ‘YAN!

Mula sa araw na ito, bago bumitaw ng piso, ilagay sa isip, PISO ‘YAN! Hindi piso LANG ‘yan! Napaka-importante niyan. Bago bitawan ang piso, pag-isipan muna nang matagal. Pangako, yayaman ka.

Sino ang pinakamayayamang tao sa Pilipinas ngayon? Mga Chinese taipan!  Tony Tan Caktiong, Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei! Iyan ang mga mayayaman! Alam n’yo ba kung bakit sila mayaman? Dahil sa kanilang budgeting principles.

Ano ang budgeting principles ng mga Chinese? “Hindi mabubuo ang piso ‘pag walang singko.” Sa kanila, importante ang singko. Kaya bago sila bumitaw ng singko, pinag-iisipang mabuti. Tayo, tapon na lang nang tapon.

Kung gusto mong yumaman, bago bumitaw ng piso, isipin muna, piso ‘yan!

Application: Halimbawa, nagte-text ka at mag-se-send ka na, pero naisip mo, piso ‘yan! Huwag mo na lang i-text! Napaka-simple! Nakatipid ka ng piso. ‘Pag nakatipid ka ng 100 na P1, P100 na iyon. ‘Pag nakatipid ka ng 10 na P100, isang libong piso na iyon. Alam mo ba na ‘pag may isang libong piso ka, P999,000 na lang, milyonaryo ka na?

Paalala lang, ang ibang mga text, related sa trabaho ha!  Hindi ‘yun ang pinag-uusapan natin. Iba naman ang mga walang kakuwenta-kuwentang text at ang mga text na “Wer na u?”, “Here na me!”, ”K” – ito yung mga ‘yun. Iba po ‘yung office-related. Doon po tayo kumikita. These are not expenses.  Ano’ng tawag doon? Investment. May ROI (return on investment) ‘yon!  Okay ‘yon!

So, kapag humingi ulit ang anak mo ng piso, ano ang gagawin mo? Ako, kapag humihingi ng piso ang anak ko, hinihingan ko ng justification. Tinatanong ko, “Anak, bakit ka nanghihingi ng piso?” Ang sagot ng bata, “Kasi Daddy bibili ako ng candy.”

Tanong ko ulit, “Bakit mo kailangan ng candy?” Ang sagot ng bata, “Gusto ko po kasi… uh… uh…” Wala ng masabi ang bata. Wala ng maisip. Kaya, “Uh… gusto ko lang po!”

Hindi puwede ‘yun! Kayo ba sa kumpanya n’yo, puwedeng, “Sir, kailangan ko po ng P10,000.” Kapag tinanong ka kung bakit, ang sagot mo ba ay, “Gusto ko lang po!”  Hindi puwede!  Dapat may dahilan!

So, anong sasabihin mo sa bata – “Bakit mo kailangan ng candy?” Kakamot na lang ng ulo ‘yun at sasabihin sa iyo, “Sige po, ‘wag na lang po!” Nakatipid na ako ng piso!

Next week, pag-uusapan natin ang ikalawang budgeting principle.

 

(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo? available in National Bookstore, Powerbooks, Fullybooked, OMF and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH (8653274) or 664-0892, 632-0148 local 8002-8003.)

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs. 

Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.

Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic on Twitter, @UnleashMoney. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

56 Comments

  • Gumawa din po ako ng artikulong tagalog tungkol sa pagba-budget. Sana po ay makatulong po sa lahat ng mga kababayan kong Pinoy. Sana po ay ipahintulot ninyong i-post ang aking artikulo:

    http://www.gayward-concepts.com/budget-101/

    Salamat po!

  • katherine

    thank you for posting this ..its a mind opening article..it works for me and help me to realize that never lose any single cent ..before u spend, think…and teach the children that if u want something they have to explain why?..so that they will grow up not expecting the will parents just lay whatever they want in the table…not just depriving them the PISO, but teaching them the VALUE of it..like “a journey to a thousand miles begins with a single step”….when the children grow up–“asking 1,000pesos begins with a single PISO…hahaah –just a thought..God bless us all 🙂

  • habitforming

    I find this article very interesting..

    these are the principles instilled to me as a child by my parents.. – yep im tsinoy..

    the kurot principle makes a lot of sense.. I remember before on days i wanted a car toy..my mom would ask me – we were super poor then -(not all pinoy born chinese are rich).. what are you going to with that? from the last time we talked you told me you were a big boy already.. would you still need a toy to amuse yourself?

    I guess these principles gets embedded in you..

    you need new shoes? – what happened to the old ones? – you can still use them right?

    you saw a sale of some super fancy jeans? – wait i still got 3 jeans at home.. I dont go out that much anymore and the office wont let me wear jeans to work.. wag na lng

    you need a new car? – bakit? whats wrong with the old one? etc etc..

    thing is.. you can actually afford all of these things from your savings etc.. but what for? to show off? to tell people you earned it? that is one wrong conception that should be changed.. people care the first minute they see you.. the next 10 mins they evaluate your character and not that gold watch you have strapped on your wrist!

  • Eugenia Paje

    Maraming salamat po sa bukas palad na pagbabahagi ninyo ng mga prinsipyo tungkol sa paghawak ng pera. Ang tagal na panahon na nabulag ako sa maling prinsipyo at pamantayan ng pera. Napakalaking tulong na matutunan ko ito ay maisakatuparan sa buhay para makamit ko ang kaalwanan na matagal ko ng hinahangad. Nalaman ko na ang kawalan ko ng kaalaman ang nagdala sa akin sa kakapusan. Muli maraming salamat atlaging sumainyo ang tagumpay mula sa Panginoon.

    • Eugenia, maraming salamat rin sa iyong feedback. Palagi kang humingi ng gabay sa Panginoon sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Ang pagpapala ng Diyos ay patuloy na sumaiyo!

  • unlitext kasi ako kaya text dun text dito ako dahil takot maabutan ng expiry. pati kuya ko mga kaibigan ko lahat na text ko na dahil sa ten pesos.

Leave a reply

required

required

optional