Kurot Principle

Download the App!Advertisement : Download the Superbook App for FREE!  Teach your kids about the love of Jesus through our free Superbook Bible iPhone App!

All content is embedded within scripture, so children can easily interact with it from within the context of the Bible. Your child will love it!

Make sure you click on the SuperBook image to download the app, like the page on Facebook and follow our tweets!

 

————————————————————————————————-

Last week, I discussed the first principle in budgeting. Ito ay ang Piso ‘Yan Principle

Now, let’s go to Principle No. 2: Kurot Principle.

You must plan to achieve your goalsAno ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings.  P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun?  Utang na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot!  Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman 

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million!  So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”

Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya.  Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!

After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings!  So kurot lang ‘yun!  Nandiyan ka pa ba?

Isang Kahig, Isang Tuka 

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.

What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!

Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po?  Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.

Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old  na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang  tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.

Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.

Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.

The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.” 

Next week, I will discuss the third principle in budgeting.

 

(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo? available in National Bookstore, Powerbooks, Fullybooked, OMF and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH (8653274) or 664-0892, 632-0148 local 8002-8003.)

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs. 

Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.

Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic on Twitter, @UnleashMoney. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

142 Comments

  • Fe Nancy M. Arjona

    i learn a lot from your principles….tnx

  • wow ,,nice!!!!!! its good n nabasa ko ito,,sobrang magastos kc ako

    • Lilia, lubos kaming nagagalak na ang aming mga articles ay nakakatulong ng malaki sa inyo. Nawa ay magpatuloy kayo sa pagtangkilik ng aming website, maging iyong fanpage namin sa fb at pati ng aming program sa tv tuwing 11 ng gabi sa GMA News TV. Thanks and God bless you.

  • Thank you for this article. :)
    I’ve learned a lot on your principles and its on timing.
    God bless po sa inyong lahat!

  • Joy Mendoza

    thank you very much for this article. I hope I could apply your principles in my daily living.Please include me in your prayers to control myself in unplanned spending and constantly saving for the my family.I believe God’s plan for us is to give us abundant life.Praise God for continually using you to help those financially struggling as I was before.To God be the glory.

  • Dami ko pong natututunan. Thank you po. God bless always po :))

  • ophir bautista

    I’m sure its not an accident na nabasa ko to, may time pa para magbago ng lifestyle.

  • shirly

    wow! ang galing!.looking forward for the next article..
    thank you =)

  • This is very true, I dont think Filipinos are not earning much here and abroad ( in some cases yes but mostly not), its just that they spend higher than what they are earning. I adore both Filipinos and Chinese,both has its own strengths and weaknesses, but what I loved the most about the Chinese is their principle of spending. My mom is a Fil-Chi but she is not kuripot and she is fond of telling me that” sa lahat ng ugali ng Chinese ang pagkakuripot pa namana mo” I find it funny but at the end sa akin sila nangungutang.

  • Jobel

    Wow, thank you for this article, it really opened my mind. I hope i could apply this to my self. It will really help me. Thank you. Praise GOD.

  • alma guinto

    eye opener for me…. i learned a lot….it is a relity of life. thanks a lot and

    God Bless u all

  • ofelia villa

    maganda,at maliwanag sakin kung pano ko gagamitin sa maganda ang pera ko.

  • RUBEN CLAVIO DELA CRUZ

    maganda po ang inyong mga kwento principle itoy makakatulong sa mga tao na nakakalimot upang masumikap ako kami god blss. us evrebody

  • thank u so much…I also shared your article to my friends and Praise be to God they are also enlightened by it. To God be all the praises.

  • engracia c. carpio

    its true that almost all fils. have that habits of dakot ng dakot.pero masarap talagang mabuhay sa mundo ng nasa iyo lahat ng magagandang bagay.maybe we need a lot of descipline and education just like what your doing,imparting knowledge to everybody interested to be rich someday.may natutunan ako mula sa inyo salamat po.

  • WOW..ANG GALING NAMAN TALAGANG TINAMAAN AKO KASI NAKAKARELATE PO,PERO NGAYON ALAM KONA DAPAT HINDI PALA GANON,YONG UGALING DAKOT NG DAKOT..THANK YOU PO..

  • Toyz015

    ang galing ng pagkakasulat bigla aq nagising at natauhan :))

  • Beatoy

    Maraming salamat po sa article n ito, lalo tuloy ako n inspired ng mabasa ko itong “kurot principle”, i hope & pray na ma apply ko ito s small business ko at sana lumago din katulad ng mga business ng mga chinese. Thank you & more power po… God Bless

  • ailyn

    I learn a lot of this story,,,napakagastos ko po kasi talaga pag may hawak akong pera but now i’ve already known how to handle a money even malaki o maliit man ito. Have a great day and God bless :)

  • Lorenzo Gomez

    SOBRANG GANDA NG ARTICLE NA ITO, it makes me realize na ang dami ko na palang naging mga pagkakamali in terms of busdgeting, hayzz, btw thanks a lot!! :)

  • Wow.i learn a lot…grabe nakita ko yung self ko sa kwento..i realize nga tama talaga yung nakasulat sa article..maluho din kasi ako..thank you so much..sana marami pa kayo maipadala na advise samin.

  • rico toy

    thank you poh sainyo napakalaki halimbawa ito samin..malaki nabigay ng diskarte sa buhay ko d lng sakin sa lahat ng makakabasa nito salamt at mabuhay kau…

  • christian Halago

    Nice, tama ang ganda :)

  • Great read!

    I use the same principles, btw.

  • micah joy pacabis

    wow. thanks for this article, very useful para sa bubuksan namin mag-asawang sari-sari store. yong isa kasi naming business pagsu-supply nang goods yong profit dini-deposit namin sa bank for savings, maybe sa sari-sari store yong systemang nasa article ang gagawin namin on which yong profit dinaragdag sa capital. please help us pray that God will continue to give us wisdom in handling our finances. God bless po sa inyo lahat. :)

  • sherwin rosendal Gonzales

    Its discrimination for pilipino anu I compare daw ba ? Duh iba ang lupa ng mga instik sa pinoy pwede … ?

    FYI mayaman ang lupa at dagat ng pilupinas at duh walang winter sa pinas

    Kaya wag I compare sa ibang lahi pwede

  • thanks for this article. I now have a realization that what i’m currently working on is a promising one. I’ve just started a few months back. I’m off to a rough start but i’m hopeful. Better start young. Haha. May you stay utterly blessed as God continually guide your life ^_^

  • ang galing !!!

  • Very inspiring article and perfectly true among Pinoys. Currently, I am satisfied at age 63 cuz I did exactly the “kurot principle” pattern. We owned a house & lot and have 3 kids who are in good shape supporting me and my wife. Thank GOD and praise you for sharing this.

  • I agree but not entirely.

    Hindi nabangit dito ang mga Chinese sa China. Isang kahig isang tuka din.

    One of the main problem sa Pinas. Very low purchasing power. Mahal ang binibili natin hindi kasya ang sweldo. Compare: How much Mcdo Value Meal in the US, Singapore and Philippines? How much one liter of gasoline in US, Singapore and Phiilippines? In a few minutes of work they can buy, in the Philippines it takes hours or days to work in order to buy. See?

  • Gabby

    Thanks for this. I am sharing your article to all my FB friends to read.

  • thank you for this article…wake up call po talaga sya..maraming salamat . May God bless you always.

  • annalyn villadares

    super like! thanks a lot and God bless and enrich our lives more and more!!!

  • annalyn villadares

    super like! salamat po sa napaka-liwanag na illustration!!!

    thanks a lot and God bless and enrich our lives more and more!!!

  • annalyn villadares

    super like! super-hit ang illustration. Parang ganyan din po ang nangyari saken nung nagsisimula pa lang ako magnegosyo…though hindi naman gadgets ang mga binibili ko…bili lang ako ng bili ng mga machines na ang mahal pero hindi naman talaga kailangang-kailangan sa business. Salamat po ng marami…this article helps readers (entrepreneurs like me) pinpoint what is wrong with our spending attitude that affects the growth of our business.

    • Glory to God! Salamat sa iyong feedback Annalyn, masaya kaming nagustuhan mo ang article na ito at dalangin namin na higit pa itong makatulong sa inyo. Pagpalain ka ng ating Panginoon.

  • Michelle Arellano

    Ang galing nung principle. Thanks for inspiring.. ;)

  • ryan cris

    Ang galing, nakaka inspired… sobrang galing tagos sa isipan. than you very much sa article na to… gusto ko sana share sa FB ko para mabasa din ito ng mga kakilala ko… kahit panu makatulong ako sa kanila in terms of budgeting thier money.. thank you po ulit sa Kurot principles…. god bless!!

  • Ito ang totoong nangyayari sa mga pinoy at inaamin ko na kasama ako sa mga yan. Dumaan ang malalaking pera at ari arian pero nawala at naglahong bula dahil sa kawalan ng karunungan kung paano ito ingatan. Salamat sa mga ganitong pagkakataon mula sa inyo dahil marami ang namumulat at natututo. More power and God bless us all.

  • Oliver Gacita

    Very inspiring article…magsisimula na akong kumurot-kurot sa savings..

  • Napakabrilliant ng utak ng nag-isip ng mga prisipyong ito.. Simple pero bakit nga ba laging walang naibubulsa ang mga Pinoy? Galing!

  • Jojo M

    Love your article. I hope it will influence a lot of Filipinos in changing their financial outlook in life.

    I think we should also point out that since the Tsinoy is always adding up to his capital, then it translates to more merchandise and more profit. Thus the realistic mathematical/financial progression is that the Pinoy will have a constant monthly profit due to his constant capital value and the Tsinoy due to his compounding capital will have a steady increasing profit every month.

  • Jubal J Aguilar

    Everybody earns a living, if a person gets to a habit of saving 10% of what he earn since childhood, by the time he/she gets old a person will have something. Everyone pays taxis, bills, rent, mortgage, etc. At the end we keep forgetting who earn the money we’re spending, always pay yourself first. This will help every one someday. God bless.

  • randy

    very intelligent idea how to save money.. :) kahit ako magastos din talaga. but this time, after i read this article i guess i need to start saving my money..

    thank you for waking me.. :) i wish all the best to all of you.. :D

  • robieducks

    why do they also downplay filipino businessmen?

  • wow nice article malaking tolong ito sa akin sa pagsimula ko ng maliit na bisiness…thankx guys God bless u more and more knowledge upang marami pa kayo magawa na article.

    • Raiyan salamat sa pagbista mo sa ating webcast homepage at sa pagbabasa mo ng article na ito. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil natutulungan ka nito kung paano humawak ng negosyo. Sa Diyos ang papuri God Bless you!

  • Meann Reyes

    Nice article..thanks for sharing your positive thoughts..worth reading this. God bless!

  • Jesse

    Sobrang true! Ang dami ko kilala personally na dakot at utang ang ginagawa kaya hindi mag grow. Thank you for these teachings that at least some people would be convince to spend their money wisely.

  • Luzalej

    Wow! This hit me hard…thank you for this article

  • I’ve been telling this principle many many times to my family but their perception about me is all about money.

    I’ve been telling them not to spend the money on something that is not needed but spend it wisely and make it grow. Once there’s a lot of resources, all their wants are easy to be acquired and i told them the same principle like £1 Million pound house is easy if there’s a £10 Million pounds or £100 Million pounds in the bank.

    Am I not right talking about spending wisely and earning ethically and morally?

  • Alexa Yap

    My boss share this kurot principle to his employee and i learned a lot of things kaya pala mayaman ang chinoy kong boss because of kurot! I tried to browse and nahanap ko cia d2. After i read this article again shineshare ko cia and naapply ko na cia and its really effective. :)

    • Hi Alexa! Thank you for dropping by to our website and for reading this encouraging article. We are glad that you are sharing this to others, continue to be bless. God Bless your heart!

  • ercmus micelle

    tinamaan po talaga ako but i appreciate this very much. . ako hind lng tlga dakot kundi me kasama pang utang. at wala talaga sa bokabularyo ko ang kurot lng.. this is a really great help and i want to apply it with myself and to share it to my children for their future lives. and even to the school children we are teaching.. please inlude me on ur prayers that i could settle all finances and start a new tomorrow exercising these worthy lessons. GOD BLESS FOR BEING A BLESSING..

  • eric sillano

    Magandang umaga po sa may sulat ng artikulo na ito, interesting ho ang artikulo nyo madami matututunan, kaya lang parang mga pagsisikap lang ng mga chinese migrants ang nababanggit sa artikulo nyo at mga d magandang katangian ng pinoy. Sa pagkakaalam ko po hindi naman lahat ng pinoy ay ganyan ang ugali, siguro yung nabanggit nyong bara bara lang o happy go lucky ay natural sa pinoy, at dapat siguro magpasalamat sila henry sy at caktiong sa ganitong ugali ng pinoy dahil ito nagpayaman sa kanila dahil sa pagtangkilik ng pinoy sa SM at Jollibee, daan upang mapabilang sila sa forbes billionares of d world. Ang d lang maganda rito ay wala silang ginagawang pagtulong sa pinoy tulad ng ginawa ni bill gates sa amerika, samantalang hawak nila ang 70 porsyento ng kayamanan ng pinas, hindi equally distributed ang yaman ng pinas, d tulad sa japan na may malasakit sa kapwa nila hapon. At madami din maganda ugali pinoy, ito ay nabanggit ng isang american expat sa article nya sa philippine inquirer na ‘Love letter to Filipinos’. Hindi naman karamihan sa pinoy ay tamad, patunay dyan ang milyong OFW’s na nagsasakripisyo sa ibang bansa at sila isa sa nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa remittance nila, pati na rin ang mga magsasaka ng pinas. Hindi naman lahat kasalanan ng gobyerno ang nangyayari sa mga pinoy, pero d maikakaila na malaki ang impluwensya ng karamihang tiwali at korap na politiko at pag tolerate nila sa maling pamamalakad at kontraktwalisasyon sa trabaho at overwork underpay na pamamalakad ng mga chinoy (henry sy) at remaining spaniards businessmen (ayala at aboitiz) sa mga empleyado nilang pinoy. Sana mabanggit nyo rin ang mga skripisyo ng mga pinoy tulad ng mga karaniwang manggagawa, magsasaka at OFW’s.

  • eric sillano

    P.S. mga sir\ma’am pakisama na rin po ang mga successful purepinoys tulad ni Soccoro C. Ramos ng National Bookstore at Diosdado “Dado” Banatao ang Filipino version ni Bill Gates at iba pa. Salamat po :)

  • eric sillano

    sir/ma,am I guess kaya dito nagtayo ng business ang mga chinese migrats like henry sy at caktiong dahil wala silang chance na umunlad sa bansa nila kasi pare pareho sila ng culture na matipid, bukod pa sa communism na governance nila kaya nga sila nag migrate sa pinas at umasenso, kaya nakita nila na ang culture ng pinoy na happy go lucky or bara bara na potential na market nila sa mga malls (SM) at fastfood (Jollibee) ang pagiging happy go lucky siguro ng pinoy ay may kinalaman sa kultura natin na mahilig magsaya at mahalaga ang pamilya hindi ang pera lamang na makikita mo sa kultura ng mga chinese, napasok ako sa isang chinese na negosyante at nakita ko sa kanila ang ganitong katangian, at hindi sila matinong magpalakad at hindi marunong magpahalaga sa mga empleyado nila. Sabi nga sa bible, hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.

  • eric sillano

    Dear Sir/Ma’am pahabol lang po isa po ito sa comment sa Philippines Elite Swallow Country’s New Wealth ng inquirer regarding sa lumabas na Forbes worlds billionaires na kasama mga Sy at Ayala and the rest of Chinese migrants here in our country,The companies of the capitalist elite ( Sy and Ayala) report billion of pesos in profits annually yet, their low-salaried employees have to make do with hand-to-mouth existence. The elite NEVER feel it is their moral and inherent responsibility to share their wealth with their workers and uplift their lives (as it immensely uplifts the elite’s ) even as they are aware that it is the employees who make their companies run and make money for them. Until they feel that it is ONLY THEM (the capitalist elite ) that deserve all the money their companies make and no one else, the Philippines will always be saddled with poverty. The government should take charge and impose higher taxes to those earning “obscene” amounts of money so that wealth can be redistributed to a larger segment of our population (esp the poor) who can benefit through mass education , housing, health care, etc…. We are predominantly Catholics yet the elite conveniently forget that Jesus Christ espoused and practiced sharing of wealth since His time.
    Napag usapan nap o tungkol sa kurot principle, kung ishe-share ng mga bilyonaryo yaman nila, kahit kay Henry Sy lang na 1 bilyong piso at idivide sa populasyon ng Pilipinas para gumaan gaan buhay, kung 103 milyon ang pinoy eh d 103M pa lang tig 1M na, tama po ba? pwede po d ba? d naman iindahin ng pera nya kasi $13 billion net nya o 550 bilyon pesos, kurot lang sa yaman nya yung 103 million at parang pagtanaw lang nila ng utang na loob sa bansa na tumanggap sa kanila sa pagtakas nila sa komunismo ng bansa nila. at d naman ibig sabihin nun eh magba bara bara na naman pinoy, kanya kanya na siguro diskarte sa nakuha nila pera like magnegosyo o ilagay sa bangko o stock market pera nila. The rest na bilyonaryong intsik at kastila ay magbigay ng trabaho at disenteng sahod, tiyak uuwi na nga ofw, yung gusto na lang tumira sa abroad mag stay outside.Parang sa Japan equally distributed ang wealth nila, may malasakit sa kapwa hapon, kaya walang masyado naghihirap. Nabasa ko ito sa article sa Philippine daily inquirer sa editorial na may title na Giving.

    • eric sillano

      sir/ma’am d po pala talaga ko yayaman mali computation ko sa 100 M pero kung 1 billion kurot lang din sa yaman nila at tiyak naman po makakatulong tapos pati yung iba pa billionares sa pinas magbigay tulad ng ginawa ni bill gatesat warren buffet sa US.

  • eric sillano

    sir/ma’am pwede po ba mag request? tutal po may contact kayo sa may ari ng jollibee at sabi nyo na mababait at humble sila kahit mayaman at isa sila sa kasama sa forbes billionares of the world, eh baka ho pwede isuggest nyo na gawin nilang regular ang employee nila sa jollibee at alisin na ang contractual, kasi mga estudyante na part time ang kinukuha nila na ang akala ng marami nakakatulong sa pinoy, pero ang totoo hindi kasi nakakaiwas sila sa benefits kasi nga per hour lang ang mga empleyado nila, bukod sa iwas benefits na, iwas regular ng mga empleyado, kaya po karamihan sa pinoy kahit propesyonal ay nag aabroad kasi sa sobrang mahal ng bilihin sa pinas at ang liit naman ng salary, kaya ang nangyayari sa buhay pinoy hand to mouth existence, kaya hindi na mai a apply yung sinasabi nyong kurot principle kasi wala naman kukurutin. May kapatid po ako na OFW na 20 years na mahigit sa abroad pero hindi makauwi kasi wala naman maibibigay ang gobyerno matino trabaho kasi pag over 30 ka na dito over age ka na kahit kaya mo pa mag work, hindi tulad sa ibang bansa na kahit senior ka na may job opportunities ka pa tulad ng mga tyuhin ko sa italy ne senior na pero still working with good salaries at ang mga parents ng friend ko sa guam na seniors na rin at still working sa hotel as chambermaid. Dito sa pinas ang liit ng pasahod ng mga chinese migrant taipans at mga ayala’s na tinotolerate naman ng gobyerno kalokohan nila kasi ito ang sumusuporta sa kanila sa eleksyon, ipinakita ito sa I-Witness documentary na 100 million ang bigay ni tony cojuangco na chinese taipan sa isang pulitiko, mas ok pa ho minsan magpasahod pinoy businessmen kahit hindi kalakihan ang mga negosyo nila.

  • nit galuran

    Wow ang galing!may idea na aq of how to use money lalo na pagnagbblak magnegosyo.

    • Hi Nit! Salamat sa pagbasa mo ng article na ito. Purihin ang Diyos na nabigyan ka ng karunungan kung paano maging mabuting katiwala ng pagpapalang natatanggap mo. Pagpalain ka ng Diyos!

  • Maraming salamat sa napakagandang article na to. Hope we can invite you/your group to have a seminar regarding this. Thanks!

  • cecilia v. cruz

    natuwa ako nung nabasa ko to, tunay na nagbigay sakin ng aral ito, natapos na ang utang ko sa sanlang atm, now ang huhulog ko sa 15 and 30 bayad sa utang ko ay huhulog ko muna a bangko, na kunwari me utang ako, or nakasanala ang atm ko, pero di nman, tpos pag lumaki, dun nako kukuha ng puhunan sa negosyo ko, nag karon nko ng puhunan, nagkaron pako ng negosyong sariling puhunan at DI UTANG.. tnx.. and more power..

    • Hi Cecilia! Salamat sa iyong pagbisita sa ating website at sa pagbasa nito. Kami ay nagpapasalamat sa Diyos dahil nakatulong itong article para sa iyong paglago sa paghawak ng pinansiyal. Dalangin namin na pagpalain ka ng Panginoon!

  • grabe ang ganda talaga ng article na ito.pinaka fav8 ko ito sa lahat.maraming salamat ang dami kong natutunan dito.

  • aby perez

    I was really enlightened with this article. I want to spread this one. It’s really worth reading for. Thanks for sharing.

  • Jenny

    Hello everyone.Thank you for sharing this article.I attended the “Unleash the Potential of your Money” seminar offered at our church.Mr.Vic Garcia’s word has touched my life.Ang sabi nya,hindi naman sinabi ni God na maging mahirap para,at pinaliwanag nya na pag mayaman ka-ayaw mo ba nun,nasayo ang power para mas makatulong sa iba,so it’s a matter of stewardship talaga.I realised talaga na whatever you have right now,use it to benefit others,yun ang pagiging mayaman :)It is not money,but it is the “love of money” that’s the root of all sin.So sa seminar,malalaman mo kung anong uri ka ng steward,kung paano ka titigil gumamit ng credit cards(dahil ang credit card ay basically”utang”indi mo pera),kung paano computin ang income at salary ng tama at kung paano ang tamang attitude towards paggastos.Matapos ang seminar,may kailangan akong bayarang malaking pagkakautang,at nagawa kong magbayad ng indi ngloloan ulit sa iba.God is just so amazing.

    • Jenny, we are glad that you visited our website. Thank you for reading our articles and we are very grateful to God that He is using us as an instrument or channel of His blessings. God bless you more!

  • Carlo

    Daming tinamaan dito for sure! Haha. I am an OFW at maganda kinikita. My family is actually living this principle, di magarbo at simple. Nagtitipid pa nga kami so we can help my parents. 45 plng ako yet retirement plan na pinagplaplanuhan. Business & investment tlga dapat. Sa FB parang lumalabas si Vic Sotto may akda nito but I dig deeper! I posted and give the credit to whoever it is due, sa inyo pong dalawa! I will definitely ask my wife to find this book. Thanks for sharing!

  • Hello, I desire to subscribe for this blog to obtain
    hottest updates, so where can i do it please help.

  • I am sharing my testimony to everyone that has tried everything possible and had lost hope on how they can get their ex back, i want you all to know that their is one man called Dr VOODOO that work for me and after 2days of his spell brought my ex back to me without any delay, i am really happy now that we are together again and we are living happily with so much love and respect for each other, so i will advise everyone to ask for this same man’s help so that you can be happy again and make your dreams and wishes you have with your ex come true just contact him via his email address dr.voodoospell@gmail.com he can help you without any delay.

  • Hi! Jason , we appreciate your offer regarding loans which has a very low interest and an immediate processing . God bless your transactions.

  • junn mediran

    maraming salamat sa Panginoon at may mga taong katulad ninyo na bumubuo sa isang programang tulad nito…napakalaki o ng tinutulong ninyo sa buhay ng bawat isang nakakapanuod ng inyng programa at nakakabasa ng mga artikulo ditosa inyong website…

    personally, malaki po ang ngawa ninyo sa aking buhay itong nakaraan buwan…simula ng nanuod ako ng The 700 Club Asia sa ch.11, pinagaling po ako ng Panginoon at binago Niya ang mg pananaw ko sa buhay…naging daan po kayong mga hosts ng programa, sumunod po ako sa mga panalangin ninyo gabi gabi…napapanuod ko rin po kayo sa light tv 33…

    nakakabuti talaga ng Panginon, kahit gaano karami ng kasalanan ko, gaano ako kadumi pero binigyan pa rin Niya ako ng pagkakataong makilala at pagtiwalan Siyang muli…

    muli po, maraming salamat sa inyong lahat, more power and God Bless Us All…

    • Glory to God Junn, nagpapasalamat kami sa pagbisita mo dito sa ating website at dalangin naming patuloy ka sa iyong pananampalataya. Kung nagnanais kang maging kabahagi ng ating mga gawain katulad ng Bible study, tawagan mo kami sa 8107717/8107176. God bless you!

  • Lenard

    I so love this article..bakit…kasing habang binabasa ko sya sobrang nagdalawwang isip ako at sabi ko sa sarili ko tama sya..pero sana ma apply ko lang tlaga sya sa sarili ko…thanks for sharing this..thank you, thank you

    • Lenard, Salamat for giving us your feedback.Manalangin ka sa Diyos na bigyan ka ng kakayahan na gawin ang tama.Tutulungan ka namin na manalangin sa kanya.Tayo ay mga katiwala lamang nya.God bless sa yo.

  • rowena magparangalan

    very inspiring article ..sobrang dami kong natutunan praise God..more power po s inyo Godbless…

  • shinel

    This was shared by a friend of mine sa FB wall ko. Well, she knows the VERY ME inside out when it comes to handling my money kaya niya shine-share sa akin ito. Then I came to realize: a little of KUROT and a big-chunk of DAKOT pala ako (but never UTANG, hate it eversince). So, from now on, I’ll try to embrace the “more-on-kurot-than-dakot” trait :)

    Thank you.

  • jundel

    Galing! timing sya dinaranas ko ngayun. Salamat at malinaw ang paghahatid at pagpapaliwanag sa aming mga nagbabasa. More power!

    • Hi, Jundel! Thank you for reading this post. At we’re so blessed na nakatulong ito sa pinagdaraan mo right now. Kapit lang kay Lord, and gracefully you will rise above these challenges. God bless you.

  • Hi my son love your book so much, I wish that he will meet you guys in the future

    • Hi, Air! Thank you for informing us about how much your son love this book. We praise God for such a nice feedback. We are looking forward meeting him in the near future. God bless you.

  • salamat sa advance advice :)
    im starting a business and thanks sa kuya ko nakakuha ako ng idea :D thanks a lot and God bless

  • This article is useful to apply to the life of every Filipino’s.

Leave a reply

required

required

optional